Saturday , December 6 2025

News

Poe, re-electionist senators nagbuklod sa alyansa (Para sa estratehikong tagumpay )

IBA’T IBANG partidong politikal man ang pinagmulan, nagbuklod sa isang ‘alyansa’ sina senatorial survey topnotch Grace Poe at iba pang reelectionists tungo sa iisang layunin: himukin ang mga botante para makilahok sa nalalapit na midterm elections. Sa bahagi ni Poe, opisyal niyang inilunsad ang kanyang kampanya nitong Miyerkoles sa isang political rally sa Tondo, Maynila upang iulat ang kanyang mga …

Read More »

Enrile nalungkot sa pagpanaw ng kapatid

IKINALUNGKOT ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang pagpanaw ng kanyang kapatid, ang batikang aktres at mang-aawit na si Armida Siguion-Reyna, na sumakabilang-buhay noong Lunes sa edad 88 anyos. Sa kabila nito, ginunita ni Enrile ang nagawang paglilingkod ng kanyang half-sister sa bayan sa larangan ng sining. “My entire family, my sisters and brothers, my nephews and nieces, their …

Read More »

Tserman itinumba ng tandem sa Tondo (Estudyante tinamaan ng bala)

gun shot

DEAD on arrival sa paga­mutan ang isang kapitan ng barangay habang sugatan ang 16-anyos na  estudyante na tinamaan ng ligaw na bala maka­raang pagbabarilin ng riding-in-tandem gun­man sa Tondo, Maynila. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang kapitan ng Barangay 199 na si Marcelino Ortega, 41 anyos, residente sa Pilar St., Manuguit, Tondo bunsod ng tama ng …

Read More »

PCP chief, 4 pa sinibak sa ‘molestia de areglo’

SINIBAK sa puwesto ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang limang pulis kabilang ang kanilang commander matapos payohan ang mga magu­lang ng tatlong estu­dyante na minolestiya ng isang Chinese national na ayusin umano ang kaso sa Pasay City. Inalis sa puwesto ang commander ng Police Community Precinct (PCP-1) ng Pasay City Police na si Chief Insp. …

Read More »

Diskarte’t gimik ng mga kandidato

KANYA-KANYANG gi­mik at diskarte ang mga tumatakbong senador sa unang araw ng kam­panya. Ang nangunguna sa mga survey na si reelec­tionist senator  Grace Poe ay nagpakain ng mga mag-aaral sa Payatas, Quezon City. Si misis hanepbuhay Cynthia Villar ay dumalo sa kick-off rally ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinamumu­nuan ni presidential daughter at Davao Mayor Sara Duterte. Kasama ni …

Read More »

Endorsement power walang ‘magic’ — Palasyo

Rodrigo Duterte Bong Go

HINDI kombinsido ang Malacañang sa ‘mahika’ ng endorsement power ng isang presidente para makapagpanalo ng isang kandidato. Tugon ito ni Pre­si­dential Spokesman Salva­dor Panelo sa harap ng komento ng mga obser­vers at political analyst na magiging sukatan ang papalapit na midterm election sa anila’y magical powers ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte para makapagpanalo ng mga tumatakbo sa eleksiyon. Ayon kay Panelo, …

Read More »

Pakiusap ng Palasyo: Sumunod sa batas

UMAPELA ang Mala­cañang sa mga kandidato na sumunod sa itinatakda ng batas na may kaug­nayan sa eleksiyon. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sana’y tumalima ang mga tumatakbo nga­yong eleskiyon sa ipina­iiral na election laws sa bansa. Nais matiyak ng pamahalaan na ang papalapit na halalan sa Mayo ay maging malinis, may kredibilidad at isang honest election. Kaugnay nito, una nang nagpaalala …

Read More »

Parañaque City walang pasok (Sa ika-21 anibersaryo ngayon)

MATAPOS ideklara ni Pangulong Rodrigo Duter­te na “special non-working day,” walang pasok ngayong araw, 13 Pebrero sa lungsod  ng Parañaque para sa pag­diriwang ng ika-21 ani­bersaryo ng cityhood nito. Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang naturang kautusan ay ipinatu­pad  sa bisa ng Procla­mation No. 665. “It is but fitting and proper that the City of Parañaque be given full opportunity to …

Read More »

SGMA nagdeklara ng suporta sa HNP ni Sara; Otso Diretso sa Caloocan naglunsad ng kampanya

NAGDEKLARA si Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo ng suporta kay Sara Duterte at sa kanyang Hugpong ng Pagbabago (HnP) sa paglulunsad ng pamban­sang kampanya sa Clark, Pampanga kahapon. Buong-buo aniya ang kanyang suporta rito kasa­ma ang mga sena­torial candidates ng koa­lisyon. “All out, all out,” ani Arroyo. Kasama sa mga senatorial candidates ng HnP ang reelectionists na sina senators Sonny Angara, Cynthia …

Read More »

Sa unang araw ng election campaign… 5 ‘gunrunners’ todas pulis sugatan sa QC ‘shootout’

LIMANG miyembro ng ‘gunrunning’ syndicate ang napatay ng mga operatiba ng Quezon City  Police District – District Special Opreation Unit (DSOU) nang manlaban at mabaril ang isang pulis na poseur buyer sa lungsod, kahapon ng hapon. Sa ulat kay QCPD Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., isa sa limang gunrunners na napatay ay kinilala sa panga­lang Michael Desu­yo, tubong Pampa­ngga. …

Read More »

Maharlika ipalit sa ‘Pilipinas’ — Palasyo

KAILANGAN magpasa ng batas ang Kongreso at pumasa sa panlasa ng mga Pinoy sa pamamagitan ng referendum ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang pangalang ‘Pilipinas.’ “The Constitution provides that Congress may enact a law that can change the name of the country and then submit it to the people for a referendum,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador …

Read More »

Bading tumagay saka nagbitay

“SORRY and goodbye, sorry goodnight, I love you guys and sorry sa pag-iwan ko and this time masasabi ko magpapatalo na ako.” Ito ang nilalaman ng group chat messenger para sa kanyang mga kaibigan bilang pamamaalam bago lagutin ang hininga ng isang 19-anyos bakla sa pamamagitan ng pagbibigti na kanyang ipinadala sa mga kaibigan sa social media kahapon ng umaga. Kinilala …

Read More »

Broadcast journalist, senado tinarget (Para sa proteksiyon ng mga mamamahayag)

“‘WAG kalimutan ang Ampa­tuan massacre, ide­pensa ang media laban (mula) sa pagpatay.” Ito ang inihayag ng batikang broadcast jour­nalist at tumatakbo sa pagka-senador na si Jiggy Manicad sa pagsisimula ng opisyal na kampanya upang pangala­gaan ang kaligtasan ng mga mamamahayag lalo na’t sariwa pa ang alaala ng mga kaso ng election-related violence tulad ng Ampatuan massacre. “I will never forget the …

Read More »

Senado, pikit-mata sa power franchise (Anak kasi ni Sen. Loren…)

PIKIT-MATANG ‘pinaboran’ ng Senado ang pagbibigay ng prankisa sa anak ni Senador Loren Legarda kahit na sinasabing ilegal ito. Mariin itong inihayag ng grupong Anti-Trapo Movement o ATM kaugnay sa nasabing kontrobersiya na kinasangkutan ng mag-inang Legarda. Ayon sa ATM, nakahanda na ang Malacañang na magsagawa ng imbestigasyon sa paratang na si Legarda at ang mga kawani nito ay nakiaalam …

Read More »

Pinoy nurse nanalo ng P1.4-M sa Dubai Shopping Festival

MASUWERTENG nanalo ang isang Filipino nurse ng Dh100,000 o katumbas na P1.4 millyong papremyo mula sa isang mall sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Dubai Shopping Festival (DSF). Sa ulat, nagwagi si Angela Mortos, isang Pinay nurse na naka-base sa Dubai. Nakasali si Mortos sa contest na Million Dirham Wheel ng City Center Mirdif matapos siyang gumasta ng Dh2,000 (P28,000) halaga …

Read More »

Departamento ng OFWs pinamamadali ni Koko

IPINAAPURA ni Senador Aquilino Koko Pimentel III ang pagtatatag ng isang ahen­siya na tututok sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). Tinutukoy ng senador ang paglikha ng Department of OFWs. Ayon kay Pimentel hindi maikakaila ng gobyerno na sa  11 Pinoy isa rito ay nagta­trabaho sa ibayong dagat para mabigyan nang maayos na buhay ang kanilang mga pamilya. Aniya, dapat …

Read More »

Presyo ng petrolyo muling inihirit ng gas companies

MULING nagpatupad nang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 12 Pebrero, matapos ang katiting na bawas presyo na ipinatupad kamakailan. Epektibo ngayong 6:00 am, pinagunahan ng Pilipinas Shell,  PTT Philippines , Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz ang pagtaas sa presyo na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro …

Read More »

3 bagets arestado sa pananaksak sa 32-anyos babae

knife saksak

TATLONG maituturing na kabataan, isang 19-anyos at dalawang edad 20-anyos ang naaresto matapos pagtulungang saksakin ang isang 32-anyos babaeng factory worker sa Valen­zuela City, kamakalawa ng madaling araw. Kritikal ang kalagayan sa Valenzuela Medical Center (VMC) ng biktimang si Judy Capambi, 32-anyos, resi­den­te sa Sampaguita St., Brgy. Punturin sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. …

Read More »

Angkas pilot run aprub sa kongreso, DOTr

Angkas

NAGKASUNDO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation ( DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis. Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensiya …

Read More »

74-anyos lola todas sa rider

road traffic accident

NABANGGA ng motorsiklo ang tumatawid na 74-anyos lola habang sugatan  ang driver at angkas nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa  Parañaque Doctors Hospital dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Melagros Centino, ng Santa Ana Drive, Bgy. Sun Valley ng lungsod. Nilapatan ng lunas sa …

Read More »

17-anyos, 3 pa arestado sa marijuana

marijuana

ARESTADO ang apat katao kabilang ang isang menor-de-edad na 17-anyos matapos mahulihan ng mga pulis ng marijuana sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni S/Insp. Ronald Carlos ang mga naarestong suspek na sina Danrey Kenneth Potolin, 21-anyos,  ng Taguig City; Niel Mitchel Piguing, 18-anyos ng Navotas City; Francis John Gallardo, 19-anyos, ng Brgy. Baritan;  at ang 17-anyos na …

Read More »

Laborer binoga sa Taguig

gun shot

ISANG 39-anyos na construction worker ang sugatan nang barilin ng isa sa dalawang suspek na nakasuot ng bonnet mask sa Taguig City, nitong Linggo ng  gabi. Ginamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Abdul Adil, may asawa, tubong Maguindanao, residente sa Barangay Maharlika Village, Taguig City, sanhi ng tama ng bala sa tiyan at kaliwang braso mula sa hindi …

Read More »

Wanted rapist sa Rizal, arestado

arrest prison

NASAKOTE ang 32-anyos tricycle driver na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa kasong rape sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Supt. Melchor Agusin, hepe ng pulisya ang nadakip na si Danilo Cherrieguinie III alyas Nilo, 32 anyos, nakatira sa Sitio Sapa Wawa, Brgy. San Rafael ng nabanggit na bayan. Dakong 1:00 pm, nang dakpin ang suspek sa kanyang bahay sa …

Read More »

Respeto sa PH Law pakiusap ng PNP Chief sa mga dayuhan

NAKIKIUSAP si Philip­pine National Police (PNP) Chief Oscar Alba­yalde sa mga dayuhang naririto sa bansa na ga­langin ang mga lokal na batas. Kaugnay ito ng insi­dente ng pagsaboy ng taho ng isang babaeng Chinese national sa isang pulis matapos sitahin sa pag­dadala ng mga liquid substances sa MRT (Metro Rail Transit). Sinabi ni Albayalde, hindi mag-aatubili ang PNP na ipatupad …

Read More »

Undesirable aliens walang puwang sa PH

MAY paglalagyan ang mga dayuhan sa bansa kapag hindi sumunod sa mga itinatakdang batas sa Filipinas. Pahayag ito ng Pala­syo matapos ang viral scene sa social media na pagsasaboy ng taho ng Chinese student na si Jiale Zhang sa isang pulis sa MRT Boni station sa Mandaluyong City nitong pagtatapos ng linggo. Umapela ang Palasyo sa publiko na huwag nang …

Read More »