SWAK sa kulungan ang isang security guard makaraan halayin ang isang 15-anyos dalagitang pipi’t bingi sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza, ang suspek na si Ricardo Dugan, Jr., 22, tubong San Jose, Camarines Sur, at pansamantalang nanunuluyan sa Romano Compound, Service Road, Brgy. Parada, ng nasa-bing lungsod. Sa imbestigasyon ng Valenzuela …
Read More »Tsekwa tiklo sa Oplan Tugis
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang negosyanteng Chinese national, sa inilunsad na Oplan Tugis sa Binondo, Maynila, kamakalawa. Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Manila Police District (MPD) director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, naaresto ang suspek na si Susan Ang, 34, residente sa 612 Elcano St., Binondo, Maynila, dakong 9:30 am sa ikinasang Oplan Tugis, sa pangu-nguna …
Read More »2 drug surrenderee arestado sa shabu
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga operatiba ng Macabebe Police Anti-Drugs Enforcement Unit, ang dalawang drug surrenderee, na bumalik sa pagtutulak ng ilegal na droga. Naaresto ng mga awtoridad sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3), ang mga suspek na sina Marjun Yanga y Mallari, 35, at Bryan Christian Bernabe y Isip, nasakote sa Brgy. Caduang …
Read More »PCSO at PNP magkatuwang sa pagsugpo ng ilegal na sugal
NASIBAK sa puwesto ang tatlong pulis mula sa Police Regional Office 7 (PRO 7) dahil sa pagkakasangkot ng sa ilegal na sugal sa rehiyon. Kinilala ang mga nasibak sa puwesto na sina P/Supt. Joel Quintero, P/Supt. Nicomedes Olaivar, Jr., at SPO4 Clarito Aparicio, na kinilala ng Authorized Agent Corporation (AAC) na nagpapatakbo ng Small Town Lottery ng Philippine Charity Sweepstakes …
Read More »Holdaper sa bus patay off-duty cop (2 suspek arestado sa QC)
BINARIL at napatay ng isang off-duty cop ang isang holdaper sa loob ng bus sa EDSA, Quezon City, kahapon ng umaga. Sinabi ni PO2 Joselito Lantano, nakasuot ng civilian clothes, binaril niya ang suspek nang magpaputok ng baril, makaraan magdeklara ng hol-dap habang patungo sa Quezon Avenue flyover ang bus dakong 3:00 am. Makaraan mapatay ang holdaper, hinanap ni Lantano …
Read More »OT pay sa BI officers hinarang sa Cabinet meeting — Aguirre
AMINADO si Justice Sec. Vitaliano Aguirre, walang napala ang kanyang pagdulog sa Cabinet kamakalawa ng gabi, para mabayaran ang hindi naibibigay na overtime pay ng immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Magugunitang 30 immigration officers na ang nagbitiw habang nasa 50 ang naka-leave sa trabaho dahil sa hindi naibibigay na overtime pay. Sinabi kahapon ni Sec. Aguirre, nanindigan …
Read More »Sueno sinibak sa gabinete
“YOU’RE fired.” Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior Secretary Ismael “Mike” Sueno nang magkaharap sila bago magsimula ang cabinet meeting kamakalawa ng gabi sa Palasyo. Sa kanyang talumpati sa okasyon sa MMDA kagabi, ikinuwento ng Pangulo na naubos ang pasensiya niya kay Sueno nang sagutin siya na hindi binasa ang legal opinion ng DILG legal officer tungkol …
Read More »Agaw-bahay ng kadamay tagumpay (Digong bumigay)
PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo, ipaubaya na lang sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), ang mga inagaw sa kanilang pabahay ng gobyerno. “Meron lang po akong pakiusap. This ruckus in Bulacan e parang inagaw ng mga kapwa nating Fi-lipino na mahirap rin. I will look into the matter seriously and I will …
Read More »TADECO sa DoJ probe aprub sa Palasyo (Deal sa Bureau of Corrections)
SUPORTADO ng Ma-lacañang ang hakbang ng Department of Justice (DoJ) na magsagawa ng review at imbes-tigasyon kaugnay sa kuwestiyonableng kontrata ng Bureau of Corrections (BuCor) at ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) na pagmamay-ari ni Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo, Jr. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakarating na sa tanggapan ng DoJ ang mga katanungan …
Read More »Divorce isama sa priority bills (Sa ethics complaint vs Alvarez)
HINIMOK ng Gabriela party-list si House Speaker Pantaleon Alvarez, na isama ang divorce sa priority measures ng Duterte administration. Panawagan ito ng Gabriela sa gitna nang pagkokonsidera nila ng paghahain ng ethics complaint laban kay Speaker Alvarez, dahil sa kanyang extramarital affair. Iginiit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kailangan maisama sa priority bills ng Kamara ang divorce dahil “isa …
Read More »3 Koreano arestado sa CIDG (Wanted sa Interpol)
ARESTADO ng mga operatiba ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU), ang tatlong wanted na Koreano, na matagal nang pinaghahanap sa South Korea. Kinilala ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ang naarestong suspek na si Yong Ho Jeon, wanted sa Jeonju District Court, dahil sa kasong fraud. Nakapanloko si Jeon ng nagkakahalaga ng 5.6 bilyon Korean won, mula sa …
Read More »Mag-asawa, 5 bata iginapos ng kawatan (Sa Isabela)
CAUAYAN CITY – Nagdulot nang matin-ding takot at trauma sa limang bata ang pagtutok ng baril at pagkulong sa kanila sa isang kuwarto, ng armadong mga lalaki na nanloob sa bahay ng mag-asawang negosyante sa Sta. Felomena, San Mariano, Isabela, kamakalawa. Sa imbestigasyon ng San Mariano Police Station, pumasok ang apat armadong lalaki sa bahay ng mag-asawang Ricardo at Angelina …
Read More »3 katao pinasok sa bahay, pinatay (1 sugatan)
PATAY ang isang 58-anyos biyuda, kanyang live-in partner, at anak na lalaki, habang sugatan ang 5-anyos apo, makaraan pasukin at pagbabarilin sa kanilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sa insidente si Wilma Liwanag alyas Ada, anak niyang si Aries, 31, at live-in partner niyang si alyas Boy, 60, bunsod ng mga tama ng bala …
Read More »Seguridad, ekonomiya tagilid sa mass leave ng BI employees
BINIGYANG-DIIN ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, kailangang mabigyan nang agarang aksiyon ang bantang mass leave ng mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI). Nag-ugat ang banta ng mga kawani ng BI sa hindi pagbibigay ng overtime pay sa kanila noon pang buwan ng Enero. Ayon kay Aguirre, malaki ang magiging epekto sa national security at sa ekonomiya ng bansa …
Read More »Mandatory mil service ibabalik (Pumukaw ng nasyonalismo)
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mandatory military service sa Filipinas, u-pang ang bawat mamamayan ay magkaroon ng tsansang magsilbi sa Inang Bayan, at ipagtanggol laban sa manlulupig. Kapag obligado aniya sumailalim sa pagsasanay militar, nagkakaron ng disiplina ang mamamayan kasabay nang pagpukaw sa nasyonalismo o pagmamahal sa sariling bayan. “Dapat ibalik talaga ‘yung mandatory. I’ll make it …
Read More »NDFP ‘pag kumalas air strike itatapat (‘Giving all’ sa peace talks kondisyon ni Duterte)
HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na iutos sa militar na maglunsad ng air strikes sa mga kuta ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kapag mu-ling bumagsak ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). “I will utilize the air assets. Before it was not really a popular, well, choice, option kasi… But this …
Read More »DoJ kumasa na; Fact finding vs P25-B Banana scam inilarga
HAWAK na ng Department of Justice (DOJ) ang nilalaman ng joint venture agreement sa pagitan ng banana exporter na Tagum Agricultural Development Co. Inc. (Tadeco) at Bureau of Corrections (Bucor) sa long-term lease sa 5,308- ektaryang ari-arian sa Davao Penal Colony. Ito ay kasunod ng paghingi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng legal opinyon sa DOJ sa nasabing usapin. “Natanggap …
Read More »Layas sa public plaza (Burikak, holdaper, adik, illegal terminal) — Duterte
PARA sa mga nilalang na may paggalang sa batas ang mga pampublikong liwasan o plaza kaya’t bilang na ang araw ng mga burikak, drug addicts, holdaper, snatcher at protector ng illegal terminal na umiistambay sa nasabing pampublikong lugar. Ito ang sinabi ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga batang may edad 4-anyos pa-taas na mga miyembro ng Kids’ at Boys …
Read More »Digong ‘di konsintidor sa kaliwete (Kahit siya’y chick boy)
HINDI kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangaliwa o pagtataksil sa asawa kahit maituturing ng publiko na siya ay chick boy. Pinatotohanan ni Justice Undersecretary Aimee Neri ang pagiging protektor sa karapatan ng kababaihan ni Pangulong Duterte, no-ong alkalde pa ng Davao City, siya mismo ang nagpursige na sampa-han ng kaso ang mga lalaking lumalabag sa Republic Act 9262 o …
Read More »Noynoy arestohin (Sa war crimes, crimes against humanity, HRVs) — NDF
ARESTOHIN si dating Pangulong Benigno “Noy” Aquino III, at iba pang dating matataas na opisyal ng kanyang gobyerno sa mga kasong war crimes, crimes against humanity at mga seryosong paglabag sa international humanitarian law at human rights law. Ito ang naging hatol ng People’s Court ng National Democratic Front- Southern Mindanao Region (NDF-SMR) kina Aquino, North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, …
Read More »VACC kay Duterte: Palyadong deal ng Tadeco-BuCor rebyuhin, ayusin
HINIKAYAT ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang administrasyong Duterte na rebisahin at pag-aralan ang nilalaman ng joint venture agreement sa pagitan ng banana exporter na Tagum Agricultural Development Co. Inc. (Tadeco) at Bureau of Corrections (Bucor) sa long-term lease sa 5,308- ektaryang ari-arian sa Davao Penal Colony. Sinabi ni VACC founding chair Dante Jimenez na luging-lugi ang gobyerno …
Read More »e-Passport printing sa APO-PU UGEC kanselahin
IPINATITIGIL ng Palasyo ang iregular na operasyon ng nag-iimprenta ng mga pasaporte sa ilalim ng government-controlled APO-Productivity Unit Inc. – Production Unit (APO-PU) sa pribadong kompanyang United Graphic Expression Corp. (UGEC). Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang sapat na kakayahan ang UGEC para mag-imprenta ng electronic passport base sa pinasok nitong joint venture agreement (JVA) sa APO-PU. …
Read More »Hukom sinibak ng Supreme Court (10 akusado sa hazing idinismis)
SINIBAK ng Supreme Court ang isang hukom, na nagdismis sa hazing case laban sa 10 akusado, kaugnay sa pagkamatay ng law student ng San Beda College na si Marc Andrei Marcos. Sa botong 12-0, pinatawan ng Supreme Court En Banc ng dismissal si Judge Perla Cabrera-Faller makaraan mapatunayang guilty sa kasong “gross ignorance of the law” at paglabag sa ilang …
Read More »Kulong ni Digong laya kay Leila (Sa palit-ulo ng EU)
SOCORRO, Mindoro Oriental – Tinawag na bulok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ng European Union (EU) dahil isinusulong na makulong siya bunsod ng umano’y extrajudicial killings (EJKs) sa drug war at palayain si Senator Leila de Lima na nahaharap sa kasong drug trafficking. “Itong mga puti, bulok talaga, ako pa ang i-pakukulong, gusto ipa-release si De Lima,” anang Pangulo …
Read More »Lopez vs Dominguez umiigting (Gabinete ni Digong labo-labo)
LABO-LABO ang mga opisyal sa administras-yong Duterte dahil sa namumuong gusot sa hanay nila dahil sa iba’t ibang isyu. Kabilang dito sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez at Finance Secretary Sonny Dominguez na nagkakainitan dahil sa umano’y pakikialam ng huli sa DENR. Kaya naman nagbabala na si Secretary Lopez kay Secretary Dominguez sa ginagawang panghihimasok …
Read More »