Saturday , July 27 2024

Top JI operative buhay, nananatiling banta – AFP

BUHAY at nananatiling banta ang Filipino militant bomb-making expert na pinaniwalaang napatay sa sagupaan, pahayag ng militar kahapon.

Si Abdel Basit Usman, nasa US government’s list ng most-wanted “terrorists,” ay “bomb-making expert,” at may $1 million reward mula sa State Department para sa kanyang ikaaaresto.

Magugunitang iniulat na si Usman ay kabilang sa napatay noong 2010 sa US drone attack na target ang Pakistani Taliban leader sa remote area ng northern Pakistan.

Gayunman, inihayag ng Philippine military officials na mali ang nasabing ulat.

Si Usman, sinasabi ng Philippine at US government na may kaugnayan sa Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf group, ay nakita sa kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)sa Mindanao, pahayag ni Southern Philippines military spokesman Colonel Dickson Hermoso.

“We launched a raid two weeks ago. There was a firefight and we recovered an arms cache, but he was able to get away,” pahayag ni Hermoso. “He’s the one training the BIFF members who are conducting bombings in central Mindanao.”

“Based on what we know, he is still active,” ayon kay military spokesman Lieutenant-Colonel Ramon Zagala.

“As far as we’re concerned he’s with the BIFF,” aniya pa.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *