Tuesday , December 16 2025

News

Suspensiyon sa taxi coy na sangkot sa holdap

IPATITIGIL ang biyahe ng buong prangkisa ng mga taxi na nasangkot sa insidente ng panghoholdap. Ito’y makaraan ang sunod-sunod na insidente ng panghoholdap ng mga taxi driver sa kanilang mga pasahero na ang ilan umaabot sa pamamaril. Ayon kay Atty. Roberto Cabrera III, executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dapat pagbayarin ang mga gumagawa ng krimen. …

Read More »

P5.7-M shabu kompiskado sa Cavite

KOMPISKADO ang P5.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa sinalakay na bahay sa Brgy. Datu Esmael sa Dasmariñas, Cavite. Sa bisa ng search warrant ng mga pulis, pinasok nila ang bahay na sinasabing pinanggagalingan nang ibinibentang illegal na droga. Nakuha rito ang humigit-kumulang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nakapakete. Bukod dito, nasamsam din ang kalibre .38 baril, magazine at …

Read More »

Provisional decrease ipatupad — LTFRB (Kahit walang fare matrix)

IGINIIT ng pamunuan ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kailangang ipatupad ang P1.00 provisional decrease sa pamasahe sa jeep sa Metro Manila kahit wala pang kopya ng fare matrix. Ayon kay LTFRB Executive Director Robert Cabrera III, tiyak aniyang gagawing dahilan ito ng ilang mga tsuper ngunit hindi na kailangan dahil nai-anunsiyo na ito sa media at …

Read More »

‘Leadership vacuum’ sa PNP itinanggi

TINIYAK ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, nananatiling intact ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP), kahit suspendido ngayon si PNP chief Director General Alan Purisima. Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, si PNP Deputy Director General Leonardo Espina ang kasalukuyang itinalagang officer-in-charge (OIC) ng PNP. Giit ng kalihim, walang pagbabago sa set up ng …

Read More »

Tulong apela ng magsasaka sa E. Samar

KAILANGAN ng tulong sa agrikultura ng lokal na pamahalaan ng Dolores, Easter Samar makaraan hagupitin ng bagyong Ruby. Dahil nakabungad sa Karagatang Pasipiko, ang Dolores, Eastern Samar ang isa sa mga una at pinakamatinding napinsala ng bagyo bago ito tumama sa lalawigan. “When we talk about the weather, normal na … ang hindi normal ‘yung (pamumuhay) mga tao,” ulat ni …

Read More »

2 karnaper ‘itinuro’ ng GPS arestado

RIZAL – Arestado ang dalawang karnaper na tumangay sa isang Toyota Innova sa Angeles City makaraan makita sa Global Positioning System (GPS) na patungo sila sa Lungsod ng Antipolo. Kinilala ni Rizal PNP Director Bernabe Balba, ang mga nasakote na sina Rambo Tamayo, 27, call center agent, ng Brgy. Inarawan, Antipolo City; at Cecilia Guttierez, 32, saleslady ng Tondo, Manila. …

Read More »

Driver patay misis, 2 pa sugatan (P.5-M suweldo at bonus nailigtas sa holdaper)

PATAY ang isang company driver habang sugatan ang dalawang empleyada kabilang ang misis ng una sa pananambang ng tatlong armadong lalaki sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Dead on arrival sa Pacific Global Medical Center (PGMC) sa Mindanao Avenue, Quezon City ang company driver na si Ricky Nepomuceno, 40-anyos, residente sa 47 Bonifacio Compound, Victoria Village, Brgy. Canumay East ng …

Read More »

Roxas: E. Samar, ligtas na sa krisis

TUMULAK muna papuntang probinsiya ng Masbate bago bumalik sa Maynila ang National Frontline Government Team sa pamumuno ni Interior Secretary Mar Roxas matapos ideklarang ligtas na ang Eastern Samar sa krisis na likha ng Bagyong Ruby. “Kung ikukumpara natin sa ospital, puwede nang ilabas ang Eastern Samar sa Emergency Room at Intensive Care Unit para ilipat sa regular na kuwarto,” …

Read More »

Pisong rollback ikinatuwa ng Palasyo

IKINATUWA ng Palasyo ang ipatutupad na pisong rollback sa pasahe sa mga pampasaherong jeepney sa Metro Manila simula ngayong araw. Ginawa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang pahayag makaraan aprobahan ng LTFRB ang pisong provisional rollback sa pasahe. Sinabi ni Valte, napapanahon ang fare rollback dahil sa malaki rin ang naibawas sa presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay Valte, …

Read More »

Belmonte lusot sa ambush (2 bodyguard, 2 driver patay)

NAKALUSOT sa karit ni kamatayan ang isang mambabatas habang apat sa mga kasama niya ang napatay makaraan tambangan sa Misamis Oriental kahapon. Sa panayam kay City Lone District Rep. Vicente “Varf” Belmonte Jr., kinompirma niya na inambus sila ngunit siya ay nagalusan habang ang dalawang bodyguard at dalawang driver niya ay pawang napatay. Ayon sa mambabatas, lumapag sila sa Laguindingan  Airport …

Read More »

P3-M nadale ng dugo-dugo sa kagawad

NABIKTIMA ng grupo ng dugo-dugo gang ang isang barangay kagawad nang matangay mula sa kasambahay niya ang mga alahas na tinatayang nasa P3 milyon ang halaga kamakalawa ng hapon sa Makati City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Kagawad Lyza Michelle Bernal, 37, ng 4494, panulukan ng Calatagan at Araro Streets, Brgy. Palanan ng lungsod. Habang ang kasambahay na si …

Read More »

Presyo ng bilihin serbisyo ibaba rin — transport group

NAGPAHAYAG ng kahandaang tumalima sa utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang grupo ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na ibaba ang singil ng pasahe sa jeep ngunit humirit na ibaba rin ang presyo ng ibang mga pangunahing bilihin at serbisyo. Ayon kay PISTON Sec. Gen. George San Mateo, welcome sa kanila ang anunsiyo …

Read More »

Ex-mayor sugatan sa ambush (Witness sa Nov. 23 massacre)

COTABATO – Mariing kinondena ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang pananambang sa dating alkalde ng Maguindanao na testigo sa karumal-dumal na masaker noong Nobyembre 29, 2009. Kinilala ang biktimang si Ex-Datu Salibo Mayor Datu Akmad Ampatuan, ama ni Shariff Aguak Municipal Mayor Marop Ampatuan. Sinabi ni Maguindanao PNP provincial director, Senior Supt. Rudelio Jocson, lulan ang biktima sa kanyang …

Read More »

Piso bawas sa pasahe (Utos ng LTFRB)

INIUTOS ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Winston Ginez na tapyasan ang kasalukuyang minimum na pasahe sa mga jeepney sa Metro Manila. Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni Ginez, mula sa dating P8.50 na regular na pasahe ay magiging P7.50 na lamang ito. Inaasahan ang implementasyon ng piso fare rollback sa lalong madaling panahon. Ang mga …

Read More »

CIDG staff sa Sultan Kudarat kakasuhan (Sa pag-aresto sa DSWD at PRC staff)

KORONADAL CITY – Sasampahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-12) ng kaukulang kaso ang hepe ng CIDG-Sultan Kudarat na nagsagawa nang maling pag-aresto at pagkulong sa kanilang empleyado kasama ang empleyado ng Philippine Red Cross (PRC) habang nagsasagawa ng lecture sa 4Ps benificiaries sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Ayon kay Darlene Geturbos ng DSWD, balak nilang sampahan ng …

Read More »

Pinsala ni Ruby pumalo na sa P3.1-B — NDRRMC

PUMALO na sa P3.1 billion ang halaga ng pinasala na iniwan ng bagyong Ruby sa impraestruktura at agrikultura at mga ari-arian sa Filipinas. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, kabilang sa pinsala ang P1.9 bilyon sa agrikultura habang nasa P1.2 bilyon sa impraestruktura. Umakyat na rin sa mahigit P43,000 ang bilang ng mga …

Read More »

Pope rally sa Araneta Coliseum daragsain ng kabataan

INAASAHANG daragsain ngayong araw ng 8,000 kabataan ang gagawing Win One for God: A Pope Rally sa Araneta coliseum. Sinabi ni Jerald Cruz, Life Head ng mobilization team ng Pope rally, ang mga lalahok ay mula sa iba’t ibang mga paaralan at youth organization. Pangungunahan ni Catholic Bishop Conference of the Philppines president Socrates Villegas ang isasagawang misa. Ang nasabing …

Read More »

Emergency power ni Pnoy lusot sa Kamara (Sa botong 149/18)

TULUYAN nang nakalusot sa Kamara de Representantes ang hinihinging emergency power ni Pangulong Benigno Aquino III (PNoy) para matugunan umano ang power crisis sa susunod na taon. Sa isinagawang ikatlong pagdinig kahapon, lumamang nang husto sa boto ang pabor para bigyan ng karagdagang kapangyarihan si PNoy. Base sa datos, pumalo sa 149 boto ang sumang-ayon, habang nasa 18 naman ang …

Read More »

Publiko kumain ng NFA rice ngayon Pasko (Payo ng Palasyo)

PINAYUHAN ng Palasyo ang publiko na kumain na lang ng NFA rice kapalit ng commercial rice na mas mahal ang presyo ngayon. Pahayag ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa gitna ng patuloy na pagtaaas ng presyo ng mga noche buena items at bigas. Sinabi ni Valte na mismong ang ekonomistang si Pangulong Benigno Aquino III ay alam na …

Read More »

SC en banc sa DQ ni Erap ilabas na (Desisyon ‘wag nang paabutin sa 2015)

SUMUGOD muli sa harap ng Korte Suprema ang isang grupo ng mga residente ng Maynila na Movements Against  Corruption (MAC) para magpasalamat sa Korte Suprema at iapela na huwag nang paabutin pa sa 2015 ang disqualification case ng napatalsik na Pangulo ng bansa at convicted plunderer Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Ayon  Kay Leah Dimasilang Secretary General ng MAC, malaki …

Read More »

BBL isinalin na sa Filipino (Para lubos na maunawaan ng mamamayan)

ISINALIN na ng pamahalaan sa wikang Filipino ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na nakabinbin sa Kongreso upang lubos na maunawaan ng mga pangkaraniwang mamamayan, partikular ng mga taga-Mindanao. Isinapubliko kahapon sa isinagawang forum ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang 78-pahinang dokumento na House Bill No. 4994 na isinalin sa Pambansang Wika ni Roberto Anonuevo, KWF director general. Aniya, …

Read More »

CHED Commissioner kinasuhan sa Ombudsman

Nahaharap sa kasong graft and corruption si Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson Patricia Licuanan dahil sa ilegal na pagpasok sa kontrata sa isang pribadong kompanya. Si Licuanan ay pormal na sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ni Fr. Joel Tabora, SJ, pre-sident ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU) at ng legal counsel na …

Read More »

11 patay, 42 sugatan sa Bukidnon bus blast

07CAGAYAN DE ORO CITY – Naglunsad nang malawakang manhunt operation ang pulisya kaugnay sa grupong nasa likod ng panibagong pambobomba sa isang unit ng Rural Transit Mindanao Inc., (RTMI) bus na nangyari sa Brgy. Dologon, Maramag, Bukidnon kamakalawa. Inihayag ni Bukidnon Provincial Police Office PIO, Supt. Bernard Mendoza, batay sa opisyal na data na kanilang nakuha, umabot na 11 pasahero …

Read More »

Police asset nagmakaawa kay Roxas (Tinangkang paslangin ng 33 pulis-Zambales)

SUBIC, ZAMBALES—Nanawagan ang isang miyembro ng Barangay Police Special Force na pabilisin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang aksiyon laban sa mga miyembro ng Zambales Police Office na tumambang sa kanya kasama ang buong pamilya sa bayang ito kamakailan. Sa joint complaints sa National Police Commission (NAPOLCOM) sa Region 3, inakusahan ng mga nagreklamo sa pangunguna ng …

Read More »

200 bahay natupok, 6 sugatan (400 pamilya homeless sa Pasko)

TINATAYANG 200 kabahayan ang nasunog sa C. Perez St., Tonsuya, Malabon City na naapula kahapon ng madaling araw. Ayon kay Fire Senior Superintendent Leonides Perez, district fire marshal, apektado ang 400 pamilya dahil sa sunog. Nag-iwan ito ng danyos na P2 million. Nasugatan ang anim mga residente sa sunog na kinilalang sina Rodel Mabute, 36; Ogie Basco, 17; John Michael …

Read More »