Thursday , October 28 2021

17 Chinese nat’l timbog sa pekeng yosi

ARESTADO ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BoC) ang 17 Chinese national dahil sa umano’y paggawa ng pekeng sigarilyo sa isang warehouse sa Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, nakom­piska sa operasyon ng BoC noong 17 Agosto ang mga pekeng sigarilyo ng iba’t ibang brands, anim na cigarette-making ma­chines, raw materials para sa sigarilyo, at pekeng Bureau of Internal Revenue (BIR) tax stamps na nakalagay sa loob ng tatlong kahon.

Ayon kay Enforce­ment and Security Ser­vices (ESS) Director Yogi Ruiz, ang tinatayang market value ng kompiskadong mga sigarilyo, tax stamps at makina ay aabot sa P200 milyon.

Sinabi ni BoC Com­mis­sioner Isidro Lapeña, ang warehouse ay isina­ilalim nila sa tatlong ling­gong surveillance maka­raan makatanggap ng tip mula sa isang reliable source na gumagawa ng pekeng sigarilyo roon.

“We are still con­ducting follow-up inves­tigation to confirm the identities of the suspects and the origin of the raw materials and cigarette-making machine,” ayon kay Lapeña, idinagdag na ang mga suspek, kabilang ang anim lalaki at isang babae, ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

“The owner still have 15 days from the date of inspection to produce evidence of payment on the imported items, otherwise, a warrant of seizure and detention will be issued by the Bureau,” dagdag niya.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 155, 155.1 in relation to Section 170 ng Republic Act No. 8293 o “An Act Pre­scribing The Intellectual Property Code And Establishing The Intel­lectual Property Office, Providing For Its Powers And Functions, And For Other Purposes.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Lebanon Philippine Embassy Beirut

Hikayat ng PH Embassy sa Lebanon
LIBRENG BAKUNA DAPAT SAMANTALAHIN NG OFWs

HINIKAYAT ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Filipino na samantalahin ang programa ng International …

Covid-19 Vaccine Fake news

‘Fake news’ vs bakuna pananagutin — NCRPO

NAGBABALA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lahat ng mga nagpapakalat ng ‘fake …

Valenzuela BikeCINATION

May kasamang livelihood assistance
56 VALENZUELANO NAKATANGGAP NG LIBRENG BISIKLETA

INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment – …

Sa Kankaloo
LOLANG KOBRADOR, 2 PA ARESTADO SA LOTTENG

ISANG 62-anyos lola ang inaresto, kabilang ang dalawa pang katao sa magkahiwalay na anti-illegal gambling …

Habang naghahapunan
RETIRADONG SUNDALO INUTAS SA ISANG BALA

ISANG bala ang tumapos sa buhay ng isang retiradong sundalo nang barilin ng hindi kilalang …

Leave a Reply