Friday , March 24 2023

Kris Aquino sa Tarlac tatakbo (Artista ‘wag iboto?)

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa political plan ni presidential sister Kris Aquino, napaulat na kakandidato bilang gobernador sa Tarlac at iba pang mamanukin ng administrasyon sa 2016 elections.

“ I’m not quite sure about the plans of the Presidential sister. I am also, at this point, not aware of any candidates that are being fielded by the President’s party in the 2016 elections,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Ang pahayag ay ginawa ng Palasyo makaraan umani ng batikos mula sa netizens ang panawagan ni Pangulong Benigno Aquino III sa publiko na huwag bumoto ng artista sa 2016 polls, samantala si Kris at ilang kaalyado ng administrasyon ay taga-showbiz.

Giit ni Valte, ang talumpati ni Pangulong Aquino ay hindi patungkol sa isang partikular na uri o grupo, bagkus ay ipinaalala lang sa mga botante na huwag sukatin ang kwalipikasyon ng kandidato sa husay lamang sa pagkanta, pagsayaw at pagbasa ng script.

“Hindi ito patama sa isang klase ng — sa isang grupo. Pero more of what the President was saying was that huwag lang ‘yon ‘yung tingnan natin at hindi lang dapat iyon ang kanilang kwalipikasyon kung sakaling merong tumakbo mula sa ganoong industriya,” ani Valte. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …

Cyber Security NICA NGCP

PH cyberattack defense mas pinatatag

MAYROON nang mas mahusay na depensa ang Filipinas laban sa mga pag-atake sa mga cybersystem …

Leave a Reply