Friday , May 24 2024
mindanao

Tiwaling gov’t officials ipatatapon sa Mindanao (Banta ni Duterte)

IPATATAPON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa mga lugar sa Mindanao na matindi ang bakbakan.

Sa press briefing kahapon ng madaling araw sa Davao City International Airport, nagbabala ang Pangulo na balak niyang italaga sa itatayong extension office ng national government sa Basilan o Jolo ang mga tiwaling opisyal  ng gobyerno.

Nakasentro ang lakas ng militar sa Basilan at Jolo para magapi ang  teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Sinabi ng Pangulo, magpapalagay siya ng CCTV cameras sa mga tanggapan ng pamahalaan at walang paglabag ito sa batas dahil sa gobyerno ay walang “violation of privacy,” maliban sa paggamit ng palikuran.

“This will stop and maybe I will have cameras sa… ‘Yung mga incorrigibles. I’ll place cameras there. Like a Gestapo. And it’s all right for me. Why? This is government. This is not a private enterprise. There’s no such thing as violation of privacy there. It’s only when you enter the comfort room, that maybe, there’s that limitation. Kung sa gobyerno ka, it must be open. Lalo na ‘yung sa airport, Customs, Quarantine, Immigration. You know, I’m planning to put an extension office of the lahat. National government, I plan to put in Basilan or Jolo. Be my guest. I would only be too happy to assign you there,” ayon sa Pangulo.

Ayaw ng Pangulo na mapahiya sa pangako niya na tutuldukan ang katiwalian.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang 24 inidbiduwal na sangkot sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa …

Sa Orion, Bataan BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

Sa Orion, Bataan
BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Police Office (BPO) sa …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt …

Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *