This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DOLORES, Quezon – Nasa malubhang kalagayan sa San Pablo, City Medical Center ang isang barangay chairman makaraan pagtatagain ng isang lalaking may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Kinabuhayan ng bayang ito.
Ang biktimang si Romeo Reyes Diala, 56, biyudo, residente ng nabanggit na lugar, ay tinamaan ng mga taga sa pisngi, likod at dibdib. Habang agad nadakip ang suspek na si Jomar Gamas Garcia, 23, residente rin sa naturang lugar.