Monday , August 15 2022

Trike vs pick-up 2 lola tepok

SUMALPOK sa pick-up ang isang tricycle na nagresulta sa kamatayan ng dalawang matanda sa Barotac Viejo, Iloilo.

Patay agad ang mga biktimang sina Emma Batadlan, 70, at Eva Ebueza, 68, nang tumilapon mula sa sinasakyang tricycle na minamaneho ni Fredo Basa.

Patungong Barotac Viejo District Hospital ang tricycle mula sa Ajuy at sakay ang mga biktima at anak ni Ebueza na si “King King” nang maganap ang aksidente.

Ngunit pagdating sa Barangay Puerto Princesa, inagaw ni King King ang manibela mula kay Basa kaya nawalan ng kontrol at tuluyang bumangga sa kasalubong na pick-up.

Nabatid na dadalhin sana at ipagagamot dahil sa nervous breakdown si King King nang maaksidente.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng pick-up na si Ruverspiere Tupas habang patuloy pa ang imbestigasyon.

(Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

e-Sabong

Jobless dumami sa suspensiyon ng e-Sabong

BUKOD sa pananalasa ngpandemyang dulot ng CoVid-19, naniniwala ang mga taga-industriya na malaki ang naging …

riding in tandem dead

Bombay patay sa riding in tandem!

PATAY ang isang indian national habang nangongolekta ng 5-6 ng tambangan ito at pagbabarilin ng …

deped

28-M enrollees target ng DepEd bago ang Aug 22!

UMABOT na sa 17, 900,833 ang naitala na nagparehistrong mag-aaral Mula July 25 para sa …

shabu drug arrest

6 talamak na tulak nalambat
P.5-M SHABU NASABAT

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng walong hinihinalang mga talamak tulak ng ilegal na droga matapos sunod-sunod …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Sa Gapan, Nueva Ecija
3 BAGETS NA CARNAPPER TIMBOG

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang mga carnapper sa loob lamang ng isang oras …

Leave a Reply