2 drug suspect utas sa tandem

PATAY ang dalawang lalaking sangkot sa illegal na droga at kamakailan ay sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Kinilala ang mga napatay na sina Jhay-R Evangelista, alyas Ulo, 26-anyos, ng Don Basilio Blvd., Brgy. Hulong Duhat, at Aaron Paul Santos, alyas Atur, 21, ng 17 Katipunan St., Brgy. Bayan-Bayanan.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 1:30 am, naglalakad ang mga biktima sa M. Naval St., Brgy. Hulong Duhat nang dumating ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo at sila ay pinagbabaril.

( ROMMEL SALES )