GAYA nang dati, maagang dumating si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa nakatakdang registration at naghintay sa kuwartong para sa kanya sa nakatakbang debate ng mga kandidato para mayor na ginanap nitong nakaraang weekend sa Dela Salle University – College of St. Benilde sa Malate, Maynila. Muling binalewala at hindi sinipot ng pinatalsik na pangulo at sentensiyado sa kasong Plunder …
Read More »Tolentino: ‘Big One’ paghandaan
NANAWAGAN si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa nasyonal at lokal na pamahalaan na paigtingin ang paghahanda sa pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila o tinatawag na ‘Big One,’ kasunod ng nangyaring pagyanig sa Japan at Ecuador kamakailan. “Maigi na tayo’y handa sa ano mang posibleng mangyari dahil ang sakuna o trahedya ay maaaring mangyari ano mang oras,” …
Read More »OIC sa BOC hinagupit (Buwan kung umaksiyon sa mga angkat na produkto)
KINONDENA kahapon ng nagrereklamong mga importer ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs dahil sa obyus umanong pagpapabaya sa kanilang hiling na bilisan ang proseso ng mga angkat na produkto. Sa isang manipesto, tinukoy ng mahigit 100 miyembro ng samahan ng malalaking mangangalakal sa bansa ang umano’y usad-pagong na galaw ng pag-iisyu ng clearance sa Assesment and Operations …
Read More »OFWs alagaan — Chiz (P100-B pondo ipinanata)
BILANG pagkilala sa kontribusyon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pambansang ekonomiya, sinabi ni independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero nitong Lunes na sila ay dapat na pahalagahan ng pamahalaan. Ayon kay Escudero, ang 2.5 milyong overseas contract workers ay nakapag-aambag ng P1.3 trilyon kada taon ngunit wala pang P1 bilyon ang inilalaan ng pamahalaan para sila ay pangalagaan. …
Read More »Bongbong inilaglag si Duterte (Paliwanag ng mayor dinedma ng senador)
TULUYAN nang inilaglag ni vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos si presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte at sinabihang maging sensitibo sa mga biktima ng karahasan matapos ang kontrobesiyal na komento sa Australian lay minister rape victim. Sa panayam kay Marcos, sinabi niya na kailangan maging sensitibo si Duterte lalo sa situwasyon ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen. Aniya, ang …
Read More »Kahirapan Public Enemy No. 1 — Chiz
SA kahirapan nag-ugat lahat ng problema ng bansa at ito ang public enemy number one. Ito ay ayon kay independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero kasabay ng pahayag noong Linggo na ang pagsugpo sa kahirapan ang magiging prayoridad ng gobyernong may puso. “Sa Gobyernong may Puso, ang kalaban po namin, kahirapan, public enemy number one po namin ‘yan,” ayon …
Read More »CCM extension sa 6 distrito gagawin ni Lim (Estudyante hindi na magkokomyut)
MAGKAKAROON na ng extension campus ang Universidad de Manila (dating City College of Manila o CCM) sa bawat distrito ng Maynila upang hindi na kailangan pang mamasahe ang mga nais mag-aral nang libre sa kolehiyo. Ito, ayon sa nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim, ang isa sa kanyang mga pangunahing plano sa oras na makabalik sa City Hall, …
Read More »Bongbong natuwa sa batikos (“May nagawa ako…”)
BINIGYANG-DIIN ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., patunay na mayroon siyang nagagawa at ang kanyang pamilya para sa mga mamamayan at sa bansa sa kanilang paglilingkod kung kaya’t patuloy ang mga negatibo at pagbatikos sa kanya lalo na ngayong kampanyahan. Ayon kay Marcos, hindi siya nagagalit at hindi tinitingnan sa hindi magandang aspeto ang bawat banat at …
Read More »Vote-buying tinabla sa Caloocan (Namigay ng bigas at de-lata)
NAPIPINTONG ma-disqualify si Cong. Enrico “Recom” Echiverri, kandidatong mayor sa Caloocan City, matapos sampahan ng kasong vote-buying o paglabag sa Omnibus Election Code sa piskalya na nakasasakop sa Comelec, ng isang ginang na inabutan ng bigas at de-lata. Sa kanyang sinumpaang salaysay sa piskalya ng Caloocan, inihayag ni Rosita Ordejon, biyuda, ng Kaunlaran Village, Caloocan City, nagsadya umano sa kanyang …
Read More »May the people win – Chiz
“ANG taumbayan ang dapat magwagi sa darating na eleksyon.” Ito ang mariing pahayag ni independent vice presidential candidate Francis Chiz Escudero sa ginanap na debateng inorganisa ng ABS CBN kahapon. Sa simula ng kanyang talumpati, nagpahayag ng kalungkutan si Escudero dahil tila mas masigasig pa ang kanyang mga kapwa kandidato na maghanap ng mga isyung ibabato sa isa’t isa kaysa …
Read More »Lim-Ali una sa PMP Survey
ISA na namang survey na isinagawa sa Maynila ang muling pinangunahan ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim at fifth district Councilor Ali Atienza. Kapuna-puna na ang naturang survey ay nanggaling mismo sa kampo ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) na pinamumunuan ni dating Pangulong Joseph Estrada na kalaban ni Lim sa politika. Ipinakita sa nasabing survey na …
Read More »Bongbong nabahala sa pagnipis ng power supply
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., kandidato bilang bise presidente, sa pagnipis ng power supply sa bansa at hinimok niya ang mga energy official na siguruduhing walang brownout sa araw ng halalan sa May 9 dahil kung mangyayari ito aniya ay magkakaroon ng duda ang mga tao sa resulta ng eleksiyon. Sinabi ito ni Marcos, makaraan …
Read More »3 drug pusher utas sa shootout sa Bulacan
PATAY ang tatlong hinihinalang drug pusher makaraan makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Bulacan Police habang sila ay inaaresto sa Sitio Tabing Ilog, Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Bulacan PNP Director, Senior .Supt. Romeo M. Caramat Jr., ang isa sa tatlong napatay na si Mark Gonzales, alyas Makol, residente sa nabanggit na lugar, may …
Read More »No tsunami threat sa PH Ecuador quake, 77 patay
AGAD pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa posibleng tsunami threat kasunod ng magnitude 7.8 lindol na tumama sa Ecuador. Ayon sa Phivolcs, bagama’t napakalakas ng lindol ay malayo sa Filipinas ang epicenter nito. “No destructive Pacific-wide threat exists based on the historical and tsunami data,” saad ng ahensya. Posible lamang anila na …
Read More »Duterte: Ako dapat mauna sa babaeng nireyp
BUMUHOS ang galit ng mga tao sa isang viral video na nagtatalumpati si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, at ikinukuwento ang isang pagkakataong pinagalitan daw niya ang isang grupo ng kalalakihang nanggahasa sa isang Australianang misyonaryo. Nakita raw ni Duterte na may kamukhang artista sa Hollywood. Sa video, sinabi ni Duterte na: “pu*****na, sayang,” habang nagtatawanan ang mga tao sa …
Read More »P375-M shabu tiklo sa 2 Chinese, 2 Taiwanese
APAT dayuhang drug dealer, pawang Chinese at Taiwanese national, ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs makaraang makompiskahan ng 75 kilo ng shabu na nagkakahalag ng P375 milyon “street value” kahapon ng hapon sa nasabing lungsod. Sa inisyal na ulat, ayon kay Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng DAID, naging katulong nila sa …
Read More »Sanggol, paslit 2 matanda patay sa sunog
APAT ang patay sa sunog na tumupok sa 50 bahay sa E. Santos Street sa Brgy. Palatiw, Pasig City. Kinilala ang mga namatay na sina Fidela Lacia, 60; Enrique Sanchez, isang 4-anyos paslit at kapatid niyang 2-anyos sanggol. Nasa 100 pamilya ang naapektohan ng sunog na sinasabing nagsimula sa bahay ng isang alyas “Kudos” na mabilis kumalat dahil gawa sa …
Read More »Motorcade itinigil ni Lim para makinig sa hinaing ng Manilenyo
KINAILANGAN tumigil ang motorcade ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim sa ikalimang distrito sa Maynila nang magsisugod ang mga residente patungo sa sasakyan niya upang maglabas ng mga hinaing, kasama na ang umano ay sobrang taas na singil per ora nang gumamit sila dati ng sports complex sa lungsod, gayong dati naman itong libre. Karamihan sa mga …
Read More »Suspek sa pagpatay sa 2 bata, adik
ILOILO CITY – Nahaharap sa kasong double murder sa ilalim ng Republic Act 7610 o child abuse ang kasambahay na suspek sa pagpatay sa 11-anyos at siyam taon gulang na mga batang inaalagaan sa San Matias, Dingle, Iloilo. Ayon kay Insp. Marvin Buenavista, sa kabila nang pagsampa na ng kaso sa suspek na si alyas Charity, 17, patuloy pa rin …
Read More »Killer ng misis ni Papa Dom positibo sa ballestic, DNA tests
POSIBLENG madiin sa mga asuntong kinakaharap ang nasakoteng serial rapist na taxi driver nang tumugma ang ballistic at DNA tests sa nakuhang bahid ng dugo mula sa mga naging biktima niya, kabilang ang pagpaslang sa biyuda ng isang musikero, pamamaril at pagholdap sa isang 17-anyos freelance therapist sa Makati City. Ayon kay Makati City Police Homicide Section investigator PO3 Ronaldo Villaranda, ang suspek …
Read More »4,000 disapproved sa local absentee voting
HALOS 4,000 ang disapproved local absentee voters sa darating na halalan. Ayon sa data ng Comelec, ilan sa hindi naaprubahang aplikasyon ay dahil sa kulang na requirements, habang ang iba ay hindi nakaboto sa nakaraang eleksiyon. Una rito, mahigit 28,000 ang nagparehistro bilang local absentee voters na kinabibilangan ng mga guro, pulis, sundalo at media personnel. Posibleng mas mababa pa …
Read More »Politikong gagamit ng 4Ps isumbong (Hikayat ng Palasyo)
HINIKAYAT ng Malacañang ang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magsumbong kay Social Welfare Sec. Dinky Soliman kung ginagamit ang programa sa politika. Una rito, napaulat na ginagamit ng administration party ang mga beneficiary ng 4Ps para marami ang dumalo sa campaign sortie ni presidential candidate Mar Roxas at runningmate niyang si Congw. Leni Robredo. Sinasabing ilan …
Read More »NFA may nakatago naman palang 36,000 MT ng bigas (Kidapawan farmers, ginutom talaga ng Malacañang!)
LABIS ang pagkadesmaya ni Makabayan senatorial candidate Rep. Neri Colmenares sa National Food Authority (NFA) na nagkakaproblema kung paano at kailan ipagbibili ang natitira nitong 2014 rice stocks samantala nagugutom naman ang ating mga kababayang magsasaka sa Kidapawan City, North Cotabato at iba pang lalawigan. “Dapat inatasan ng Malacañang ang NFA na ipamahagi na lamang ang mga bigas. Napakarami palang …
Read More »Kagawad ng barangay pinatay dahil sa kalabaw (Sa Quezon province)
NAGA CITY – Patay ang isang barangay councilor makaraan barilin ng kapwa magsasaka dahil lamang sa kalabaw sa Polilio, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ernie Azul, 38, incumbent barangay councilor. Ayon kay Insp. Jun Balilo ng PNP-Polilio, nakapasok sa lupain ng suspek na si Hizel Azores, 47, ang kalabaw ng biktima kung kaya minabuti niyang dalhin ito sa barangay hall …
Read More »4 Malaysians dinukot sa Tawi-tawi — AFP
KINOMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na apat na Malaysians ang binihag ng mga rebeldeng grupo sa Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi. Ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, dinukot ang crew members ng tugboat sa Pondo Sibugal, bayan ng Sitangkai, Tawi-Tawi province bandang 6:30 p.m. “Accordingly, the four victims all Malaysian nationals and crew of …
Read More »