UNA sa lahat ay binabati ko kayo mga mahal na mambabasa ng isang Mapagpala na Bagong Taon. Harinawa ang taon na ito ay maging puno ng biyaya at suwerte para sa atin lahat. Maging daan na rin sana ito sa ikabubuti ng bayan at ikapagbabalik ng mga namumuno sa katuwiran at kabutihan ng loob. Maging simula sana ito ng magandang bukas para sa lahat lalo na sa mga dukha, pinagkakaitan at inaapi. Muli isang mapagpala na Bagong Taon sa atin.