Sunday , November 24 2024

News

4 bebot nasagip sa hostage taker

APAT kababaihan, kabilang ang isang buntis, ang nasagip ng mga awtoridad sa isang hostage taker sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City nitong Huwebes ng gabi. Napag-alaman, apat oras na binihag ang kababaihan ng suspek na kinilalang si Ruben Azares alyas Boyet, 37-anyos. Ayon sa ulat, dumating sa lungsod ang suspek mula sa Sorsogon upang bisitahin ang kanyang mga kaanak ngunit …

Read More »

Dump truck swak sa bangin, 10 sugatan

BAGUIO CITY – Isinugod sa pagamutan ang 10 katao makaraan mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang mini dump truck sa Baculungan Sur, Buguias, Benguet, kamakalawa. Ayon sa report, binabaybay ng dump truck ang makitid at bako-bakong kalsada nang bigla itong gumuho na naging sanhi upang mahulog ang sasakyan sa naturang bangin na may lalim na 30 metro. Bunsod nito, nasugatan …

Read More »

P600-M/buwan ibinulsa ng sindikato sa PCSO

MAHIGIT kalahating bilyong piso kada buwan ang nawawala sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at napupunta sa bulsa ng sindikato dahil sa korupsiyon. Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakipagsabwatan ang nakaraang administrasyon ng PCSO sa gambling lords para maging prente ng jueteng ang small town lottery (STL) at …

Read More »

Duterte itinuro sa Davao killings (DDS member pinakanta ni De Lima)

HUMARAP sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa extrajudicial killings sa bansa, ang isang miyembro ng sinasabing Davao Death Squad (DDS) na nagpakilalang isang Edgar Matobato. Ayon kay Matobato, nagsimula sila sa grupo na pito lang at ang tawag sa kanila noon ay “Lambada Boys.” Ang trabaho aniya nila ay pumatay ng tao partikular ng mga kriminal. Sinabi ni Matobato, …

Read More »

De Lima binalak ipa-ambush ni Duterte — Witness

INIHAYAG ng nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad, sa imbestigasyon ng Senado sa extrajudicial killings sa bansa kahapon, binalak noon ni Davao City Mayor Duterte na tambangan ang grupo ng Human Rights na pinamunuan ni Sen. Leila de Lima, na nag-imbestiga noong 2009 kaugnay sa sinasabing vigilante group na DDS. Ngunit ayon kay Edgar Matobato, hindi nakarating ang grupo ni …

Read More »

Testimonya ni Matobato kasinungalingan — DoJ

PAWANG kasinungalingan ang mga testimonya ni Edgar Matobato sa pagdinig sa Senado kahapon. Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre makaraan idetalye ni Matobato ang kanyang mga nalalaman kaugnay sa naganap na mga pagpatay na iniuugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa ilalim ng Davao Death Squad. Paliwanag ni Aguirre, dati nang nasa Witness Protection Program ng DoJ si Matobato …

Read More »

NFA employees nanawagan kay Duterte (Sa planong pagbuwag sa ahensiya)

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tauhan ng National Food Authority-Northern District Office (NFA-NDO) na huwag tuluyang buwagin o bawasan ng trabaho ang ahensiya dahil sa naipong utang nito. Sa isang panayam makaraang mag-courtesy call sa kanya ang mga bagong halal na opisyal ng Camanava Press Corps, sinabi ni NFA-NDO Manager Jaime Hadlocon na kaya naipon ang utang ng …

Read More »

P171.14-B infra projects aprub kay Duterte

neda infrastructure

UMABOT sa P171.14 bilyong halaga ng mga proyekto ang inaprobahan sa unang National Economic and Development Authority (NEDA) sa ilalim ng administrasyong Duterte. “Once implemented and completed, these approved projects will help attain our medium and long-term development goals of making the agricultural sector competitive, improving mobility by making our transport system safer and more efficient, increasing disaster resiliency, and …

Read More »

5 artista tinitiktikan ng PNP sa droga

ISINASAILALIM na sa surveillance ng pambansang pulisya ang limang showbiz personality na iniuugnay sa operasyon ng ilegal na droga. Ayon kay PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) Director, Sr. Supt. Albert Ferro, alam na ng PNP ang ilegal na gawain ng mga artistang mga drug user at pusher. Kaya nananawagan ang PNP sa nasabing mga artista na sa lalong panahon ay …

Read More »

PNP ‘di kombinsido sa drug test ng celebrities

Drug test

HINDI kombinsido ang PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) sa sariling drug test ng ilang talent agency sa kanilang mga artista. Ito ay makaraan isapubliko ng ilang talent agency na negatibo sa ilegal na droga ang mga showbiz personality na hawak nila. Ayon kay PNP-AIDG director, Senior Supt. Albert Ferro, paano nila paniniwalaan ang resulta ng mga drug test na inilalabas …

Read More »

4 konsehal, 2 ex-konsi ng Maynila inireklamo dahil sa pangongotong

INIREREKLAMO ng grupo ng mga negosyante ang apat na konsehal ng Maynila at dalawa pang dating konsehal na umiikot sa mga establisimiyento at humihingi ng ‘linggohan’ kapalit ng proteksiyon at  kalayaan na makapagnegosyo sa Lungsod. Ipinagmamalaki umano ng mga konsehal na mayroon silang malakas na koneksiyon sa city hall officials at binabantaan ang mga negosyante na hindi magbibigay sa kanila …

Read More »

Pulis binaril ng suspek sa paglalagay ng lason sa water source (Sa Nueva Vizcaya)

gun shot

CAUAYAN CITY, Isabela – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang hepe ng Ambaguio Police Station sa Nueva Vizcaya makaraan barilin ng isang magsasaka na sinasabing naglalagay ng nakalalasong substance sa water source ng mga residente sa Labang, Ambaguio. Sinabi ni Senior Supt. Leumar Abugan, provincial director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), dakong 11:00 pm kamakalawa nang tumugon sa …

Read More »

5 todas sa death squad sa Caloocan

dead gun police

PATAY ang limang lalaking hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalalang mga miyembro ng Caloocan Death Squad (CDS) sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Tala Hospital si Richard Genova, 31, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa harap ng kanilang bahay sa 1643 CDY Barracks, Tala, Brgy. 186 dakong 8:00 pm kamakalawa. Dakong …

Read More »

Entrep fair idinaos sa GNHS

MATAGUMPAY ang isinagawang Entrep Fair kamakalawa, Setyembre 14, 2016 sa Gallanosa National High School sa Irosin, Sorsogon. Sa nasabing okasyon ay iba’t ibang produkto ang mga ginawa at ipinagbili ng mga estudyante mula sa STEM 1, STEM 2, ABM 1, ABM 2 at BPP ng nasabing paaralan. Layunin ng aktibidad na makalikha ang mga estudyante ng mga produktong gawa sa …

Read More »

2 lola pinatay ng on-call driver

  NATAGPUANG patay sa loob ng kanilang bahay ang magkapatid na lola sa Talisay, Negros Occidental kamakalawa. Ito’y nang mag-alala ang labandera ng mga biktima nang walang magbukas sa gate nang siya ay kumakatok. Nagpasya siyang akyatin ang gate ng bahay at nakitang nakahandusay sa loob sina Isabel at Celestina Laudio, 85 at 87 anyos. Walang sugat ang dalawa kaya …

Read More »

MAHIGPIT ang ipinatutupad na inspeksiyon ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), Bureau of Permits, at MPD-MASA upang matiyak na maiwasan ang ano mang kaguluhan, para masiguro ang kalusugan ng mga empleyado partikular ang kababaihan, at maiwasan ang posibleng extra services. (BRIAN BILASANO)

Read More »

Energy plant inabsuwelto ng PNoy admin sa P7-B tax

UMPISA na nang paglalantad sa ‘baho’ ng administrasyong Aquino. Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaduda-dudang patakaran ng administrasyong Aquino na nagbigay pabor sa mga dambuhalang negosyante at naging dehado ang gobyerno. Tinukoy ng Pangulo ang pag-absuwelto ng administrasyong Aquino sa pagbabayad ng buwis ng isang kompanyang sangkot sa pagpapatakbo ng energy plant. Ayon kay Duterte, dapat ay may pitong …

Read More »

Tatad: Walang personal na agenda si Marcos nang ideklara ang Martial Law

TANGING ang estado ang responsable sa pagdedeklara ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos ng Martial Law, ani Kit Tatad, public information minister ng administrasyong Marcos. Bunsod ang pahayag ni Tatad ng panawagan ni Danilo Dela Fuente, isang “human rights victim” noong Marcos admin na kasalukuyang nagsusulong ng petisyon kontra pagbibigay kay Marcos ng hero’s burial, na matugunan ang R.A. 10368 o …

Read More »

Digong ‘wag padalos-dalos — Enrile, Tatad

PINAYUHAN nina dating Senador Juan Ponce Enrile at Francisco ‘Kit’ Tatad si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralang mabuti ang usapin ng territorial dispute sa West Philippine (o South China) Sea bago magbitaw ng mga kataga ukol sa isyu para matiyak na ang magiging desisyon dito ay para sa kapakanan ng sambayanan. Ito ang naging reaksiyon ng dalawang dating mambabatas nang …

Read More »

Kaklase itinalaga ni Duterte sa JBC

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong miyembro ng Judicial and Bar Council ang kaklase niya na nagbasura sa mga kaso ng anak ni dating Communist Party of the Philippines (CPP) Gregorio “Ka Roger” Rosal. Sa transmittal letter ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ipinaalam ang nominasyon ng Pangulo kay retired Pasig Regional Trial Court …

Read More »

P7.5-M ecstacy drugs nakompiska

MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tangkang pagpuslit ng 5,000 piraso ng ecstacy tablet sa lungsod ng Maynila gayondin ang amphetamine na pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu. Sa pagtaya ng mga imbestigador, nasa P7.5 milyon ang halaga nang naharang na mga droga. Napag-alaman, idinaan ang mga kontrabando sa Central Post Office at idineklarang mga laruan. Ilan sa mga tableta …

Read More »

3rd narco list maraming pulis — Duterte

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, mga pulis ang karamihan sa mga nasa ikatlo at pinal na listahan ng mga sangkot sa illegal drug trade sa bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte, medyo makapal-kapal ang hawak niyang listahan na katatapos lamang ma-validate. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya makapaniwalang sa kabila nang pinalakas na kampanya ay marami pang mga pulis ang nakikipagsabwatan …

Read More »

Ferdie bumagal, Gener palapit sa PH

BAHAGYANG bumagal ang takbo ng bagyong Ferdie habang papalabas sa karagatang sakop ng Filipinas. Ayon sa PAGASA, mula sa 22 kph kahapon ay naging 20 kph na lang ito habang patungo sa kanluran hilagang kanlurang direksiyon. Huli itong namataan sa 150 km hilagang kanluran ng Basco, Batanes. Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 220 kph malapit sa …

Read More »