Thursday , June 1 2023

Ebidensiya ‘di politika batayan sa pork case (Giit ni PNoy)

EBIDENSIYA at hindi politika ang batayan sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga akusado sa P10-B pork barrel scam.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang Independence Day speech sa Naga City kahapon o isang araw makaraan akusahan ni Sen. Jinggoy Estrada ang administrasyon nang pamumulitika kaya sinampahan sila ng kasong plunder  nina Sens. Juan Ponce-Enrile at Bong Revilla kaugnay sa pork barrel scam.

Aniya, bago pa ang 2013 midterm elections ay nabulgar na ang iskemang pork barrel scam  bunsod ng isyu ng illegal detention sa whistleblower na si Benhur Luy kaya’t inatasan niya si Justice Secretary Leila de Lima na tiyaking may sapat na ebidensiya bago maghain ng kaso.

”Sinunod natin ang tamang proseso: Nagsagawa ng imbestigasyon, nangalap ng mga ebidensiya, at ngayon ay nagsampa ng kaso,” aniya.

Iginiit pa niya na kung politika ang motibo sa pork barrel scam, dapat ay isinampa na ang mga kaso sa panahon ng halalan upang siraan ang mga sangkot sa anomalya.

“Pwede naman itong ginawa noon nang mabilisan at walang matibay na basehan upang masira ang pangalan ng mga kandidatong dawit sa kontrobersiya, pero idinaan natin sa tamang sistema ang pagpapalabas ng katotohanan. Pagkatapos tayo pa ngayon ang sinasabihan na namumulitika? Kayo na hong bahalang magpasya kung sino ang papanigan n’yo sa usaping ito,” dagdag pa niya.

Ikinuwento pa ng Pangulo, ang naging karanasan ng kanyang pamilya noong batas militar ang nagturo sa kanya na maging patas upang makamit ang hustisya.

“Sa madaling salita po, si Ginoong Marcos ang nag-akusa, siya rin ang naglitis, at siya pa rin ang may kapangyarihang magdesisyon sa apela. Kitang-kita po dito kung paanong binaluktot ng diktador ang sistema ng hustisya upang makuha ang gusto niya. Ang karanasan nga po ng aming pamilya ang nagturo sa akin ng kahalagahan ng pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay upang mawakasan ang siklo ng kawalang katarungan,” sabi pa niya.

Ngayong nasa kapangyarihan na siya ay nagiging gabay ng Pangulo ang sinabi sa kanya ng ama na , “Sa tunay na demokrasya, obligasyon ng bawat isa na ipaglaban hindi lang ang karapatan ng kanilang mga kaibigan, kundi pati na rin ng kanilang mga kalaban. Kung yuyurakan mo ang karapatan ng sino man, darating ang panahon na karapatan mo naman ang babalewalain.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *