NDI na papayagang makapasok ang mga pribadong sasakyan sa Manila North Cemetery simula Oktubre 30, 2014 bilang paghahanda sa Undas. Sinabi ni Daniel Tan, officer-in-charge ng sementeryo, wala pa ring nababago sa dati nang panuntunan na bawal ang pagdadala ng ano mang sandata, matutulis na bagay, ano mang uri ng sound system, at baraha. Higit 500 tauhan mula Manila Police …
Read More »Mag-utol, 1 pa nasakote sa carnapping, P.5-M RTWs nakaw
TATLO katao ang nadakip kabilang ang magkapatid na sinasabing sangkot sa karnaping at pagbili ng nakaw na RTW items na nagkakahalaga ng kalahating milyon kamakalawa sa Parañaque City. Si Donna Gamad-Peralta at kapatid niyang si Warlito Gamad, ng Brgy. Bugtong, Lipa City, at Ronald Escultor, 31, ng Palanyag, Brgy. San Dionisio, ay nasa kustodiya na ng Parañaque Police. Sa ulat na natanggap …
Read More »Presyo ng kandila, bulaklak binabantayan
TITIYAKIN ng Department of Trade and Industry (DTI) na pasok sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng kandila at bulaklak sa Undas. Titiyakin Din ng Consumer Protection Group sa tulong ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bulaklak para hindi masamtala ang bentahan nito. Kabilang sa mga iinspeksyonin ng DTI ang mga pamilihan sa Maynila at …
Read More »Senglot nalaglag sa hagdan, tigok
BINAWIAN ng buhay ang isang 40-anyos delivery checker nang malaglag sa hagdanan sa loob ng Pritil Market habang bumaba kamakalawa nang hapon sa Zamora St., Tondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang kinilalang si Marco Gabreno, ng Blk.12-A, Lot 11, Phase 2, Area 3, Dagat-dagatan, Malabon City. Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong, naganap ang insidente dakong 5 p.m. sa …
Read More »AUV vs trike 8 sugatan
NAGSALPUKAN ang isang AUV at tricycle na nagresulta sa pagkasugat ng walong pasahero sa Brgy. Tabao Rizal, San Enrique, Negros Occidental kamakalawa. Dinala sa Valladolid District Hospital ang pitong nasugatang estudyante at ang driver ng tricycle na si Alfredo Valenia, Jr. Patungong San Enrique ang sinasakyang tricycle ng mga biktima nang maganap ang insidente, habang biyaheng Bacolod City ang naka-aksidenteng …
Read More »2 driver utas sa banggaan ng motorsiklo
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang driver ng dalawang motorsiklo dahil sa lakas ng impact ng kanilang banggaan dakong 10 p.m. kamakalawa ng gabi sa national highway ng Victoria, Alicia, Isabela. Patay ang driver ng Honda TMX motorcycle na walang plaka na si Jordan Policarpio, 27, residente ng Gumbauan, Echague, Isabela at ang hindi pa nakilalang driver ng isang Euro …
Read More »Susselbeck ideklarang ‘undesirable alien’ (Giit ng AFP)
HINIHINTAY pa ng Bureau of Immigration (BI) ang pormal na hiling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa pagpapa-deport kay Marc Susselbeck, ang German boyfriend ni Jennifer Laude. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang hiling ng AFP ang magiging basehan ng Department of Justice (DoJ) sa kanilang desisyon. Sa ngayon, hindi pa malinaw kung tinanggap ng AFP …
Read More »Ospital ‘safehouse’ ng nakaw na motor
LEGAZPI CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nakuhang spare parts at makina ng motorsiklo sa loob ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) na pinaniniwalaang kinarnap. Ito ay kasunod nang isinagawang search operations kamakalawa ng pinagsanib na pwersa ng Albay Police Provincial Office, Daraga Municipal Police Office, Legazpi City Police Office at ng Highway Patrol Group …
Read More »Kuta ng tulak sinalakay 6 timbog
ANIM katao ang naaresto habang 16 sachet ng tuyong dahon ng marijuana at 9 sachet ng shabu ang nakompiska sa magkahiwalay na pagsalakay sa dalawang bayan sa lalawigan ng Rizal kamakalawa. Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang mga nadakip na sina Eduardo Ilocso; Arcelly Arcilla, 41; Ma. Victoria Dumaguit, 40; …
Read More »Bahay ng tserman niratrat 1 patay, 2 sugatan
BUTUAN CITY – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan nang pagbabarilin ang bahay ng kapitan sa Brgy. San Lorenzo, bayan ng Prosperidad sa lalawigan ng Agusan del Sur kamakalawa ng gabi. Ayon kay Insp. Felomino Muñoz, ang nasabing insidente ay nagresulta sa pagkakasugat ni Kapitan Alejandro Dumagit at anak na si Elyjean, habang namatay ang isa pa niyang anak …
Read More »Mayabang na driver binaril
SUGATAN ang isang tricycle driver makaraan barilin ng kalugar dahil sa kayabangan ng biktima habang sila ay nag-kukwentohan kahapon ng umaga sa Malabon City. Kinilala ang biktimang si Hermino Prado, Jr., 34, residente ng #19 Lingkod ng Nayon, Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod, isinugod sa Pagamutang Lungsod ng Malabon. Habang nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police ang suspek …
Read More »Arrest Warrant Welcome (Caloocan City councilors nagmatigas)
NAGPAHAYAG ng kahandaan ang mga opisyal ng Caloocan City na magpakulong kung kinakailangan kasunod ng banta ng paglalabas ng warrant of arrest ng korte dahil sa hindi pagbabayad ng lupa na binili ng lungsod para sa socialized housing noong 1996. Ayon kay Majority Floorleader, 1st District Councilor Karina Te, nanindigan silang dapat pang hintayin ang desisyon ng Court of Appeals …
Read More »Dalagita patay sa shotgun ng erpat
ROXAS CITY – Patay ang isang 15-anyos dalagita nang aksidenteng nabaril ng kanyang ama sa Brgy. Agloloway Jamindan, Capiz. Tinamaan ng bala sa kanang hita na tumagos sa ari at likod ang biktimang si Riza Selvino, binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital. Napag-alaman mula sa lola ng biktima na si Monica Selvino, aksidenteng nakalabit ng amang si Ricky Selvino …
Read More »4 hijacker todas sa enkwentro (Pulis sugatan)
DEDBOL ang apat hindi nakikilalang lalaking sinasabing nag-hijack sa aluminum van ng isang kompanya ng sigarilyo makaraan maka-enkwentro ang Cavite PNP kahapon ng tanghali sa Silang, Cavite. Sa inisyal na impormasyon mula kay Cavite Police director, Sr. Supt. Joselito Esquivel Jr., dakong 10:30 a.m. nang may mag-report na concerned citizen na may dinukot na driver at dalawang ahente ng Mighty …
Read More »Malaswang retrato ng gob at kabit kumalat na sa internet
NAGA CITY – Kumakalat na sa social media ang mga retrato ni Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado at ng 28-anyos na sinasabing kanyang mistress. Pinaniniwalaang pasado 6 a.m. kahapon nang i-post sa social media ang tatlong larawan ng isang lalaki at isang babae na nasa “romantic moment.” Isinusulat ang balitang ito ay mahigit 1,254 ulit nang nai-share ang nasabing larawan …
Read More »Dalia Pastor no show sa prelim prob sa Enzo killing
NAGKAHARAP sa preliminary investigation kahapon sa Department of Justice ang kampo ng pamilya ng pinaslang na international car racing champion na si Enzo Pastor at ang kampo ng tinaguriang mastermind sa pagpatay na si Dominggo “Sandy” De Guzman III. Ngunit hindi pa rin nagpapakita ang biyuda ni Enzo na si Dalia Pastor na suspek din sa krimen at hindi rin …
Read More »DepEd, UP-CFA nagsanay ng visual artists, practitioners
SA layuning makapagkaloob ng quality K to 12 learning materials, ang Department of Education (DepEd), sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines College of Fine Arts (UP-CFA), ay nagsagawa ng five-day workshop para sa 35 DepEd visual artists and practitioners upang mapagbuti ang learning and teaching resources. “We want to ensure young learners’ interest in our learning materials. We can …
Read More »Mag-asawa arestado bilang bogus army officials
ARESTADO ang mag-asawang nagpanggap na mga opisyal ng Philippine Army, sa operas-yon nang pinagkasanib na pwersa ng Rizal PNP at mga tauhan ng Cri-minal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Supt. Robert Baesa, hepe ng Rodriguez PNP, ang mga suspek na sina Danilo at Romina Datu, kapwa nasa hustong gulang, at nakatira sa …
Read More »‘Friends only’setting sa FB ‘di lubos na pribado (Paalala ng SC sa bagong ruling)
HINDI lubos na pribado ang Facebook post ng isang user kahit pa naka-’friends’ ang setting nito o ang makakikita lamang ay ang kanyang ‘friends’. Ito ang paalala ng Korte Suprema sa lahat ng gumagamit ng sikat na social networking site kasunod ng dinesisyonang kaso hinggil sa limang estudyante sa Cebu na hindi pinayagang maka-graduate dahil sa malaswang litrato na kumalat …
Read More »Blakdyak timbog sa drug ops sa Mandaluyong
NADAKIP nang pinagsanib na pwersa ng Mandaluyong Anti-Illegal Drugs Unit at agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang singer/rapper na si Joey Formaran o mas kilala sa kanyang stage name na Blak-dyak, sa inilunsad na anti illegal drug operations sa Sto. Rosario Street, Brgy. Plainview, Mandaluyong City. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., nahuli sa akto …
Read More »8 dalagita sinagip ng NBI sa resto-videoke bar
SINAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong kababaihan kabilang ang dalawang menor de edad sa entrapment operation kahapon ng madaling-araw sa isang resto-videoke bar sa Sta. Ana, Maynila. Ayon sa ulat, ginagamit na ‘front’ ng prostitusyon ang naturang bar at inaalok ang mga parukyano ng panandaliang-aliw sa halagang P500 hanggang P1,000 bawat isang babae. Habang …
Read More »Paghuli sa ‘Uber’ private vehicles tuloy — LTFRB
TULOY ang paghuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pribadong sasakyan na ginagamit ng ‘Uber’. Ito ang inihayag ni Chairman Winston Ginez bilang tugon sa hiling ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ihinto ang paghuli dahil malaki ang naitutulong ng Uber na nagpo-promote ng carpooling. Ang Uber ay isang transportation network na maaaring mag-arkila ng …
Read More »TODA prexy, 1 pa itinumba sa Rizal
PATAY ang dalawa katao kabilang ang presidente ng tricycle operators and drivers and association makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Rodriguez, Rizal kamakalawa. Kinilala ni Supt. Robert Baesa, hepe ng Rodriguez Police, ang mga biktimang sina Christopher Estepa y Hangdaan, 48, pangulo ng isang samahan ng tricycle drivers, at Jessico Florentino y Jardin, 21, kapwa ng Rodriguez, Rizal. …
Read More »Mag-utol, 1 pa tiklo sa paggawa ng pekeng pera
ARESTADO ang tatlong miyembro ng sindikato makaraan mahuli sa aktong gumagawa ng pekeng pera sa isang inn sa Sta. Cruz, Laguna nitong Huwebes ng gabi. Ikinasa ng pulisya ang entrapment operations sa naturang bayan kasunod nang natanggap na ulat na kumakalat na sa lugar ang mga gumagawa ng pekeng pera. Ayon sa Sta. Cruz PNP, galing sa Maynila ang mga …
Read More »Pnoy binatikos sa pag-isnab sa burol ni ‘Jenny’
MINALIIT ng Palasyo ang pagbatikos ng ilang grupo sa hindi pagdalaw ni Pangulong Benigno Aquino III sa burol ng pinatay na Filipino transgender dahil pabor anila rito ang netizens. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., batay sa nakalap na impormasyon ng New Media Unit ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), tatlong porsi-yento lamang ang tutol sa pahayag ni Pangulong …
Read More »