Sunday , November 24 2024

News

2016 polls kapos na sa panahon – Bautista

AMINADO si Comelec Chairman Andres Bautista na pinapaspasan nila ang mga trabaho ngayon sa poll body dahil kinakapos na sila sa election preparation. Ayon kay Bautista, may mga ginagawa silang konsultasyon para matiyak na matutuloy ang halalan kahit naibasura ang Comelec-Smartmatic deal para sa repairs ng PCOS machines. Sinabi ng opisyal, malaking hamon ang paghawak niya ng tungkulin sa komisyon …

Read More »

Illegal recruiter wanted

HINAHANTING ng mga pulis ang isang 57-anyos suspek sa illegal recruitment na ilang araw pa lamang nakalalaya makaraan magpiyansa, dahil sa paglutang ng panibagong biktima na natangayan niya ng P70,000 halaga sa Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ng suspek na si Mauro San Buenaventura, 57,  manager ng MCSB Manpower and Shipping Services, sa MBR building Room 709, 7th floor, Plaza Sta. …

Read More »

Dodong ‘bumagsak’ sa Sta. Ana, Cagayan

TULUYAN nang nag-landfall o tumama ang sentro ng bagyong Dodong sa Pananapan Point sa Santa Ana, Cagayan dakong 4:45 p.m. nitong kahapon. Dahil dito, nakaranas nang malalakas na hangin at ulan ang halos buong rehiyon ng Cagayan dahil sa lawak ng bagyo. Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa …

Read More »

Budol-budol arestado

ARESTADO ng mga elemento ng Manila Police District-Police Station 2 ang isang miyembro ng budol-budol gang makaraang habulin ng kanyang biktima, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Nakapiit na sa MPD-PS 2 ang suspek na si Dennis Perdagorta, 34, ng B-6, San Jose, Navotas City, nadakip sa panulukan ng Dagupan at Moriones streets, Tondo, Maynila dakong 7:45 p.m. kamakalawa. Ayon …

Read More »

Botohan sa BBL simula na sa Kamara

PAGBOBOTOHAN ngayong araw, Lunes, (Mayo 11) ng House adhoc Committee on the Bangsamoro ang nabinbing Bangsamoro Basic Law (BBL). Nabatid kay Committee Chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez,bukas pa rin ang komite na amyendahan ang BBL bago nila isagawa ang botohan. Sinabi ng mambabatas, posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong araw ang botohan dahil may ilan pang nais …

Read More »

‘Sweet 16’ pinilahan ng 3 holdaper (Sa harap ng boyfriend)

KALIBO, Aklan – Pinilahan ng tatlong lalaki ang 16-anyos dalagita sa harap ng kanyang nobyo makaraan sila ay holdapin sa isang sementeryo sa Calachuchi Road, Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan kamakalawa. Kasong rape at robbery ang kinakaharap ng mga suspek na kinilalang sina Merwin Pelayo, 24; Dariel Soguilon, 20, kapwa residente ng Ibajay, Aklan, at ang 17-anyos menor de edad na …

Read More »

PH, Norwegian envoy, 4 pa patay sa chopper crash sa Pakistan  

ISLAMABAD, Pakistan – Kabilang ang ambassador ng Filipinas at Norway sa anim kataong namatay nitong Biyernes nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa isang paaralan sa northern Pakistan, ayon sa tweet ng army. Sina Leif H. Larsen, Norwegian envoy, at Domingo D. Lucenario Jr. ng Filipinas, ay kabilang sa mga namatay kasama ng mga misis ng Malaysian at Indonesian ambassadors, …

Read More »

LAMPAS 40-dilag ang maglalaban para sa 15th Miss Philippines Earth na ipinakilala sa media kahapon sa Diamond Hotel, Roxas Blvd., Ermita, Maynila. Gaganapin ang  coronation night sa May 31 sa MOA Arena. (Ronel Concepcion)

Read More »

Sanggol Itinapon nilanggam himalang nabuhay

CEBU CITY – Nilalanggam na ang isang babaeng sanggol at himalang buhay makaraan itapon ng kanyang ina nang iluwal sa damuhan sa Maria Luisa Village, Brgy. Busay sa Lungsod ng Cebu kamakalawa. Ayon kay Busay Brgy. Kapitan Yudi Sanchez, kilala na nila ang 40-anyos ina na kasalukuyan nang nasa Cebu City Medical Center. Ayon kay Sanchez, malusog ang sanggol nang …

Read More »

Bagong hepe ng PNP-Firearms and Explosives office sinibak

SINIBAK sa kanyang puwesto ang bagong hepe ng PNP-Firearms and Explosive Office (PNP-FEO) na si Senior Supt. Dennis Sierbo. Mismong si Sierbo ang nagkompirma sa kanyang pagkaka-relieved sa puwesto, ngunit tumanggi ang opisyal na sabihin ang dahilan ng kanyang pagkakasibak. Kahapon lang natanggap ng opisyal ang naturang relieved order na epektibo rin kahapon. Ayon sa opisyal, hindi pa niya alam …

Read More »

PNoy sinalubong ng protesta sa Chicago

SINALUBONG ng kilos-protesta ng militanteng grupong Anakbayan si Pangulong Benigno Aquino III sa labas ng JW Marriot Hotel sa Chicago, Illinois, USA kahapon at hiniling na magbitiw na siya sa puwesto Kaya sa pagtitipon ng Filipino community sa naturang hotel ay nagsumbong sa kanila ang Pangulo na habang papalapit ang 2016 elections ay tumitindi ang pag-iingay ng kanyang mga kritiko. …

Read More »

Bagong Comelec off’l kaanak ni Iqbal

TUMANGGI si MILF chief negotiator Mohagher Iqbal na magbigay ng komento sa naglabasang ulat na pamangkin niya ang bagong Comelec Commissioner na si Sheriff Abas. Ayon kay Iqbal, walang kinalaman sa trabaho ng sino man sa kanila ang isyu ng pagiging magkamag-anak kaya hindi siya obligadong magpaliwanag nito sa publiko. Aniya, hindi niya alam kung bakit matindi ang interes ng …

Read More »

Buntis na sekyu kritikal sa saksak ng dyowang seloso

KRITIKAL ang isang 27-anyos buntis na sekyu makaraan saksakin ng kanyang live-in partner dahil sa selos kamakalawa sa Sta. Mesa, Maynila. Nasa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Adilien Meniano, limang buwan buntis, lady guard ng LRT 1, residente sa Anonas Ext., NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila, sanhi ng mga saksak sa dibdib. Habang nakatakas ang suspek na si Roldan …

Read More »

2 lady cop hinipuan ng judge

LEGAZPI CITY – Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang isang judge sa lalawigan ng Albay. Kasunod ito ng panghihipo sa dalawang policewoman na ginawa niyang security aide. Kinilala ang huwes na si Judge Ignacio Barcillano Jr. ng RTC Branch 13, Ligao City. Sa impormasyon, nasa impluwensiya umano ng alak ang opisyal nang ipatawag ang dalawang biktima sa kanyang opisina. …

Read More »

Recruiters ni Mary Jane kakasuhan na

PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice (DoJ) sa korte ang mga recruiter ng drug convict sa Indonesia na si Mary Jane Veloso. Sa rekomendasyon, tinukoy ng lupon na may sapat na basehan para kasuhan ng illegal recruitment si Maria Kristina Sergio at kinakasama niyang si Julius Lacanilao. Bukod sa pamilya Veloso, nagbigay rin ng testimonya ang anim katao upang mapagtibay …

Read More »

BoC officials babalasahin

SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) ni Customs Commissioner Alberto Lina ang may-ari ng New Dawn Enterprises makaraan mahulihan ng illegal na kargamentong asukal na nagkakahalaga ng P13 milyon.  (BONG SON) NAPIPINTONG ipatupad ang balasahan sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) kasunod ng pagbabago sa liderato ng kawanihan. Ayon kay Customs Commissioner Bert Lina, bilang …

Read More »

11 katao patay sa HIV/AIDS sa Region 6

ILOILO CITY – Umaabot na sa 11 ang bilang ng mga namatay dahil sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Rehiyon 6. Base sa record ng Department of Health (DOH)-6 Regional Office, ito ay base lamang sa record simula noong Enero-Marso ngayong taon. Sa pangkabuuan, umaabot na sa 807 ang kaso ng HIV/AIDS sa rehiyon. Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ang …

Read More »

Kelot tumalon mula 3/F ng QC mall, dedbol  

PATAY ang isang lalaki makaraan tumalon mula sa ikatlong palapag ng SM City North EDSA sa Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa pamunuan ng SM Supermalls, agad dinala sa QC General Hospital si Roberto Candelaria, 25, at sinubukan pang i-revive ng mga doktor ngunit pumanaw rin dakong 10 p.m. kamakalawa. Matinding depresyon ang itinuturong dahilan sa pagpapakamatay ni …

Read More »

5 kidnaper ng Chinese sa Sulu patay sa enkwentro

PATAY ang limang hinihinalang kidnaper ng isang negosyanteng Chinese, sa enkwentro sa Sulu nitong Huwebes ng madaling araw. Batay sa report ng commander ng Joint Task Group Sulu na si Col. Allan Arujado, dinukot ang biktima nitong Miyerkoles ng hapon. Hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang mga suspek. Bago makatawid ng dagat ang Chinese at ang mga suspek, …

Read More »

Nat’l ID System lusot sa 2nd reading sa Kamara

PUMASA na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang pagpapatupad ng National ID System sa bansa. Nakapaloob sa substitute bill na House Bill 5060, inihain nina Reps. Gloria Macapagal Arroyo, at Rufus Rodriguez, ang naturang identification system ay magtataglay ng mga kaukulang impormasyon ng bawat indibidwal. Obligado ang bawat mamamayan, sa loob man o labas ng Filipinas, na magparehistro ng …

Read More »

FEU prof natagpuang patay

NAAAGNAS na ang katawan ng isang 50-anyos professor ng Far Eastern University (FEU) nang matagpuan sa kanyang inuupahang kuwarto kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 10 p.m. nang matagpuang walang buhay ng kanyang mga kapwa professor na sina Hector Perez at Raul Gana, ang biktimang si …

Read More »

NAIA Ave. killer hi-way sa Pasay

KUNG sa lungsod ng Quezon ay binansagang ‘killer hiway’ ang Commonwealth Avenue, ganito na rin ang kinatatakutang Ninoy Aquino Avenue , ‘di kalayuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sa lungsod ng Pasay. Halos dalawang magkasunod na insidente ang nangyari nitong Miyerkoles na isang babae ang nabundol nang rumaragasang sasakyan na naging dahilan ng kanyang malagim na kamatayan. …

Read More »

Abiso sa SM Group, Ayala Land, at SMC: Mag-ingat sa pag-bid sa ‘payanig’ property

NAPABALITA kamakailan na isusubasta ng Philippine Commission on Good Governance (PCGG) ang 18.5 ektaryang lupain na dating kinatatayuan ng ‘Payanig sa Pasig.’ Naakit nito ang interes ng malalaking kompanyang kagaya ng SM Group, Ayala Land, at San Miguel Corporation. Kaugnay nito inaabisohan sila ng abogado ng isa ring kompanya na mag-ingat at i-review ang kanilang mga compliance and due diligence …

Read More »

BuB projects sa Davao Oriental, pakikinabangan ng marami — Roxas

Kompiyansa si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nakatitiyak ang mga residente ng Barangay Sainz, Mati City sa ligtas at malusog na hinaharap matapos kilalanin ang matagumpay na proyekto na pinondohan ng DILG sa pamamagitan ng Bottom-up Budgeting (BuB) sa Davao Oriental. “Lahat ng ating mga kababayan, ‘yung bawat buhay, ‘yung bawat tao at sanggol ang …

Read More »

Trillanes, Magdalo: K-12 Program itigil (Petisyon sa Korte Suprema)

NAGSAMPA ng Petisyon sa Korte Suprema si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, kasama sina Magdalo Representatives Gary Alejano at Francis Ashley Acedillo upang hilingin ang agarang pagpapatigil ng Republic Act 10533 o kilala bilang K-12 Law, na magdaragdag ng dalawang taon sa high school. Sa Petition for Writ of Preliminary Injunction and/or Temporary Restraining Order na inihain, sinabi ni …

Read More »