Thursday , January 9 2025

News

‘Roar’ ni Perry isinayaw ni Tayag kontra paputok

Muling idinaan ng Department of Health (DoH) sa pagsayaw ang pagpapalaganap ng kampanya kontra sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon. Kung tumatak sa publiko ang dance craze ng ahensya sa saliw ng “Moves like Jagger” noong 2011, at “Gangnam Style” nitong 2012, ang kantang “Roar” ni Katy Perry naman ang gamit ng ahensya ngayong 2013. “Imbes mag-roar …

Read More »

Kelot grabe sa tarak ng bespren (Ginigirian ng BFF kinursunada)

NATAPOS sa pananaksak ang pagkakaibigan ng kapwa  17-anyos  mag-bestfriend  nang mauwi sa kulitan  ang  masayang inuman, sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Kritikal ang kalagayan sa Caloocan Medical Center (CMC) ang biktimang kinilalang si Reynaldo Olaybar, 17-anyos, ng Narra Alley, Brgy. 136, Bagong Barrio, ng  lungsod, sanhi ng malalim na tama ng saksak sa likod. Wanted sa pulisya ang …

Read More »

Seguridad sa Simbang Gabi tiniyak

BUKOD sa checkpoints, magpapakalat din ng “undercover” operatives ang Philippine National Police (PNP) para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko, sa pagsisimula ngayon ng tradisyonal na “Simbang Gabi.” Sa lungsod ng Maynila, sinabi ni MPD head, C/Supt. Isagani Genabe Jr. na magtatayo sila ng checkpoints malapit sa mga simbahan para matiyak na hindi makakapanamantala ang mga masasamang loob. Kabilang …

Read More »

4 patay, 1 sugatan sa tambang

LAOAG CITY – Tatlo ang agad binawian ng buhay habang isa ang namatay habang ginagamot sa ospital makaraang tambangan sa Brgy. Sta Cruz-B, Badoc, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang agad namatay na sina Benny Rosete, 31; Jerry Guzman; at William Acoba. Namatay naman sa ospital si Hayamel Rosete, 11, anak ni Benny Rosete. Nasugatan sa insidente …

Read More »

Ex-Pagadian mayor, asawa timbog sa NBI (Sa Aman Futures scam)

Naaresto na si dating Pagadian City Mayor Samuel Co at asawang si Priscilla Ann Co, na sangkot sa P12-B pyramiding scam ng Aman Futures Group sa Serendra, Taguig City. Ito ang kinompirma ni Justice Secretary Leila de Lima at ng National Bureau of Investigation (NBI), Linggo. Nagpanggap na prospective buyer ang ilang ahente ng NBI at natunton ang unit ng …

Read More »

ITO ang lalong nagpapasikip sa trapiko sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue na kahit “one way” ay pinapasok ng abusadong jeep driver (TWR-731) na may rutang Quiapo-Divisoria ang LA Torres St. at hindi pinapansin ang traffic enforcer dahil posibleng may lagay. (ROMULO BALANQUIT)

Read More »

SWAK sa selda ng Intelligence Section ng Pasay City Police si Roger Rabie, suspek sa pagpaslang kay SPO1 Jesus Tizon, makaraan maaresto sa follow-up operation ng mga awtoridad sa Apelo St., ng nasabing lungsod kamakalawa ng gabi. (ALEX MENDOZA)

Read More »

Early Christmas Treat. TUMAYONG  “Ninong” at “Ninang” sina dating Senate President Manny Villar at Senator Cynthia Villar sa mga kapos-palad na bata mula sa Baseco at Tagaytay. Itinaguyod nila ang Lakbay-aral ng may 200 bata sa Christmas Village sa Crosswinds, ang  Swiss-inspired land development sa  Tagaytay. Sa tulong ni Santa Claus, namigay ang mag-asawang Villar ng mga regalo sa mga …

Read More »

Sibakan sa DepEd banta sa Pasko (Libo-libong empleyado apektado)

HINDI magiging masaya ang Pasko para sa libo-libong empleyado ng Department of Education (DepEd) na mawawalan ng trabaho bago matapos ang taon, pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list. Sinabi ni ACT Rep. Antonio Tinio, ang malawakang sibakan sa trabaho ay bunsod ng pag-iisyu ng panuntunan na nagpapatupad sa rationalization plan ng DepEd nitong Disyembre 3. Sa rationalization plan, …

Read More »

P2 Trilyon pagkalugi isinisi sa trapiko

TUMATAGINTING na P2 trilyon ang nalugi sa Filipinas mula 1999 hanggang kasalukuyan dala na rin ng lumalalang lagay ng trapiko sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa ayon sa Red Advocates, bagong tatag na multisectoral group na tumututok sa pagkakaroon ng tamang disiplina ng mga motorista sa lansangan. Ani Brian Galagnara, presidente ng grupo, sa pag-aaral ng …

Read More »

Presyo ng gas sisirit ulit

Nagbabadya na namang tumaas ang presyo ng gasolina ngayong linggo. Inaasahang, tataas ng P0.30 hanggang P0.50 ang kada litro ng gasolina sa pangunguna ng ‘Big 3.’ Pero may aasahan namang bawas-presyo sa diesel na posibleng pumalo ng P0.50 hanggang P0.70. May rollback din sa kerosene na P0.10 hanggang P0.20 kada litro.

Read More »

Paslit patay 2 utol sugatan sa sunog

Nalitson nang buhay ang isang 6-anyos nene habang sugatan ang dalawa niyang kapatid nang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Parian, Cebu City. Tostado ang buong katawan ng biktimang si Maria Alexa Botoc, 6, nang madiskubre ang kanyang bangkay matapos maapula ang sunog na tumagal ng 30 minuto. Dinala sa ospital ang dalawa niyang kapatid na sanhi ng first degree …

Read More »

Buntis, magulang patay sa ratrat ng ex-BF

PATAY ang  anim-buwan buntis  at kanyang mga magulang nang magwala at mamaril ang ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan, sa Navotas City kahapon ng umaga. Dead on the spot ang mga biktimang  sina Jocelle Dinolang at mag-asawang Rosa at Cecilio Dinolang, nasa hustong gulang, mga residente ng Kalye Impiyerno, Tabing-Dagat, Brgy. San Roque. Sa ulat,  mga tama ng bala ng …

Read More »

Gobyerno ‘bato’ sa lahat ng price hike

WALA pang konkretong hakbang ang administrasyong Aquino para maibsan ang pasanin ng publiko sa pagtaas ng singil sa koryente, paglobo ng presyo ng bilihin at nakaambang dagdag-pasahe sa MRT at LRT. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bagama’t may mga talakayan nang nagaganap sa gabinete kung paano masasalag ang pagtaas ng mga presyo at singilin, wala pa siyang masasabing …

Read More »

Multang P30K, SOCE ayusin OK na — Sixto (Sa kaso ng 424 elected officials)

NILINAW ng pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring ayusin ng mga pinabababa sa pwestong elected officials ang kanilang nakabinbin na kaso sa komisyon kaugnay ng bigong makapagsumite nang tamang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa nakaraang halalan. Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, kung tutuusin ay hindi “big deal” ang kanilang kautusan sa Department of Interior and …

Read More »

Larawan ni ‘Arlene,’ justices iimbestigahan ng SC

KINOMPIRMA ng Supreme Court na pinaiimbestigahan ng komite ang lumabas na larawan ni Arlene Angeles-Lerma na kasama ang judges at mahistrado. Ayon kay SC spokesman Atty. Theodore Te, maaaring gawing resource person ng binuong investigating committee ang mga mahistrado at hukom na kasama ni Arlene Angeles-Lerma sa ilang mga pagtitipon. Samantala, umalma naman ang SC sa maagang pagpapalabas ng report …

Read More »

Melanie Marquez nahulog sa bangin sa Utah

UTAH – Nagpapagaling na si dating beauty queen Melanie Marquez makaraang aksidenteng mahulog ang kanyang SUV sa 12 talampakang lalim ng bangin malapit sa Utah – Arizona border noong Disyembre 7. Habang nagmamaneho mula sa Las Vegas pauwi sa kanilang bahay sa Annabella, Utah, si Marquez ay may nasaging bloke ng yelo at nadulas ang kotse palayo sa highway dakong …

Read More »

Sekyu ng Maynila utas sa tarak ng padyak boy

PATAY ang isang 58-anyos na tauhan ng Manila City Hall security force, matapos  saksakin ng kanyang nakaalitan sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon. Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Dominador Valdez, security force ng Boys Town, sanhi ng mga saksak sa katawan. Nakapiit na sa Manila Police District PS-5, ang suspek na si Benjie Bago, …

Read More »

P10-M car accessories nilamon ng apoy

UMAABOT sa P10 milyon halaga ng car accessories ang tinupok ng apoy sa isang bentahan ng mga piyesa ng sasakyan kahapon ng hapon, sa San Juan City. Ayon kay Samuel Lioson, may-ari ng bentahan ng mga car accessories, nasa P10-milyon halaga ang tinupok ng apoy na hindi agad naagapan ng mga pamatay sunog na ideneklarang fire out dakong 3:25 ng …

Read More »

Grade 5 piningot iniumpog ng titser

  TAKOT at umiiyak  na nagsumbong sa magulang ang isang grade 5 pupil, matapos pingutin at iumpog ng kanyang titser, sa Caloocan City kamakalawa ng umaga. Iniimbestigahan na ang titser na kinilalang si Reynaldo Piso, ng M.H. del Pilar Elementary School. Kapag napatunayang nanakit sa estudyante,  maaaring mawalan ng trabaho ang guro. Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Edd, …

Read More »

Bahala na si Lord sa inyo, busy ako (Patutsada ni PNoy sa kritiko)

ITO ang patutsada ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mga kritiko na kanyang paulit-ulit na binatikos sa kanyang pagsasalita sa harap ng Filipino community sa Tokyo, Japan kamakalawa. “‘Yung mga kritiko ho natin may industriya na ho sa Pilipinas … na sa totoo lang ho… hindi ba ang dali naman sumulat ka sa papel, banat ka. “Talagang kami ho …

Read More »

Anak ni mayor pinagsayaw sa bala ng parak

KALABOSO ang 27-anyos rookie police ng Montalban na nagpa-convert bilang Muslim ngunit napraning, dahil isang linggong hindi kumain, makaraang pasayawin sa bala ang anak ng alkalde ng Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang suspek na si PO1 Roderick Enrique y Cesesta, nakatalaga sa Rodriguez Police Station, nakatira sa Sitio Saba, Brgy. San Jose ng …

Read More »

Bagong super milyonaryo sa Super Lotto jackpot

ISA ang maswerteng nanalo sa jackpot ng 6/49 Super Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang six number combinations ay binubuo ng 12-08-37-17-20-09 na ang premyo ay umaabot sa P126,350,776.00. Nangangahulugang walang kahati ang bagong milyonaryo ng PCSO. (JAJA GARCIA)

Read More »

Villar SIPAG muling nagpasaya ng mga bata

Las Piñas 8th Parol Festival.  INIABOT  nina dating Senate President Manny Villar, Senator Cynthia Villar at Las Piñas Rep. Mark Villar ang trophy kay  Luzviminda Gallardo, ang  grand winner sa Las Piñas 8th Parol Festival na idinaos kahapon (December 13) sa VIllar SIPAG in Las Piñas City.  Tumanggap din si Gallardo ng P20,000 cash prize. MULING napasaya ng Villar SIPAG …

Read More »

Recto sinaklolohan si Ate Vi

IPINAGTANGGOL  ni Senate President  Pro-Tempore Ralph Recto ang kanyang maybahay na si Batangas Governor  Vilma Santos-Recto kaugnay ng ulat na nabigo ang gobernadora na makapagsumite ng kanyang Statement of Contribution and Expenses (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) sa nakalipas na halalan. Ayon kay Recto hindi, maaaring hindi nagsumite ang kanyang maybahay dahil obligasyon ng bawat isang kandidato natalo man …

Read More »