NAGMISTULANG bids and awards committee (BAC) ng gobyerno ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamumuno ni Secretary Benjamin Diokno nang isalang sa bidding nito ang P198-bilyong proyekto ngayong taon. Ayon kay Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang mga proyektong ito’y bahagi ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. Sumingaw ang anomalya sa pagdinig ng House committee on rules …
Read More »Ambush sa politiko ugat ng pagsibak sa Bacolod PNP officials
IT’S a strange behavior. Ito ang obserbasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdadala sa ospital ng hepe ng Bacolod City Police na si S/Supt. Francis Ebreo sa isang local politician at kanyang misis na tinambangan sa siyudad noong nakaraang buwan. Sa ambush interview kahapon, iginiit ng Pangulo na isang dekada na ang nakalilipas ay nasa listahan na umano ng Philippine …
Read More »Razorback drummer, doctor, 1 pa nag-suicide
TATLONG suicide na kinasasangkutan ng isang celebrity musician, babaeng doktor at isang dayuhang Taiwanese ang naitala ng pulisya kahapon sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Taguig. Unang pumutok sa social media ang pinaniniwalaang pagpapakamaty ni Razorback drummer Brian Velasco nang mapanood ang selfie video na mismong ang biktima umano ang nag-post. Sa video post sa social media, na agad …
Read More »Umali bros, 3 opisyal bawal kumandidato (Omb decision dapat ipatupad ng Comelec)
NUEVA ECIJA — Tablado ang tangkang pagbabalik-politika ni ex-governor Aurelio “Oyie” Umali sa Nueva Ecija matapos hatulan ng Office of the Ombudsman ng perpetual disqualification dahil sa multi-million Priority Development and Assistance Fund (PDAF) scam. Naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) noong 26 Nobyembre 2018 si Virgilio Bote, kandidato sa pagka-gobernador ng Nueva Ecija, upang hilinging ibasura ang …
Read More »Digong kabado sa alyansa ng simbahan at sambayanan
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapigilan ang Simbahang Katolika na makipag-ugnayan sa sambayanang Filipino para tuldukan ang kanyang malupit at uhaw sa dugong rehimen kaya walang humpay na inaatake ang Simbahan. Ito ang pahayag ni Fr. Santiago Salas, pinuno ng National Democratic Front –Eastern Visayas, kaugnay sa patuloy na pagbatikos sa simbahang Katolika. “The GRP president’s attacks against the …
Read More »Casiguran ‘di kasama sa P51-B ‘insertions’
HINDI kasama ang Casiguran, Sorsogon sa P51 bilyong ‘insertions’ sa panukalang 2019 budget kung pagbabatayan ang talaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Salungat ito sa sinasabi ni Majority Leader Rolando Andaya na umano’y pinaboran ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang Casiguran, Sorsogon sa P51-bilyong ‘insertions’ sa panukalang 2019 budget. “His (Andaya’s) accusations are illusory. The numbers are …
Read More »Nagpulot-gata sa Maldives ‘inangkin’ ng dagat (Mag-asawang nurse na high school sweethearts)
TRAHEDYA ang kinauwian ng pag-ibig ng mag-asawang overseas Filipino workers (OFWs) na piniling magpulot-gata sa Maldives matapos ang kanilang kasal dalawang linggo na ang nakararaan. Kinilala ang mag-asawang high school sweethearts na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla na ikinasal bago matapos ang taong 2018 Ayon sa mga kaanak at kaibigan, high school sweethearts at 10 taong naging magkasintahan ang …
Read More »Road board ‘bubuwagin’
INATASAN ni Senate President Vicente Tito Sotto III si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na makipagpulong kay House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. Ito ay para iparating ang stand ng senado na ini-adopt na nila ang panukala ng house na buwagin na ang road board. Sinabi ni Sotto na ‘yun ang napagkasunduan nila sa isinagawang all senators caucus ukol …
Read More »Negosyante sa India may 2,000 anak na babae
AYON sa negosyanteng Mahesh Savani ng Surat, mayroon siyang 2,000 anak na babae — aba’y kung totoo ito, tunay ngang sinuwerte siya dahil hanggang ngayon ay tumataas pa ang bilang ng kanyang mga anak. Pinaghahandaan ni Mahesh ang mass wedding ng mga kababaihan na walang mga magulang o walang nag-aaruga sa kanila. Sa katunayan, napapabalita siya sa pangunahing balitaan sa …
Read More »15-anyos sinaksak sa leeg
SA hindi malamang dahilan, sinaksak sa leeg ang isang 15-anyos na lalaki ng isang suspek sa Makati City, Sabado ng gabi. Ginagamot sa Ospital ng Makati (OsMak) ang 15-anyos na menor de edad biktima, sanhi ng isang saksak sa kanang leeg. Pinaghahanap ng Makati City Police ang suspek na kinilalang si Mark Ian Hidalgo, alyas Yaya, nasa hustong gulang, residente …
Read More »Bahay ng pulis sa Camp Bagong Diwa pinasok ng kawatan
NABIKTIMA ang isang pulis ng hindi pa kilalang kawatan matapos pasukin ang kanyang tirahan sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si PO3 Roy Guiyab, 32, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at nakatalaga sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng Southern Police District (SPD). Ayon sa ulat ng SPD, …
Read More »2 bebot, 2 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan
APAT katao kabilang ang dalawang babae ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit head PCI Rengie Deimos, dakong 11:30 pm nang ikasa ng pinag-samang operatiba ng SDEU at PCP-7 sa pangunguna ni PSI Geraldson Rivera ang buy-bust operation kontra sa umano’y tulak ng droga na …
Read More »Villafuerte gustong patalsikin si Andaya
NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte (NP) ng agarang pagpapatalsik sa puwesto kay House majority leader Rolando Andaya, Jr., sa ginawang lantarang pag-atake kay Budget Secretary Benjamin Diokno na maituturing umanong direktang pag-atake kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong Lunes, muling magbubukas ang sesyon ng dalawang kapulungan ng kongreso at sinabing huhusgahan ang kapalaran ni Andaya na umano’y dumarami …
Read More »Angara humingi ng tulong para sa magsasaka (Sa nabulok na gulay at iba pang ani)
NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa administrasyon na agad aksiyonan ang peligrong kinakaharap ngayon ng mga magsasakang nalugi dahil sa sumobrang ani. Ayon sa senador, sa mga ganitong suliranin, nararapat na may nakahandang ayuda ang pamahalaan na makatutulong sa mga magsasaka sa mahabang panahon. “Hindi lang pagpapautang ang dapat na naitutulong ng gobyerno sa mga apektado nating magsasaka. Hindi ito …
Read More »P.3-M nadale ng salisi gang
TINATAYANG aabot sa P300,000 ang nakulimbat ng isang babaeng miyembro ng umano’y Salisi Gang, mga tseke, mamahaling gamit, cash, gadget at iba pa sa isang negosyante sa loob ng clinic sa Muntinlupa City, Sabado ng hapon. Halos manlumo nang dumulog sa himpilan ng Muntinlupa City Police ang biktima na kinilalang si Suzette Lavin, 44, upang ireklamo ang nangyaring pagnanakaw. Patuloy …
Read More »Tiniyak ni Arroyo: 2019 Budget ipapasa ng Kamara
NANGAKO si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na maipapasa ng Kamara ang panukalang pambansang budget sa lalong madaling panahon sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw. Ayon kay Arroyo nakikipagkonsulta ang liderato ng Kamara sa Senado at maghihintay na lamang sila sa pagpasa ng 2019 P3.757-trilyones na budget. “We do (talk with senators), but we just let them do their own timetable. …
Read More »Marathon hearing tiniyak ni Legarda para sa 2019 budget
TINIYAK ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda na prayoridad ng senado sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw Lunes, 14 Enero, ang pagpasa sa lalong madaling panahon ng 2019 proposed national budget na nabigong maiapasa noong Disyembre dahil sa umano’y kakapusan ng panahon kaya re-enacted ang budget ngayong buwan ng Enero. Ayon kay Legarda, hindi niya sasayangin ang pagsasagawa …
Read More »Kamara bantay-sarado sa proyekto ng gobyeno
PAGKATAPOS tuparin ang legislative agenda ni Pangulong Duterte, pagtutuunan ng pansin ngayon ng Kamara ang mga batas na dapat ipatupad at ang mga proyektong nakabinbin. “We already finished the legislative agenda that President Duterte asked for in his SONA (State of the Nation Address last July 23). So now we will spend more time on oversight, because there are laws …
Read More »77-anyos stroke-patient na lola ginahasa ng hayok na kapitbahay
KATARUNGAN ang hinihingi ng pamilya ng isang matandang babae matapos gahasain ng kapitbahay sa Brgy. Pritil, Guiguinto, Bulacan. Batay sa ulat ng Guiguinto police, ang suspek na kanilang inaresto ay kinilalang si Roque Maxie dela Cruz alyas Ogie, 44-anyos, na inireklamo ng panggagahasa sa isang 77-anyos na lola. Ayon sa pahayag ng biktima, naalimpungatan siya sa pagtulog nang maramdamang umangat …
Read More »Bacolod COP sinibak ni Duterte (Sangkot sa ilegal na droga)
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng pulisya sa Bacolod City dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs. “I’d like to know if the chief of police is here. If you are here kindly stand up because you are fired as of this moment,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa L’Fisher Hotel sa Bacolod City kamakalawa. “In your involvement in …
Read More »Deguito ng RCBC 7-taon kulong sa money laundering
APAT hanggang pitong taong pagkakakulong ang inihatol ng Makati City Regional Trial Court (RTC) sa dating RCBC Jupiter branch manager sa kasong money laundering kahapon ng umaga sa lungsod. Sa 26-pahinang desisyon ni Makati RTC Judge Cesar Untalan ng Branch 149, si Maia Santos-Deguito, nasa hustong, dating RCBC manager ay may sapat na basehan para idiin sa kaso sa walong …
Read More »Pekeng enforcer kalaboso sa Pasay
INIREKLAMO ng pangongotong ang 57-anyos lalaki na nagpanggap na traffic enforcer ng isang rider na hinihingan ng lagay kapalit ng hindi umano pag-iisyu ng tiket sa ginawang vilotation ng biktima sa Pasay City kahapon ng umaga. Sa report na natanggap ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, ang hinuling suspek ay kinilalang si Marcelo Frias, taga-Pilapil St., Bangkusay, Tondo Maynila. …
Read More »‘Red flags’ sa flood control scam ‘kumaway’ na sa Ombudsman
PUMASOK na ang Ombudsman sa isyu ng flood control scam at sa kasalukuyan ay kumakalap na ng mga dokumento patungkol dito. Ayon kay Majority leader Rolando Andaya, ang field investigators ng Ombudsman ay humingi na ng kopya ng mga dokumento at testimonya ng mga resource persons sa pagdinig noong 3 Enero sa Naga City. Aniya mukhang nakahalata na ang Office …
Read More »‘Kidnap-torture joke’ ni Digong vs COA nagpahina sa laban vs korupsiyon — Solon
ANG mga biro ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Commission on Audit (COA) ay senyales ng kanyang pang-aaba sa pananagutan gayondin sa checks and balances. Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin mistulang ibinasura ng pangulo ang kanyang kampanya laban sa korupsiyon dahil sa mga kagayang patutsada. “The joke will be on all of us Filipinos if we don’t call …
Read More »Kidnap-torture sa COA officials biro lang — Palasyo
NAUNA rito inilinawng Palasyo na ‘biro’ lang ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaki-kidnap niya at ipato-torture ang mga taga-Commission on Audit (COA). Binanggit ito ng Pangulo sa harap ng libo-libong punong barangays, kagawad, mga alkalde at iba pang bisita sa ginawang Barangay Summit for Peace and Order sa Pasay city, na sinundan ng malakas na tawanan ng audience. Sinabi ni …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com