WALA pang 24 oras nang muling madakip sa Parañaque City ang puganteng Koreano na nakatakas sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility sa Bicutan nitong Setyembre 29, pero nakapagtatakang nakapuga na naman sa ISAFP detention cell sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Kinilala ang puganteng Koreano na isang Cho Sheong Dae, wanted sa kasong robbery at extortion sa kanilang bansa, at …
Read More »Chinese consul sugatan, 2 patay (Function room niratrat)
CEBU CITY – Sugatan ang Chinese consul general habang sugatan ang dalawa niyang kasamahan nang pagbabarilin sa isa sa function rooms ng Lighthouse Restaurant sa General Maxilom Avenue sa lungsod ng Cebu kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Chinese Consul General Songrong Hua, Sun Shen, at isang Huil (female). Habang ang suspek ay natukoy na isang Li Qing Ling. Sinasabing …
Read More »Pemberton inisyuhan ng deportation order (Kahit hindi pa tapos litisin sa murder case)
POSIBLENG makauwi sa Amerika si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kahit hindi pa siya tapos litisin sa kasong pagpatay kay Filipino transgender Jeffrey “Jennifer” Laude. Nabatid ito sa panayam ng programang Lapid Fire sa DZRJ 810KhZ kahapon, nang aminin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison na puwedeng ipatupad ang deporation order na inilabas ng BI …
Read More »Mison tameme sa ‘Greencard’ holder issue
ISANG mahabang dead air ang tila naging sagot ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfried Mison nang tanungin nang direkta sa isang radio program kung siya’y United States greencard holder. Ngunit imbes sagutin ng oo o hindi, isang mahabang dead air ang namagitan kay Mison at sa radio program host ng Lapid Fire sa DZRJ 810 Khz kahapon dakong 9:00 …
Read More »Resolusyon sa kaso ni Poe aapurahin ng Comelec
BALAK ng Comelec na madaliin ang pagpapalabas ng desisyon sa mga kaso ng disqualification laban kay Senadora Grace Poe-Llamanzares, isa sa mga kandidato sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon. Naniniwala si Comelec Chairman Andres Bautista, mas mabuting pagpasyahan agad ang mga kaso laban sa senadora para sa halalan at maging sa demokrasya. Iginiit niya na kailangan agad lutasin ang mga …
Read More »12 PNP officials, 3 pa kakasuhan sa AK-47 scam
PINAKAKASUHAN ng Office of the Ombudsman ang 15 opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa AK-47 scam. Ito’y batay sa desisyon na ibinaba ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ngayong Miyerkules. Nahaharap sa kasong multiple counts ng violations of Sections 3(e) of Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang nasabing mga opisyal ng pulisya dahil sa pagbibigay ng lisensya …
Read More »Benguet Police director sinibak (Sa mataas na casualties sa bagyo?)
EPEKTIBO kahapon, sibak na sa pwesto ang police provincial director ng Benguet na si Senior Supt. Dave Lacdan, sinasabing dahil sa naitalang mataas na bilang ng casualty ng bagyong Lando sa nasabing lalawigan. Ayon kay PNP PIO chief, Chief Supt Wilben Mayor, iniutos na ni Chief Supt. Ulysses Bellera na mag-report na muna sa regional headquarters si Lacdan at iwan …
Read More »Palasyo ‘di natinag sa SC order sa Arroyo case
TINIYAK ng Malacañang na hindi maaapektohan ang paghahanap ng katarungan sa mga katiwaliang nangyari noong nakaraang administrasyon sa kabila nang inilabas na status quo ante order ng Supreme Court (SC) na pumipigil sa pagdinig sa plunder case ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng 30 araw. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hindi natitinag ang paghahangad …
Read More »2 pusher kalaboso sa P.5-M shabu
MAHIGIT P.5 milyon ng shabu ang nakompiska sa dalawang naarestong drug pusher sa buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City. Sa ulat kay PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., naaresto makaraang makompiskahan ng 300 gramo ng shabu sina Rizaldy Quinto, 34, ng Soldier’s Village, Tala, Caloocan City, at Aliah Barauntong, 33, ng Sta. Rita, …
Read More »Leni Robredo may bentaha sa malawak na karanasan kasama ang mahihirap
ITINUTURING ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo na malaking bentaha ang kanyang malawak na karanasan sa lokal na pamahalaan, na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makihalubilo at alamin ang pangangailangan ng masang Pinoy. “I have a lot of experience sa lokal. I have been partner to my husband for almost of all the 19 years that he was …
Read More »Guro tumalon mula 25ft. tulay, ligtas (Sa Quezon Province)
NAGA CITY – Himalang nakaligtas ang isang guro makaraang tumalon mula sa 25 talampakang taas ng tulay ng Brgy. Bulakin 2, Dolores, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Diwata Bonquin, 45-anyos. Ayon sa ulat, nabigla ang mga residente nang biglang sumampa ang nasabing guro sa tulay at walang pag-aalinlangang tumalon. Nasugatan ang biktima nang tumama sa mga bato sa ilog …
Read More »Utol ng INC minister na ikinulong humirit ng writ of amparo sa SC
HINILING sa Supreme Court ng mga kamag-anak ng ‘missing’ na ministro ng Iglesia ni Cristo (INC), na magpalabas ng writ of amparo and habeas corpus. Sa siyam pahinang petisyon, hiniling ni Anthony Menorca, kapatid ng ministro ng INC na si Lowell Minorca, na atasan ng Korte Suprema ang mga opisyal ng Iglesia ni Cristo na ilabas ang kanilang kapatid. Pinangalanan …
Read More »Comelec, SEC nakabantay vs campaign donors
AKABANTAY na ang Commission on Elections (Comelec) at Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga kompanyang maglalaan ng donasyon sa mga politikong tatakbo sa 2016 presidential elections. Ayon sa Comelec, ipinagbabawal sa batas ang donasyon ng mga lokal o dayuhang korporasyon para sa kandidatura ng isang politiko. Magbibigay ang poll body sa SEC ng listahan ng mga kompanyang lumahok sa …
Read More »3 NPA patay, 2 sundalo sugatan sa enkwentro sa Sorsogon
PATAY ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawang sundalo ang nasugatan nang magka-enkwentro bago mag-6 a.m. kahapon sa baybaying bahagi ng Brgy. Tinago, Juban, Sorsogon. Ayon kay Major Angelo Guzman, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines- Southern Luzon Command, 25 minuto tumagal ang bakbakan ng magkabilang panig. Agad dinala sa Sorsogon Doctors Hospital ang dalawang nasugatang sundalo …
Read More »Zero visibility sa GenSan sa haze mula Indonesia
GENERAL SANTOS CITY – Apektado na rin ng haze ang Lungsod ng Heneral Santos bunsod nang makapal na usok na mula forest fire sa Indonesia. Sinabi ni Indal Bansuan weather, forecaster ng Pagasa-GenSan, ilang araw nang nararanasan ang haze na tinatawag ding smaze o kombinasyon ng smoke at haze, at halos buong Rehiyon 12 ang apektado. Nararanasan din sa GenSan …
Read More »P1.2-M alahas tinangay ng kasambahay
ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang kasambahay na nagnakaw ng P1.2 milyong halaga ng alahas ng kanyang amo sa Paco, Maynila kamakailan. Kinilala ang suspek na si Eden T. Del Castillo, 21, stay-in sa Cluster 1, Unit 5L Garden sa Cristobal St., Paco ,at tubong Mapanag May-Anao, Tigaon, Camarines Sur. Sa salaysay kay SPO4 Antonio Marcos ng MPD …
Read More »Chiz: Benefits pa more sa seniors & retirees (Bukod sa bawas-buwis, Gobyernong may puso ‘yan!)
DAHIL sa patuloy na pagharang sa mga hakbang na magpapababa ng buwis at pagpapalago ng mga benepisyo sa ilalim ng panukalang social security reform, muling binigyang-diin ni Senator Francis “Chiz” Escudero sa ilang mga panayam ngayong linggo na ang isang ‘Gobyernong may Puso’ ay mapagkalingang nangangasiwa, pinapahalagahan at higit sa lahat ang kapakanan ng mamamayan at naninindigang isulong ang mga pamantayang kakaunti …
Read More »2 maglalaban sa pres’l race (Prediksiyon ni Miriam)
POSIBLENG dalawa lang ang maglaban sa pagkapangulo ng bansa sa May 2016 residential Elections. Ito ang naging prediksiyon ni Senadora Miriam Defensor Santiago kahapon. Paliwanag ng senadora, bagama’t mahigit 100 ang mga naghain ng certificate of candidacy (CoC) para sa pagka presidente, apat lamang lang ang masasabing seryoso. Ngunit sa apat na ito aniya ay dalaw ang may kinakaharap na …
Read More »18 patay sa hagupit ni Lando
UMAKYAT na sa 18 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Lando sa Filipinas. Sa opisyal na tala ng National Disaster Rist Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawa ang kompirmadong patay, kabilang ang 62-anyos na si Benita Familay na nabagsakan ng pader sa Subic, at si Rannel Castiollo, patay rin nang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay sa …
Read More »Mison inutusan ng Malacañang magpaliwanag (Puganteng Chinese pinalaya)
HINDI pa man nasasagot nang maayos ang kasong graft na inihain sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI), pinagpapaliwanag na ng Malacañang si Commissioner Sigfried Mison sa loob ng 10 araw kung bakit misteryosong nakalaya ang isang puganteng Chinese sa kanilang Warden Facility sa Bicutan. Inatasan ng Malacañang si Mison na sagutin sa loob ng 10 araw …
Read More »2nd DQ case inihain vs Grace Poe
ISA pang disqualification case ang hinaharap ni Senator Grace Poe mula kay dating senador Francisco “Kit” Tatad laban sa presidential candidate. Isinumite ni Tatad ang kanyang petisyon sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Palacio del Gobernador sa lungsod ng Maynila. Iginiit ng dating mambabatas, hindi “natural born Filipino” ang senadora at hindi rin siya pasok sa 10-year residency …
Read More »Nilait ng dyowa bebot nagbigti
MALAKI ang hinala ng pulisya nagbigti ang isang 35-anyos babae makaraang laitin ng kanyang kinakasama kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Hindi na naisalba sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang buhay ng biktimang si Jenny Oklonario, ng 118 Tenement Building, Punta, Santa Ana, Maynila. Ayon sa report kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria, naganap ang insidente dakong 1:30 …
Read More »2 sundalo patay sa enkwentro sa ComVal
DAVAO CITY – Patay ang dalawang sundalo sa enkwentro sa Sitio Kalinugan, Brgy. Casoon, Monkayo, Compostela Valley Province kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Corporal Byron Moreno at Private First Class Thon Katog, parehong miyembro ng 25th Infantry Battalion. Nakasagupa ng mga biktima ang 60 miyembro ng Section Committee 3 Pulang Bagani Command 4 Southern Mindanao Regional Committee ng New …
Read More »60-anyos doktor pinatay, itinapon sa septic tank (Mag-utol na houseboy tinutugis)
NATAGPUAN ng kanyang kapatid ang isang 60-anyos doktor na tadtad ng saksak at wala nang buhay sa loob septic tank sa kanyang bahay sa San Mateo, Rizal kahapon. Sa ulat na tinanggap ni Supt. Ruben Piquero, chief of police, kinilala ang biktimang si Dr. Jesus Go Comedio, pediatrician, nakatira sa #23 Aquarius St., Bancom Subd., Brgy. Gulod Malaya ng nabanggit …
Read More »Sumampa sa payloader bata nagulungan, todas (3 kalaro ligtas)
DAVAO CITY – Agad nalagutan ng hininga ang 8-anyos batang lalaki makaraang masagasaan ang ulo nang mahulog mula sa sinampahang payloader kamakalawa. Ayon sa ulat, habang nagkakarga ng graba at buhangin ang payloader sa Sebusa River, sa bayan ng Matanao, Davao del Sur, nang biglang sumampa ang apat naliligong mga bata. Kinilala ang mga batang sina Juanito Gallos, 12; Jeffrey …
Read More »