Sunday , March 26 2023

Yolanda victims agrabyado sa 3 pork senators (Kulungan maganda pa sa bunkhouses)

INIREREKLAMO ng mga tagasuporta, kaanak at mga survivor ng super typhoon Yolanda ang malaking pagkakaiba ng detention cells ng mga senador na sangkot sa pork barrel scam at bunkhouses na ipinatayo para sa mga biktima ng bagyo.

“The clear and wide gap of discrepancies between the pork detention cells and the bunkhouses for Yolanda victims and survivors only shows who really the Aquino government is serving,” pahayag ni Tindog People’s Network spokesman Mark Louie Aquino.

“By the looks of the comparative data, we are angered by the special accommodation being given to pork barrel accused while giving less to the poor victims of Yolanda,” aniya.

Sa isinagawang side-by-side comparison sa specifications, nabatid na ang detention cells na may 32 square meters ay halos doble ng sukat ng mga kwarto sa bunkhouses na 17.28 sq. meters lamang.

Idinagdag pa ng grupo na ang detention cells ay yari sa konkreto at tiles ang sahig, habang ang bunkhouses ay yari sa cement footing, plywood flooring and walls, coco lumber wooden frames at GI sheet roofing.

Ang detention cell ay may toilet bowl, shower at lababo; habang ang bunkhouse na may 12 units ay may apat na comfort rooms lamang.

May common cooking area para sa bawat bunhouse na may 12 units, habang ang detention cell ay may dalawa pang cabinets. Ipinunto rin ang kawalan ng furniture sa bunkhouse, habang may kama, side table at ceiling fan sa high priority cells.

Mistulang kinakanlong ng gobyernong Aquino ang mga opisyal na inakusahan ng korupsyon habang pinababayaan ang kapakanan ng Yolanda survivors, pahayag pa ng grupo.

Si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ay sumuko nitong Biyernes makaraan magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam case.

Siya ay nakadetine sa detention facility sa Camp Crame sa Quezon City.

Inireklamo ng senador ang pagdanas ng migraine dahil sa matinding init sa loob ng kanyang selda kaya humiling na mabigyan siya ng air cooler.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply