ISANG hindi malilimutang legacy ng kasalukuyang administrasyon kung malalagdaan ang Senate Bill No. 12 na naglalayong mabigyan ng retirement benefits ang mga kuwalipikadong barangay chairman, kasapi ng Sangguniang Barangay, ingat-yaman at kalihim, barangay tanod, kasapi ng Lupon ng Tagapamayapa gayon din ang mga health and day care workers.