ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage ng isang bata makaraan mangholdap sa Brgy. Pinyahan, Quezon City nitong Linggo. Sumiklab ang tensiyon sa eskinita ng NIA Road pasado 10 p.m. ng gabi nang sumampa sa bubungan ng isang pamilya ang suspek. Armado ng patalim, ini-hostage ng lalaki ang 6-anyos bata. Sinubukan pa ng barangay at pulisya na kausapin ang hostage taker …
Read More »Daga kinain ng gutom na magsasaka (Mata namuti sa kahihintay sa tulong ng gobyerno)
KUMAIN ng daga ang mga magsasaka sa Kidapawan City, North Cotabato sa labis na gutom dahil inabot na ng anim na buwan hindi pa rin dumarating ang tulong na ipinamamarali ng pamahalaan. Isinawalat ito ng lider ng mga ng mga magsasaka laban sa ipinamamaraling tulong na pinadala umano ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng tagtuyot sanhi ng El Niño …
Read More »Camp Crame nasunog
SUMUGOD ang mahigit 20 firetruck sa loob ng Camp Crame, Linggo ng gabi nang masunog ang isang officer’s quarter. Binalot nang makapal na usok ang 10 Alpabeto Street nang masunog ang isa sa mga kuwarto rito at kumalat ang apoy sa buong bahay. Napag-alaman, ang lugar ay tinutuluyan ni Police Director Napoleon Taas ng PNP Information and Communications Technology Management. …
Read More »St. Benedict Medallion iniregalo ng ‘sekyu’ para proteksiyon
PINAGKALOOBAN si vice pre-sidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ng medalyon ni St. Benedict of Nursia ng isang security detail bago ang Commission on Elections-sponsored vice presidential PiliPinas Debates 2016 sa University of Santo Tomas sa Manila nitong Linggo. Bago pumasok si Marcos sa holding room ng UST, iniabot sa kanya ng security officer na si James Simon …
Read More »Bongbong solong nanguna sa SWS
MAKARAAN mangibabaw sa Commission on Elections-sponsored vice presidential debate sa University of Santo Tomas sa Manila, napanatili ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pangunguna sa kanyang mga karibal, nang solong makuha ang top spot sa latest Social Weather Stations (SWS) survey. Sa First Quarter 2016 SWS Survey na isinagawa nitong Marso 30 hanggang Abril 2 gamit ang face-to-face …
Read More »5 suspek sa bebot na inilagay sa drum arestado ng NBI
LIMA ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), kabilang ang tatlong pulis at dalawang sibilyan, habang pinaghahanap ang tatlo pang mga suspek, pawang sangkot sa pagdukot at pagpatay sa isang 50-anyos ginang na natagpuan sa loob ng drum habang nakalutang sa Ilog Pasig sa Ermita, Maynila nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang mga naaresto na sina …
Read More »2 patay, 1 sugatan sa kapwa parak (Sa loob ng police station)
VIGAN CITY – Dalawa ang patay at isa ang sugatan makaraan silang barilin ng kapwa pulis habang kumakain sa loob mismo ng police station sa Poblacion Sigay, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina SPO2 Leborio Dangalen at NUP member Mark Jay Barrientes, habang sugatan si SPO2 Gilbertt Rabang. Natukoy ang suspek na si PO1 Roel Parragas, miyembro …
Read More »Bebot niluray ng 2 holdaper sa taxi
TARGET ng manhunt operation ng mga awtoridad ang taxi driver at kasama niyang holdaper makaraan halinhinang gahasain ang isang 25-anyos babae na itinapon nila sa isang subdibisyon sa Angono, Rizal kamakalawa. Itinago ang biktima sa pangalang Annaliza, 25, finance associate, at nakatira sa Cavite City. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Rogelio San Juan, dakong 5 a.m. nang humingi ng saklolo …
Read More »‘Regalo’ sa Senior Citizens kinupitan ni Malapitan
KUNG sa Lungsod ng Makati ay pinagkakakitaan ang birthday cake para sa matatandang residente, mas masahol umano ang ginagawa ng mga nakaupo ngayon sa Caloocan City sa pangunguna ni Mayor Oscar Malapitan dahil sobrang nilapastangan ang mga nakatatanda matapos pagkakitaan ng mahigit P600 milyon ang birthday gift package na inireregalo sa kanila. Ayon sa Federation of Senior Citizens of Bagong …
Read More »Grace-Chiz ‘di patitinag – Sen. Poe
MULING iginiit ng independent presidential candidate na si Sen. Grace Poe ang matagal nilang pinagsamahan at katapatan ng kanyang katambal sa yumaong si Fernando Poe, Jr., at sa pamilya Poe kasabay ng pahayag na ang kanyang “partnership” at pakikipagkaibigan sa katambal na Sen. Chiz Escudero ay nananatiling matatag sa gitna ng hirap at hamon ng kampanyang sumampa na sa huling …
Read More »Bongbong ‘binugbog’ sa VP debate
TINANGKANG igupo ng mga kalabang vice presidential bets si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pamamagitan ng pagbuhay sa isyung ipinupukol sa kanilang pamilya tungkol sa martial law at ill-gotten wealth sa ginanap na vice presidential debate sa University of Sto. Tomas, kahapon. Tila bola ng ping-pong na pinapasa-pasahan si Bongbong ng kanyang mga katunggaling sina senators Alan Peter Cayetano, …
Read More »Monthly allowance ng pulis, guro ibabalik ni Lim
BUKOD sa mga libreng serbisyo medikal na ibinibigay ng anim na ospital ng Maynila na itinatag sa ilalim ng kanyang termino para sa mahihirap na taga-lungsod, tiniyak din nang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim, ibabalik niya ang buwanang allowances ng mga pulis at guro sa oras na siya ay alkalde na muli. Sa ginanap na …
Read More »Bingbong Crisologo ‘nakalusot’ sa PDAF Scam
KINUWESTIYON ng anti-corruption group ang umano’y kawalan ng aksiyon ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of the Ombudsman sa iba pang personalidad na sangkot sa Pork Barrel Scam. Ayon sa Alliance of Good Governance (AGG), karamihan sa mga sangkot sa pork barrel scam ay tumatakbo ngayon sa halalan, isang hindi magandang batayan at nagpapamalas lang na ang kampanya …
Read More »Palasyo nakiisa sa pagbubunyi sa tagumpay ni Pacman
NAKIISA ang Palasyo sa pagbubunyi ng sambayanang Filipino sa tagumpay ni Pambansang kamao Manny Pacquiao sa pakikipaghamok kay Timothy Bradley kahapon sa Las Vegas. “Manny Pacquiao has done the Filipino nation proud again by winning decisively against Timothy Bradley,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Ikinararangal at nagpapasalamat aniya ang buong bansa dahil muling ipinamalas ni Pacquiao sa buong …
Read More »Tubero todas sa ambush
TODAS ang isang tubero makaraan pagbabarilin ng isang lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ang biktimang si Benjie Escober, 24, ng Block 38, Lot 3, Sabalo St., Brgy. 12 ng nasabing lungsod. Habang patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad upang maaresto …
Read More »Misis minartilyo sa ulo, suspek na mister nabundol (Kapwa kritikal)
CAMP OLIVAS, Pampanga – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang ginang makaraan tatlong beses na hatawin ng martilyo sa ulo ng kanyang selosong mister na malubha rin ang kalagayan nang mabundol ng sasakyan habang papatakas sa Brgy. Sta. Cruz, sa bayan ng San Simon kamakalawa ng umaga. Base sa ulat ni Chief Inspector Jose Charlmar Gundaya, hepe ng San …
Read More »200 pamilya nasunugan sa Quiapo
MAHIGIT 200 pamilya ang nawalan ng bahay makaraan masunog ang Golden Mosque compound sa Quiapo, Maynila nitong Sabado ng gabi. Ang sunog na naganap sa Globo de Oro kanto ng Gunao St. ay umabot sa ikalimang alarma bago na idineklarang fire-out ng mga bombero. Sinabi ni arson investigator SFO4 John Joseph Jaligue, mahigit 100 kabahayan ang natupok sa nasabing sunog. …
Read More »Baby idinamay ng tatay na nagbitay (Nanay bumalik sa unang pamilya)
NAGA CITY – Natagpuang nakabigti ang isang 22-anyos lalaki at kanyang apat buwan gulang na sanggol sa bayan ng Basud, Camarines Norte, kamakalawa. Ayon sa ulat ni Chief Insp. Rojelyn Calandria, hepe ng Basud PNP, iniwan ng live-in partner niya si Don-Don Ebdani, dahil sa problemang pinansiyal. Hindi matanggap ni Ebdani na nakikipaghiwalay sa kanya ang kanyang kinakasama na nagpasyang …
Read More »Beterano ‘di na kukupitan (PNoy nangako sa Araw ng Kagitingan)
TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi na kukupitan ang kanilang mga pensiyon at benepisyong inilalaan sa kanila. Ginawa ni Pangulong Aquino ang pahayag sa paggunita ng Araw ng Kagitingan kahapon sa Mt. Samat, Bataan. Sinabi ng Pangulong Aquino, naayos na nila ang listahan ng mga tunay na beterano at nagkaroon na …
Read More »Japan envoy nakayukong nag-sorry sa war victims
MULING ipinaabot ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa ang paghingi ng paumanhin sa karahasang nagawa sa mga Filipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Bataan kahapon, nakayukong sinabi ni Amb. Ishikawa, buong pagpapakumbaba at taos sa puso ang kanilang paghingi ng paumanhin sa ano mang sakit na naidulot ng kanilang pagsakop sa Filipinas. …
Read More »Ex ni Alma Moreno, driver sugatan sa ambush sa CDO
CAGAYAN DE ORO – Sugatan si Marawi City Mayor Fahad “Pre” Salic, dating asawa ng aktres senatorial candidate na si Alma Moreno, at ang kanyang driver nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan ang kanilang sasakyan sa Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City dakong 2 a.m. nitong Sabado. Si Salic at ang kanyang driver ay lulan ng kanilang sasakyan malapit sa Pryce …
Read More »Killer ng parak sa Bulacan tiklo
NAARESTO ng pulisya ang isang hinihinalang hired killer makaraan ang dalawang taon pagtatago sa isang lugar sa San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Sa ulat mula sa San Miguel PNP na pinamumunuan ni Supt. Joel Estaris, ang suspek ay kinilalang si Rogelio ‘Itching’ Orteza Saycon, nasukol sa kanyang pinaglulunggaan sa Brgy. Labane sa naturang bayan. Nabatid sa ulat, si …
Read More »NAGKAMAY sina congressman Amado Bagatsing at nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo Lim sa ginanap na “Thrilla at UP Manila Round 2” pero desmayado ang nagtaguyod na The Good Neighbor’s Initiative (GNI) dahil hindi sila sinipot ni Erap Estrada nang walang ano mang abiso. ( BONG SON )
Read More »MASAYANG nagpalitan ng balita ang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim at third district candidate for Councilor Maile Atienza, na ngayon ay guest candidate na ng dating alkalde, sa motorcade kamakailan. Nasa likod ni Lim si Marilou Chua na tumatakbo ring konsehal sa tiket ni Lim.
Read More »DINUMOG ng hindi magkamayaw na miyembro ng sibikong organisasyong pangkababaihan si vice presidential candidate at Senador Bongbong Marcos nang magsalita sa ginawang proklamasyon ng lokal na kandidato sa Brgy. UP Village kahapon. ( ALEX MENDOZA )
Read More »