Private and public agencies lumahok sa Earth Quake Drill (Apela ng Palasyo)

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga tanggapan ng gobyerno at pribadong sektor na lumahok sa ilulunsad na earthquake drill ngayong umaga sa Metro Manila.

Sa inilabas na Memorandum Circular 79 ni Executive Secretay Paquito Ochoa Jr., hinimok niya ang mga pinuno ng lahat ahensiya ng pamahalaan na himukin ang kanilang mga kawani na sumali sa Metro Manila-wide earthquake drill na itinakda ngayong 10:30 a.m.

Inatasan din sila ni Ochoa na magsumite ng ulat hinggil sa implementasyon at ebalwasyon sa earthquake drill.

Itinalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang ahensiyang mangunguna sa pagpaplano at pagpapatupad ng earthquake drill.

Rose Novenario