BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa bayan ng Toboso, lalawigan ng Negros Occidental nitong Miyerkoles, 8 Mayo. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Welmar Tapang, 23 anyos. Ayon kay P/Maj. Jun Ray Batadlan, hepe ng Toboso MPS, katatapos magpaligo ng kanyang anak ni Tapang nang maisipang palitan ang pundidong bombilya …
Read More »
Sa Pangasinan
LOLO NATUPOK SA SARILING SIGA, PATAY
HINDI sinasadyang masilaban ng apoy ng isang 74-anyos lalaki ang kanyang sarili habang naglilinis ng masukal na lupa sa Brgy. Inoman, bayan ng Pozorrubio, lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes, 7 Mayo. Ayon sa pulisya, nagsisiga ng mga damo at dahon ng kawayan ang biktimang kinilalang si Fabian Songcuan, 74 anyos. Hindi napansin ni Songcuan na lumalaki na ang apoy at …
Read More »6 drug suspects timbog sa Bulacan
NASAKOTE ang anim na indibiduwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 7 Mayo. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlo sa mga suspek na huli sa aktong bumabatak sa ikinasang drug sting operation ng Marilao MPS sa Brgy. …
Read More »584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission ng SM Foundation
HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng SM Foundation sa SM City Marilao, sa lalawigan ng Bulacan. Nagsama-sama ang mga doktor at mga boluntaryo upang magbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mahihirap na pasyente sa komunidad. Bukas sa publiko ang iba’t ibang serbisyo, tulad ng medical at dental check-ups and procedures, blood …
Read More »Unang ginto sa ICTSI PATAFA Open nasungkit ni Fil-Moroccan Yacine Guermali
INANGKIN ni Fil-Moroccan Yacine Guermali ang pinakaunang gintong medalyang nakataya sa pagbubukas ng 2024 ICTSI Philippine Athletics Championships na ginanap sa Philsports Oval (dating Ultra) sa Pasig City nitong Miyerkoles, 8 Mayo. Nasilayan agad ng husay si Guermali dahil simula pa lamang ng labanan hanggang katapusan ay nanguna siya sa 5,000 run. Na-overlap ni Guermali ang halos kabuuan ng 58 …
Read More »Bakuna vs Polio sa Navotas, umabot na sa 101%
NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para sa Chikiting Ligtas 2024 — ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health (DOH). Ang Navotas ang kauna-unahan sa mga lungsod sa CAMANAVA ang nakaabot sa target nito na nakapagtala ang City Health Office ng kabuuang 16,062 …
Read More »Sen. Bong Revilla kompiyansa sa matatag na alyansa ng PFP-LAKAS
IPINAHAYAG ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., tagapangulo ng Lakas-CMD, ang kompiyansa sa katatatagan ng pinagsanib na puwersang politikal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ng Lakas-CMD. Pinagtibay nitong Miyerkoles, 8 Mayo, ang alyansa sa pagitan ng partido politikal nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas. Ang Lakas-CMD, dominanteng partidong politikal sa …
Read More »
Taguig ‘di pinalampas
MISIS NI SEN. BONG REVILLA, MAYOR LANI CAYETANO DUMALO SA AICS PAYOUT
HALOS 2,000 indibiduwal, itinuturing na kabilang sa ‘nasa laylayan ng lipunan’ ang tumanggap ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kahapon, araw ng Miyerkoles sa Taguig City. Pinangunahan nina Cavite 2nd District Congresswoman Lani Mercado Revilla na kumatawan sa kanyang asawang si Sen. Ramon “Bong” Revilla at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi …
Read More »
Kahit hindi napatunayan
PH DOCTORS APEKTADO NG ISYUNG MULTI-LEVEL MARKETING — LAWYER
INAMIN ni Atty. Dezery Perlez, isa sa abogado ng Bell-Kenz Pharma, lubhang apektado ang mga doktor ukol sa hindi napatunayang usapin ng multi-level marketing (MLM), sa kanyang pagdalo sa media forum sa Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Ayon kay Perlez, walang batas na nagbabawal na magkaroon ng pagmamay-ari ang isang doktor gaya ng ospital, botika, diagnostic …
Read More »
1 patay, 2 sugatan
SENGLOT NA KELOTNANAKSAK NANG WALANG HABAS
ni ROMMEL SALES NAARESTO na ng pulisya ang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinamatay ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas Edsel, nasa hustong gulang, residente sa Blk 33, Lot 9, Area …
Read More »Sa CA decision pabor sa Meralco-SM power deals WATCHDOG GROUP SUMUPORTA SA APELA NG ERC SA SC
SUPORTADO ng watchdog group na Power for People Coalition (P4P) ang hakbangin ng Energy Regulatory Commission (ERC) na iapela sa Supreme Court (SC) ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) na payagan ang dalawang power generating arms ng San Miguel Corporation (SMC) na mag-walkout sa power supply deals sa Meralco na nagtakda ng fixed power rates. Magugunitang noong nakaraang …
Read More »International AIDS Candlelight Memorial ginunita ng Bulacan
GINUNITA ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial kahapon sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kamalayan at paghihikayat ng suporta sa paglaban sa HIV at AIDS. Isang mensahe ng pakikiisa ang ibinigay ni Provincial Health Officer Annie Balingit mula sa Provincial Health Office – …
Read More »Lungsod ng Baliwag, top performing LGU sa Bulacan
IPINAPAKITA ang kanyang hindi natitinag na pangako sa pag-unlad at kahusayan, ang Lungsod ng Baliwag na pinamumunuan ni Mayor Ferdinand V. Estrella ay niraranggo bilang top performing local government unit sa Lalawigan ng Bulacan sa seremonyal na paggawad ng Top 10 Most Competitive LGU sa 2023 Cities at Municipalities Competitiveness Index – Provincial Ranking na ginanap sa The Pavilion, Hiyas …
Read More »
Sa San Jose del Monte at sa DRT
2 TIRADOR NG MOTORSIKLO SUGATAN SA ENKUWENTRO, SIGANG DE BOGA ARESTADO
DALAWANG suspek ang sugatan sa armadong enkuwentro sa City of San Jose Del Monte, at isa ang inaresto sa Doña Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan dahil sa pagbabanta at ilegal na pagdadala ng baril. Sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na agad nagresponde ang San Jose Del Monte CPS matapos …
Read More »Maricel dumalo sa Senate hearing ukol sa ‘PDEA leak’
PUSH NA’YANni Ambet Nabus UMAPIR na sa Senado si Maricel Soriano kahapon, Martes, May 7, sa Senate hearing tungkol sa PDEA Leak na kumalat sa mga socmed. Napaka-eskandaloso nga ng mga naglabasang tsika tungkol dito dahil droga among high ranking officials at na-involve nga ang magaling na aktres bilang isa sa mga umano’y personalities na nasangkot kaya’t napasama raw ito sa PDEA lists noon. Naku, …
Read More »
Sa dagdag na presyo sa singil ng koryente
SOLON PINIGILAN AKSIYON NG ERC SA POWER DEAL
HINIMOK ng vice chairman ng House committee on energy ang Energy Regulatory Commission (ERC) na ipagpaliban ang kahilingang dagdag na singil sa koryente ng mga kompanyang pumasok sa power supply agreements (PSA) sa pagitan ng Manila Electric Co., at dalawang generating firms habang walang pinal na resolusyon. Ayon kay Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, habang nakabinbin sa Korte Suprema …
Read More »
Sa kontrobersiyal na leaked PDEA Report
MARICEL UMAMING ‘COCAINE CONDO’ DATING SA KANYA
HATAW News Team INAMIN ng aktres na si Maricel Soriano kahapon na pag-aari niya ang condominium unit sa Makati City na iniuugnay sa hinihinalang ‘illegal drug activities’ isang dekada na ang nakararaan. Ang pangalan ni Soriano ay sinabing nasa ‘leaked Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operational documents’ na nagsasangkot sa ilang kilalang personalidad na ilegal na gumagamit ng droga. Sa …
Read More »
Sa Ayungin shoal
‘SECRET AGREEMENT’ LABAG SA KONSTI — MANILA SOLON
LABAG sa Saligang Batas ang sinabing kasunduan ng China at ng Filipinas tungkol sa pamamahala ng Ayungin Shoal. Sakaling totoo man, ito ay labag sa Saligang Batas, ayon sa mga mambabatas. “Kung meron pong ‘secret agreement’ or anong klaseng agreement iyan, assuming for the sake of argument na totoo po ito… ito po ay illegal at unconstitutional,” ani Manila …
Read More »Kung walang sampol, anti-smuggling act na batas walang saysay — AGAP Solon
NANINIWALA si AGAP Partylist Rep. Nick Briones na walang saysay ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na habulin at panagutin ang mga sangkot sa smuggling ng mga agricultural products sa bansa kung walang masasampolan sa mga nahuhuling smuggler, hoarder, profiteer, at cartel. Ayon kay Briones, magpapatuloy pa rin ang mga ilegal na gawain dahil may mga sangkot o nagtatanggol …
Read More »The Filipino Design Studio: Proudly Made in the Philippines
Back and bigger than ever! Returning this May 2 to 9 at Mega Fashion Hall, SM Megamall – Kultura Filipino Design Studio: Made in the Philippines edition. The event isa welcoming, community-based space that fosters connections between like-minded brands dedicated to celebrating Filipino culture. The biggest Filipino Design Studio to date, we’re bringing together over 70 guest brands, house labels, …
Read More »Australian, S. Korean nanguna sa Subic International Triathlon tournament
SUBIC BAY, OLONGAPO CITY.– Nakopo ng Australian na si Luke Bate ang Sprint men elite title ng 2024 Subic Bay International Triathlon (SuBIT) noong Sabado. Naorasan ang 25 anyos mula sa Perth na 54 minuto at 25 segundo sa karera ng 750m swim, 20km bike at 5km run sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Freeport Boardwalk. Ang kababayan na si …
Read More »Artwork ng mukha ng UAE royalties, atraksiyon sa Lope De Vega basketball court, Sta. Cruz, Maynila
ISANG kakaibang basketball court artwork na nagpapakita ng mga imahen ng mga lider ng bansang United Arab Emirates (UAE) ang bagong atraksiyon sa iconic Lope De Vega basketball court sa Maynila. Ang kauna-unahang pagpapakita ng ipinintang mukha ng mga lider at dugong bughaw sa semento ng isa sa abalang kalye sa Sta. Cruz, Maynila ay brainchild ng true-to-life Cinderella Man …
Read More »PH humina nang mawala, base militar ng kano — Ong
HUMINA ang depensa ng Filipinas nang mawala ang base militar ng mga Amerikano sa Subic. Ito ang tila pahiwatig ni Rear Admiral (Ret.) Rommel Ong sa kanyang pagdalo sa lingguhang Kapihan Agenda sa Club Filipino, kung saan aniya nagsimula ang lahat nang balikan niya ang kasaysayan ukol sa pagpapaalis sa mga base militar ng mga Amerikano. Ang pahayag ni …
Read More »Bitak-bitak na sakong dulot ng diabetes pinaghilom ng Krystall Herbal Oil
Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Leiriza Zoinaut, 59 years old, isang diabetic, naninirahan sa North Fairview, Quezon City. Matagal ko na pong problema ang nagkakasugat-sugat na sakong ko dahil nagkakabitak-bitak. Noong una, ang sabi sa akin ay baka may allergies daw ako sa tsinelas na ginagamit ko. Kaya …
Read More »
Graffiti at mural festival
MEETING OF STYLES 2024 MULING INILUNSAD NG TAGUIG CITY LGU
MULING inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang ikalawang consecutive graffiti mural festival Meeting of Styles 2024 sa C6 Lakeshore, Lower Bicutan sa lungsod ng Taguig. Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang aktibidad kung saan sinimulan ng mga artist mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagpipinta ng iba’t ibang anyo na naglalarawan ng mga magkakaibang kultura, kalikasan, at …
Read More »