PUMAYAG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mag-angkat ng 150,000 metriko toneladang (MT) asukal. Ito umano ang napagkasunduan sa ginanap na pulong nina FM Jr., Senate President Juan Miguel Zubiri, at mga kinatawan ng sugar industry sa Malacañang kamakalawa, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Ngunit wala pang itinakdang petsa kung kailan magaganap ang sugar importation. Nauna rito’y ibinasura ni …
Read More »Cable cars, makabubuti sa seguridad at kapaligiran – Palafox
MAKABUBUTI sa seguridad at kapaligiran ang paggamit ng aerial cable cars bilang tugon sa malalang trapiko sa Metro Manila at ibang urban centers sa Filipinas, ayon sa batikang urban planner na si Felino “Jun” Palafox Jr. Ayon kay Palafox, “future-proofing” na rin sa ating mga lungsod ang cable car system na ginagamit sa ibang bahagi ng mundo bilang sagot sa …
Read More »Work from home sa ecozones, payagan na – Villanueva
ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva, payagan ang mga negosyo sa ecozones para magkaroon ng work-from-home (WFH) arrangement sa mga empleyado nito nang hindi nawawala o binabawi ang kanilang tax at fiscal incentives. Hanggang 12 Setyembre 2022, papayagan ang mga negosyong kabilang sa Information Technology – Business Process Management (IT-BPM) sector na magkaroon ng WFH arrangement para sa 30 porsiyento ng …
Read More »Razon-Uy Malampaya deal dapat pabor sa consumers
DAPAT kilatising maigi ang kasunduan nina Enrique Razon at Dennis Uy hinggil sa pagbebenta ng shares sa Malampaya gas field project. Ito ang mariing sinabi ni Senador Win Gatchalian dahil kailangan aniyang pumabor sa mga konsumer at sa gobyerno, at masiguro ang sapat na suplay ng enerhiya sa bansa. Kamakailan ay lumagda ng kasunduan na bibilhin ni Razon ang shares …
Read More »
Palasyo deadma
US LAWMAKERS, HINARANG NG PNP SA PAGBISITA KAY DE LIMA
ni ROSE NOVENARIO TIKOM ang bibig ng Palasyo sa pagharang ng Philippine National Police (PNP) sa isang grupo ng US lawmakers na bibisita kay dating senador Leila de Lima kahapon. Naganap ang insidente, ilang oras matapos makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa US lawmakers sa pangunguna ni Sen. Edward J. Markey sa Palasyo. Walang kibo ang Malacañang kung napag-usapan …
Read More »
MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad
MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi ni Pasig Mayor Vico Sotto na sumailalim siya sa isang medical procedure na may kinalaman sa nararamdaman niyang sakit sa tuhod. Dahil dito, sinabi niya sa kanyang mga constituent na hindi na muna niya mapupuntahan ang ilang mahahalagang events na nakakalendaryo na sa kanyang opisina. Facebook post …
Read More »Panukalang learning recovery program muling inihain ni Gatchalian
SA GITNA ng mataas at nakababahalang antas ng learning poverty sa bansa, muling inihain ni Senador Win Gatchalian ang isang panukalang batas na layong magpatupad ng learning recovery program sa buong bansa upang tugunan ang epekto ng matagal na pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Ang Senate Bill No. 150 o ang Academic Recovery and Accessible …
Read More »Importasyon ng asukal pinayagan kahit lingid sa kaalaman ni FM Jr.
SA GITNA ng kontrobersiya sa importasyon ng asukal, inako ng nag-resign na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na siya ang pumirma sa mga dokumento sa pag-angkat nito. Sa isang joint briefing ng House committee on good government at Committee on Agriculture kahapon, sinabi ni Sebastian, siya ang pumirma sa resolusyon sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal na walang pabihintulot …
Read More »
Kagutuman lalala
PAGWAWAKAS SA GUTOM PANAGINIP NI FM JR.
IMAHINASYON lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pangarap niyang wakasan ang gutom sa bansa. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, imbes puksain, lalong lalala ang kagutuman dahil sa panibagong pagtaas sa mga presyo ng pangunahing bilihin kagaya ng sardinas at noodles. Ani Brosas, inaprobahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at …
Read More »Asunto vs Angono ex-mayor absuwelto sa Ombudsman
IBINASURA ng Ombudsman ang kasong graft, grave misconduct, at abuse of authority sa dating alkalde ng Angono, Rizal dahil sa paggamit ng lupang nasa pampang ng Laguna de Bay. Sa siyam na pahinang resolusyon, ipinawalang-sala ng Ombudsman ang inihaing kaso laban kay dating Angono Mayor Gerardo Calderon kaugnay sa pagpapatayo ng isang pasyalan sa lupang inaangkin ng isang Cecilia Del …
Read More »
Mas marami pang dapat iprayoridad
PH HINDI PA HANDA SA SAME SEX UNION 
AMINADO si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi pa handa ang Filpinas para sa tinatawag na same sex union na walang ipinagkaiba sa unang panukalang same sex marriage. Ayon kay Pimentel, hindi lingid sa kabatiran ng lahat na sa usaping ito ay papasok na ang usapin ng relihiyon at ng ating kasalukuyang batas kaya lubhang mahirap pag-usapan o …
Read More »
Endo sa gobyerno wawakasan na
HB 521 PAG-ASA NG CONTRACTUAL EMPLOYEES
BINIGYANG pag-asa ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang mahigit 660,000 contractual at job order employees sa gobyerno na magiging regular sa kanilang trabaho kahit wala silang civil service eligibility. Sa pagbubukas ng 19th Congress, ihinain ni Salo ang House Bill (HB) 521 o ang Automatic Civil Service Eligibility Act na magiging tulay tungong regularisasyon ng mga contractual at casual …
Read More »Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan
MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, huh! Siya ang opisyal na itinalaga ni President Bongbong Marcos Jr. bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Department of Migrant Workers. Natutuwa ang maraming OFW (Overseas Filipino workers) dahil nasaksihan nila nang personal ang pagmamalasakit sa kanila ng mahusay na TV host at komedyante. Sobrang nagpapasalamat si Arnell sa …
Read More »Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado
HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas at Mababang Kapulungan), ang agarang pag-amyenda sa Republic Act 11525 o ang CoVid-19 Vaccination Program Act of 2021 na naglilimita ng naturang programa sa ilalim ng state of calamity. Ayon kay Vergeire sa kanyang mensahe matapos dumalo sa DOH PinasLakas CoVid-19 vaccination program, dapat igiit …
Read More »Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act
ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang benepisaryo ng Rice Tariffication Act (Republic Act 11203). Sa Senate Bill 231, iminungkahi ni Padilla na palakihin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para maging mas competitive ang mmga magsasakang Pinoy.’ “This measure also proposes to increase the amount earmarked for RCEF from P10 billion …
Read More »PPP sa LGUs suportado ni Angara
SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga pamahalaang lokal (LGUs) na makipag-ugnayan sa pribadong sektor sa pagpapatupad ng development projects sa kani-kanilang mga nasasakupan. Ayon kay Angara, chairman ng finance committee ng Senado, napapanahon ang public-private partnerships (PPPs) lalo sa panahong ito na nananatiling mabagal ang pagbangon ng ekonomiya sa hagupit …
Read More »Imbestigasyon vs overpriced laptops ng DepEd iginiit
IGINIIT ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Partylist Representative France Castro, na ituloy ang imbestigasyon sa overpriced at lumang laptop na binili ng Department of Budget and Management – Procurement Service (DBM-PS ) para sa Department of Education. Ani Castro, kailangang maimbestigahan ang transaksiyon lalo’y ang isa sa mga nanalong kontraktor ay Sunwest Construction and Development Corp., na …
Read More »Eleksiyon sa barangay at SK iliban – Hataman
DAHIL SA PANDEMYA, nagmungkahi si Basilan Rep. Mujiv Hataman na ipagpaliban muna ang eleksiyon sa barangay at sa Sangguniang Kabataan. Ayon kay Hataman, mas mainam na iraos ito sa Mayo 2024 imbes sa 5 Disyembre. “Nasa gitna pa rin tayo ng rumaragasang pandemya, hindi pa balik normal ang lahat. Hindi natin sigurado kung ano ang kalagayan ilang buwan mula ngayon. …
Read More »
Simula sa Lunes, 15 Agosto
SENADO LOCKDOWN SA LOOB NG 21 ARAW 
MATAPOS magsunod-sunod na magpositibo ang ilang mga senador sa CoVid-19, nakatakdang magpatupad ng tatlong linggong lockdown ang senado sa mga bisita. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri magsisimula ang lockdown sa mga bisita sa darating na Lunes, 15 Agosto 2022. Tanging ang mga resource person sa mga pagdinig ang kanilang maaaring tanggapin ngunit limitado rin. Tinukoy ni Zubiri, tatlo …
Read More »
Pirma sa sugar docs importation, ikinaila
PAG-ANGKAT NG ASUKAL, IBINASURA NI FM JR.
ni ROSE NOVENARIO “THAT’S not his signature.” Ito ang tahasang pagkakaila ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa lagda ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian para kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa dokumentong nagbigay ng basbas sa pag-angkat ng may 300,000 metriko toneladang asukal ng Sugar Regulatory Administration (SRA). Si FM, Jr., pangulo at kalihim din ng Department of Agriculture ay nagsisilbi …
Read More »DOJ kumonsulta sa prison expert, pamamalakad ni Bantag napuna
MATAPOS tukuyin na isa sa problematic agency ang Bureau of Corrections (BuCOR) at ang kontrobersiyang kinasasangkutan nito ay nakasisira sa imahen ng bansa, kumunsulta na si Justice Secretary Crispin Remulla sa isang international prison reform expert para sa pagbalangkas ng plano sa pagpapatupad ng reporma sa correction system sa bansa. Ang pakikipagpulong ni Remulla kay Prof. Raymund Narag, dating inmate …
Read More »Paninira kay ES Rodriguez ibinuking na black propaganda
ISANG black propaganda ang ulat na nagbitiw sa puwesto si Executive Secretary Vic Rodriguez. Ito ay matapos personal na pabulaanan ni Rodriguez ang ulat na kumalas na siya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon kay Rodriguez, mananatili siyang tapat sa Pangulo. Hindi aniya siya kakalas sa administrasyon maliban kung hihilingin mismo ng Pangulo. Iginiit ni Rodriguez, fake news …
Read More »Puna ni LTO Chief Guadiz sa LTO IT contractor mali
DUMEPENSA ang information technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) sa hepeng si Teofilo Guadiz matapos niyang punahin ang mabagal na sistema ng Land Transportation Management System (LTMS), na apektado ang transaksiyon sa mga LTO offices. Ayon sa Dermalog, ang IT Company na bumuo ng LTMS system, ang online portal ng LTO, nabigla sila sa negatibong pahayag ni Guadiz …
Read More »
FM Jr., walang klarong direktiba
PNP KABADONG MAGPATUPAD NG ‘WAR ON DRUGS’ 
ni Niño Aclan INAMIN ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nangangamba ang Philippine National Police (PNP) na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng kampanya sa ‘war on drugs’ at iba pang mga uri ng mabibigat na krimen tulad ng terorismo dahil sa kawalan ng maliwanag na deklarasyon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon kay Dela Rosa, kung siya ay isang …
Read More »Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. Richard Gomez sa kanilang unica hija ni Ormoc Mayor Lucy Torres kay Juliana. Nasabi ito ni Richar dahil sa kanya nagtatrabaho at katu-katulong niya si Juliana sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa. Sa pakikipaghuntahan namin kay Richard noong Miyerkoles ng tanghali nang magpatawag ito ng reunion para sa mga …
Read More »