Tuesday , May 13 2025

News

5 parak sibak sa blotter vs Vhong (Proseso palpak)

LIMANG pulis ng Southern Police District Office (SPDO) ang sinibak sa pwesto kahapon, kabilang ang dalawang opisyal, na nagproseso sa pagpapa-blotter ng grupo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo laban sa actor/TV host Vhong Navarro, nitong  Enero 22,  sa Taguig City. Ayon kay SPDO Director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte, pansamantala nilang inalis sa pwesto ang hepe ng District Investigation …

Read More »

Akyat-Bahay niratrat utas

TADTAD ng tama ng bala sa katawan ang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang, matapos pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek habang naglalakad pauwi sa kanyang tirahan, sa Taguig Citykamakalawa ng umaga. Namatay noon din ang biktimang si Ronald Melendez, 22, ng 18-G Banana St., Purok 3, New Lower Bicutan, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan. …

Read More »

Gigi, kaanak imbestigahan (Sa P5-B port project)

HINIKAYAT ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang Department of Justice (DoJ) na palawakin ang imbestigasyon sa sinasabing illegal na aktibidad ni Senador Juan Ponce Erile, at isama ang kontrobersyal na dating chief of staff na si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes at ang kanyang pamilya. Sa dalawang pahinang sulat kay Justice Secretary Leila de Lima, sinabi ni Santiago na ginamit ni …

Read More »

3 patay sa motorsiklo vs truck sa Rizal

PATAY ang tatlong kabataan nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Tanay, Rizal kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Supt. Noel Versoza, Rizal Police chief, ang biktimang sina Henry Fineza, 18, driver ng motorsiklo, ng #30 P. Burgos St., Brgy. Concepcion, Baras; Paul John LLagas, 22, ng Sitio Kay-Tago, Baras, at Mark Richard Paul Delfina, nakatira sa Sitio …

Read More »

Estudyante hinalay ng manliligaw (Laging dinadalhan ng breakfast)

“Nagulat na lamang po ako nang pumasok siya sa kuwarto ko. Akala ko dadalhan lamang niya ako ng almusal, kasi lagi po niyang ginagawa ‘yun. Tapos bigla na lamang niya ako  pinaghahalikan hanggang maitumba niya ako.” Ang maluha-luhang salaysay  ng 19-anyos  estudyante,  at galit na itinuro ang suspek na humalay sa kanya  sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Swak sa …

Read More »

2 septuagenarian, pamangkin patay sa Tondo fire

DALAWANG septuagenarian at isang pamangkin, ang  natagpuang   magkakahawak ang kamay at magkakapatong ang bangkay, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon . Kinilala ang mga biktimang sina Gloria Calma, 76, kapatid nitong si Corazon Calma, 72, at pamangkin  na si Rochelle Calma, 37, mga residente ng 537-A, Francisco St., Tondo. Ayon sa ulat ni Arson Investigator  SFO3 John Joseph Jalique  ng …

Read More »

Davidson bubusisiin ng BIR

IKINOKONSIDERA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-imbestiga kay Davidson Bangayan o David Tan upang malaman kung nagbabayad siya nang tamang buwis. Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, maraming naiulat na naging mga negosyo si Bangayan, sinasabing pawang mga walang kaukulang dokumento. Inihayag ng opisyal na patuloy pa ang pangangalap ng ahensya ng mga ebidensya at iba pang mga …

Read More »

Kaya kong patayin si Davidson — Duterte (‘Pag bumalik sa Davao)

ITO ang tahasang pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagdalo sa pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa rice smuggling sa bansa. Ayon kay Duterte, kaya niyang barilin si Bangayan kapag bumalik sa Davao, kahit pa ang magiging kapalit ay ang kanyang pagkakakulong. Iginiit din ni Duterte na dapat tutukan ng gobyerno ang imbestigasyon kay Bangayan dahil wala nang …

Read More »

Condom na gamit ‘di naipakita ng gro kustomer inutas ni mister

GENERAL SANTOS CITY – Napatay ng live-in partner ng isang babaeng guest relations officer (GRO) ang kanyang kustomer nang hindi maipakita ang condom na ginamit nila sa pagtatalik. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Dennis Uctoso, 49, tubong Silay, Negros Occidental ngunit nangungupahan sa Brgy. Tambler, Gen. Santos City dahil sa sugat sa dibdib. Una rito, …

Read More »

Ina kinain ng 3 anak (‘Aswang’ hindi manggagamot)

COTABATO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ng pagpatay ng tatlong anak sa kanilang sariling ina sa Purok Maligaya, Brgy. Kamasi, Ampatuan, Maguindanao. Ayon kay Brgy. Chairwoman Soraida Mamaluba, ginagamot ‘umano’ ng tatlong albularyong anak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpaso sa katawan gamit ang mainit na kutsara at hinihiwa pa ang balat dahil may pumapasok …

Read More »

Meralco bill bababa sa Pebrero? (Power hike sa panahon ng TRO sisingilin)

Makaaasa ng mas mababang bayarin sa koryente ang mga konsyumer ng Manila Electric Company (Meralco) ngayon Pebrero. Ayon sa kompanya, tatapyasan ng P0.13 kada kilowatthour ang generation charge. Ibig sabihin, mula sa P5.67/kWh noong Enero, papalo na lang ito sa P5.542/kWh. Para sa mga kumokonsumo ng 101 kWh kada buwan, bababa ng P13.27 ang kanilang bill. P26 naman ang mababawas …

Read More »

Adik na Bombay niratrat ng kaanak

MAY kinalaman sa paggamit ng ilegal na droga  ang  nakikitang motibo ng mga awtoridad, nang pagbabarilin ang isang Indian national ng kanyang mga kaanak, sa Caloocan City kamakalawa ng gabi . Kritikal ang kalagayan ng biktimang si Amreek Singh, nasa hustong gulang, residente sa Barangay Bagbaguin, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa …

Read More »

Buntis, 5 pa dedo sa dumptruck

KIDAPAWAN CITY – Anim ang patay, kabilang ang isang buntis, at isa ang sugatan matapos araruhin ng dumptruck ang pampasaherong traysikad dakong 7 p.m. kamakalawa sa Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato. Kinilala ang mga namatay na sina Ibrahim Casanova, Rakma Casanova, Tayan Zakalia, Abil Kamid, Bagits Alimudin at ang limang buwan buntis na si Mia Casanova. Habang sugatan ang isang …

Read More »

Katorse ‘pinapak’ ng poultry caretaker

LUCBAN, Quezon – Walang-awang ginahasa ang 14-anyos dalagita ng poultry farm caretaker sa Bgy. Kabatete sa bayang ito. Itinago ang biktima sa pangalang Laura, re-sidente ng nasabing lugar, habang nadakip agad ang suspek na si Namesio Misterio, 24, ng nasabi rin lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 6 p.m. kamakalawa nang pasukin ng suspek ang kubo ng dalagita …

Read More »

Bungo ng trike driver pinasabog

NAKUHANAN  ng CCTV camera sa katabing barangay hall ang malapitan pagbaril ng isang suspek sa sentido ng  tricycle driver habang nasa harap ng isang tindahan sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Naitakbo pa sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Antonio Dio-quino, 33, residente sa 2426 Lakandula St., Tramo. Ayon sa pulisya, dakong 2:44 ng madaling araw nang …

Read More »

Tatay tinutugis sa mag-inang niligis

Tinutugis ng mga awtoridad si Danilo Rafael, Sr., ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang mag-ina sa Barangay Moonwalk, Para-ñaque City nitong Linggo. Una nang natagpuan ang bangkay ni Fe Rafael, 54-anyos at anak na si Danilo, 18, sa compartment ng kotse. Kahapon  ng umaga, nagpakalat ng retrato ng 55-anyos suspek ang mga kaanak ng kanyang misis. Sa panayam kay …

Read More »

Tropang militar pinapasok sa iskul (DepEd pinagpapaliwanag ng Palasyo)

PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang Department of Education (DepEd) hinggil sa ulat na naglabas ng memorandum ang kagawaran na nagpapahintulot sa tropang militar na pumasok sa mga silid-aralan sa elementary at high school upang magsagawa ng civil-miltary operations. “Kailangan pag-aralan natin ‘yan upang maunawaan at kung may ganyang concerns ay maihatid sa mga pinuno ng DepEd para maipaliwanag nila sa mga …

Read More »

Pekeng parak tiklo sa checkpoint

PATONG-PATONG na kaso ang isinampa laban  sa 35-anyos  lalaki na nagpanggap na pulis, makaraan masita sa  checkpoint dahil sa pagmamaneho ng motorsiklong walang plaka at hindi pagsusuot ng helmet, sa Pasay City kamakalawa ng umaga. Kinilala ang suspek na  si Zaldy Dionela ng Tupas St., sinampahan ng mga kasong usurpation of autho-rity, paglabag sa helmet law, pagmamaneho nang hindi nakarehistrong …

Read More »

2 holdaper bugbog-sarado sa taong bayan

Pinagtulungan bugbugin ng taong bayan ang dalawang hol-daper sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Reynald Jose, 23-anyos at Brenhar Castillo, walang  tiyak na tirahan. Kwento ni “Johanna,” isa sa mga biktima, sumakay sila sa jeep na biyaheng Cubao nang biglang magdeklara ng holdap ang mga suspek sa bahagi ng Lerma. Natangay ng mga …

Read More »

Kaya kong patayin si Davidson — Duterte (‘Pag bumalik sa Davao)

ITO ang tahasang pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagdalo sa pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa rice smuggling sa bansa. Ayon kay Duterte, kaya niyang barilin si Bangayan kapag bumalik sa Davao, kahit pa ang magiging kapalit ay ang kanyang pagkakakulong. Iginiit din ni Duterte na dapat tutukan ng gobyerno ang imbestigasyon kay Bangayan dahil wala nang …

Read More »

Davidson inaresto ng NBI sa Senado (Nakalaya sa piyansa)

INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) si Davidson Bangayan matapos ang hearing sa Senado dahil sa kasong electricity pilferage. (JERRY SABINO) INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) si Davidson Bangayan alyas David Tan pagkatapos ng pagdinig ng Senate committee on agriculture and food kaugnay ng rice smuggling issue sa bansa. Matapos ang Senate hearing, agad …

Read More »

Mag-ina patay sa compartment ng sariling kotse (Erpat itinurong suspek)

WALA ng buhay nang matagpuan ang mag-ina sa  compartment ng kanilang kotse, sa Parañaque city kahapon ng  hatinggabi . Kinilala ni Parañaque city police chief Senior Supt. Ariel Andrade, ang mag-inang sina Fe Rafael, 54,  at anak na si Danilo Rafael, Jr., 18, nakatira  sa panulukan ng Timothy at Narra Streets, Multinational Village, Barangay Moonwalk. Sa inisyal na imbestigasyon, kapwa …

Read More »

Sexual partners na kaanak parurusahan

MAGKAKAROON na ng parusa ang incestuous affair o relasyong sekswal ng mga miyembro ng pamilya, 18-anyos pataas, kapag naisabatas ang panukalang Anti-Incest bill. Ang House Bill 3329, inihain ni Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez at kapatid niyang si ABAMIN party-list Representative Maximo Rodriguez Jr., ay naglalayong maparusahan ang mga nasangkot sa incest relationship Sinabi ni Rodriguez, kailangan ang Anti-Incest …

Read More »