Monday , December 5 2022

Dyowa ng sekyu ni VP Robredo sangkot sa droga

KINOMPIRMA ng Office of the Vice President, ang isang security detail ni Vice President Leni Robredo na si PO3 Joey Regulacion ay live-in partner ng babaeng sumuko sa mga pulis makaraan makatok sa Oplan Tokhang ng Quezon City Police District sa Brgy. Culiat nitong Miyerkoles.

Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, pinabalik muna si PO3 Regulacion sa kanyang mother unit habang iniimbestigahan ng PNP.

Ikinalungkot aniya ni Robredo ang pangyayari at nagpahayag ng pagsuporta sa ano mang imbestigasyong ng pulisya.

Ayon kay Quezon City Police District Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar, isasailalim sa drug test ang security detail ni Robredo na si Re-gulacion upang malaman kung gumagamit siya ng illegal na droga lalo’t lumalabas sa intelligence report ng pulisya na supplier ng droga ang live-in partner ng pulis.

Walang nakuhang droga o paraphernalia ang PNP sa live-in partner ng isang PSG security escort ni Vice President Robredo.

Ito ang iniulat ng QCPD sa ipinadalang report sa office of the Vice President.

About hataw tabloid

Check Also

Bongbong Marcos Santa Claus Malacañang

FM Jr., nag-Santa Claus sa 600 bata sa Malacañang

MAY 600 batang nakatira sa mga komunidad sa paligid ng Malacañang complex sa San Miguel, …

Consumer Act

Ngayong Christmas rush
PROTEKSIYON PABOR SA MGA MAMIMILI NAIS PAIGTINGIN

SA GITNA ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang Pasko, sinabi ni Senador …

baboy money Department of Agriculture

Suplay ng baboy, sapat para sa Pasko — DA

TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez, sapat ang suplay ng baboy …

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan 

NA-TRAP ang isang 22-anyos babae habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang 4-storey residential …

120522 Hataw Frontpage

Sa Taguig City
2 HS STUDENTS, 4 KAMAG-ANAK INASUNTO VS BOMB THREAT

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act ang dalawang high school students at apat na …

Leave a Reply