Saturday , January 11 2025

News

2 holdaper todas sa shootout sa Tondo

PATAY ang dalawang lalaki nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis makaraan holdapin ang isang ginang sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police District – Station 1, kinilala ang isa sa mga suspek na si Nestor de Vera. Sinabi ni Dimaandal, nagkasa ng follow-up operation ang pulisya makaraan dumulog ang biktima …

Read More »

Vinta lumakas signal no. 2 sa 12 areas

LUMAKAS ang tropical storm Vinta nitong Huwebes ng hapon at nagbabanta sa Caraga area, ayon sa state weather bureau PAGASA. Ayon sa PAGASA sa 5:00 pm bulletin,  ang sentro ng bagyo ay nasa 200 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 4:00 ng hapon. Ang bagyong Vinta ay may lakas ng hangin hanggang 80 kph malapit sa gitna at …

Read More »

Mag-aateng sexagenarian umilalim sa truck, 1 tigbak

road traffic accident

SAN FERNANDO, La Union – Binawian ng buhay ang panganay sa tatlong magkakapatid na sexagenarian makaraan pumailalim sa 10-wheeler truck sa bayang ito, nitong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, mula sa pamimili  sa palengke ang mga biktimang edad 61, 60, at 64, ay pata-wid sa pedestrian lane nang masagasaan ng truck. “Nakita namin na nakaipit sa gulong ‘yung isang …

Read More »

5 sasakyan nagrambol sa SLEX, 1 sugatan

road accident

SUGATAN ang isang driver makaraan magka­ram­bola ang limang sa­sak­yan sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Sucat, Parañaque dakong 5:00 am nitong Huwebes. Ayon sa ulat, unang bumangga ang minamanehong dump truck ni Alvin Alcantara sa likod ng isang shuttle bus bago sumagi sa iniwasan ni-yang AUV. Sa bilis ng takbo, sumampa sa concrete barrier ang …

Read More »

News anchor ng ABS-CBN, 5 pa sugatan (Sa karambola sa EDSA-Shaw)

SUGATAN ang anim katao, kabilang ang reporter at anchorwoman ng ABS-CBN na si Doris Bergonia, at ang kanyang camera man nang mag­karambola ang anim sasakyan sa EDSA-Shaw Boulevard, Mandaluyong City, kahapon ng hapon. Sinabi ni Bong Nebrija, supervising operation manager ng MMDA, isinara nila ang northbound lane ng EDSA sa mga motorista bandang 1:45 pm at binuksan dakong 3:30 ng hapon. …

Read More »

Bong Revilla magpapasko sa pamilya (Sa Bacoor, Cavite)

bong revilla

PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang nakapiit na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na magdiwang ng Pasko kasama ng kanyang pamilya sa Bacoor, Cavite. Sa minute resolution na may petsang 20 Disyembre, pinahintulutan ng First Division ang mosyon ni Revilla na lumabas ng piitan sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame mula 11:00 am hanggang  9:00 pm sa 24 …

Read More »

De Lima pinayagan tumanggap ng bisita (Sa Pasko at Bagong Taon)

MAAARING tumanggap ng bisita si Senadora Leila de Lima sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon makaraan payagan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame. Ayon sa opisina ng senadora, maaaring tumanggap ng mga bisitang kamag-anak si De Lima sa 24 Disyembre hanggang ala-1 ng madaling araw ng 25 Disyembre at sa mismong araw ng Pasko mula …

Read More »

Holiday truce sa CPP-NPA tinapyasan ni Digong (Dating 10 araw, anim na lang)

PINAIGSI sa anim na araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Christmas unilateral ceasefire sa New People’s Army (NPA) mula sa unang idineklara niyang sampung araw. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, epektibo ang Christmas truce mula alas-sais ng gabi ng 23 Disyembre hanggang hatinggabi ng 26 Diyembre 2017 at mula alas-sais ng gabi 30 …

Read More »

DAP president sinibak ni Digong (Ika-pitong junketeer)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-pitong junketeer na opisyal ng gobyerno alinsunod sa isinusulong na kampanya kontra korupsiyon. Iniutos ni Duterte ang pagtanggal kay Development  Academy of the Philippines (DAP) president Elba Cruz dahil sa dalas nang pagbiyahe sa labas ng bansa kahit paso na ang kanyang termino noon pang Hunyo 2017. “Considering that your Term of Office expired …

Read More »

Tribal leader patay sa NPA (Sa Davao del Norte)

BINAWIAN ng buhay ang tribal leader ng Ata Manobo na si Datu Benandaw Maugan ma­ka­raan pagbabarilin ng sinabing mga miyembro ng New People’s Army sa Purok Luno-luno, Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao Del Norte, nitong Linggo ng hapon. Ayon sa pamangkin ng biktima na si Jason, galing sa bukid ang kaniyang tiyuhin at nang makauwi sa kanilang bahay ay ipinatawag siya …

Read More »

3rd telco player ‘wag pakialaman (Babala sa korte ni Digong)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hukuman na huwag hadlangan ang pagpasok ng ikatlong telecommunications industry player mula sa China. “I do not want the courts to interfere and prolong this process. Do not issue any TROs or injunctions. This is a matter of national interest for the benefit of the public,” pahayag ni Pangulong Duterte, ayon kay Presidential …

Read More »

P3.77-T 2018 nat’l budget pirmado na ni Digong (Pinakamayayaman napaboran — IBON)

NILAGDAAN ni Pangulong Rorigo Duterte bilang batas ang P3.77 trilyong national budget para sa 2018 at ang kontrobersiyal na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) bill. “This is the administrations biggest Christmas gift to the Filipino people,” anang Pangulo. Batay sa TRAIN, ang mga manggagawa na kumikita ng hindi hihigit sa P250,000 kada taon ay absuwelto sa pagbabayad ng …

Read More »

Konsultasyon sa same-sex marriage hirit ng Simbahan (Kasunod ng OK ni Duterte)

MAKARAAN ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang suporta sa same-sex marriage, nanawagan ang  Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na dapat magkaroon muna ng dialogo ng lahat ng stakeholders o lahat ng may kinalamang partido, para matiyak na ang anomang polisiya ay nabuo makaraan ang  malawakang konsultasyon. Sinabi ni Fr. Jerome Secillano, secretary ng permanent committee on public …

Read More »

NPA nananatiling pinakamalaking banta sa bansa (Ayon kay Gen. Bato)

INIHAYAG ni Philippine National Police chief, Director General Ronald dela Rosa, ang rebeldeng komunista ang nananatiling pinakamalaking banta sa kaayusan at kapayapaan ng bansa. “‘Yung threat ‘pag sinabi mong level of threat magkapantay lang ‘yan sa terrorism at since labeled naman na terrorist ang NPA (New People’s Army) ‘di ba, kasama na ‘yan sa terrorism. So ‘yan ang mabigat na …

Read More »

Jamon de bola expired na? (Sa gift giving sa Pasay)

PINABULAANAN ni Pasay Social Welfare Department (PSWD) chief Rosalinda Orobia na expired ang ipinamahaging jamon de bola sa gift giving program ng ahensiya para sa 3,000 street children at kanilang pamilya sa Pasay City nitong nakaraang linggo. Kabilang sa ipinamigay sa mga bata ang Top Meat Premium Ham, tetra juice, mansanas, bagong damit at iba pa. Ayon kay Orobia, nabahiran …

Read More »

Angkas na bagets bawal sa Makati

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng lungsod ng Makati ang mag-angkas sa harap at likod ng motorsiklo at tricycle ng mga menor de edad sa kabila ng kasalukuyang ipinaiiral ng Department of Transportation (DOTr) na ganitong uri ng batas trapiko. Base sa aprobadong Ordinance No. 2017-135, mahigpit na ipinatutupad sa siyudad ang “Children’s Safety in Tricycles and Motorcycles Ordinance.” Nakasaad sa ordinansa, …

Read More »

Babala sa Biliran residents sapat — OCD official

INIHAYAG ng local disaster official nitong Lunes, sapat ang kanilang abiso sa mga residente sa lalawigan ng Biliran kaugnay sa planong paglilikas bunsod ng pagdating ng bagyong Urduja nitong nakaraang Sabado. “Noong una pa po, hanggang sa kahuli-hulihan, we have been advocating for preemptive evacuation,” pahayag ni Office of Civil Defense Region 8 Director Edgar Posadas, ito aniya ay dahil …

Read More »

Kalidad ng internet gaganda na (Sa Open Access in Data) — Bam

NANINIWALA si Senador Bam Aquino na gaganda ang kalidad ng internet sa bansa at bababa ang presyo sakaling maipasa ang panukalang Open Access in Data. Paliwanag ni Aquino, ang naturang panukala ang siyang mabubukas sa industriya ng data service provider sa bansa. Suportado ni Aquino ang naturang panukala dahil naniniwala siya na maraming papasok na mga service provider na kompanya …

Read More »

Hospitals kasado na sa Pasko at Bagong Taon (Tiniyak ng DoH)

ININSPEKSIYON ng mga opisyal ng Department of Health (DoH) ang ilang malalaking ospital sa Kamaynilaan para tiyakin ang kahandaang tugunan ang mga mabibiktima ng paputok. Kabilang sa mga ospital na ininspeksiyon ang Rizal Medical Center sa Pasig, Quirino Memorial Medical Center (Labor Hospital) sa Quezon City, at ang University of Santo Tomas Hospital sa Sampaloc, Maynila. Ang inspeksiyon ay pinangunahan …

Read More »

Political career ni Bato nakasalalay sa BuCor

NANINIWALA si Senadora Cynthia Villar, nakasalalay ang political career ni PNP chief, Director General Ronald Bato Dela Rosa sa magiging performance niya sa Bureau of Corrections sakaling maging hepe o director ng BuCor. Ayon kay Villar, kung may plano si Dela Rosa na tumakbong senador sa susunod na halalan, dapat pagbutihin niya ang trabaho at maresolba ang matagal nang problema …

Read More »

NPA muling kinondena ni Duterte (Sa pag-atake sa humanitarian mission)

KINONDENA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananambang ng New people’s Army (NPA) sa mga sundalo na maghahatid ng relief goods sa mga sinalanta ng bagyong Urduja sa Samar kahapon. Sa kanyang pagbisita sa Biliran, lalawigan na pinakamatinding hinagupit ni Urduja, sinabi ng Pangulo na ang mga pag-atake ng NPA ang dahilan kaya nagpasya siyang tuldukan ang peace talks sa mga …

Read More »

Bagyong Vinta tatama sa Pasko

POSIBLENG maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area na tatawaging Vinta, at maaaring tumama sa Pasko. Patuloy itong sinusubaybayan ng ahensiya dahil inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo. Ayon sa PAGASA, mataas pa rin ang tsansang lalakas ito dahil nananatili pa sa dagat. Sa forecast ng PAGASA, posible itong pumasok ng PAR sa …

Read More »

31 patay, 49 missing kay Urduja (9,775 katao stranded)

UMABOT sa 31 ang patay habang 49 ang nawawala sa mga eryang hinagupit ng bagyong Urduja, ayon sa ulat ng Malacañang, nitong Lunes ng hapon. Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, Jr. ang update sa news conference sa Naval State University bago ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Biliran para sa situational briefing. Sa 31 bilang ng mga namatay, …

Read More »

3 PNP officials 57 police scalawags sinibak ni Digong

AABOT sa 60 pulis, kasama ang tatlong police superintendent, sa sisibakin sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa mga sindikatong kriminal. “Mga 3 superintendent, minimum of 60 police, umalis kayo sa PNP. I am starting the purging,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa birthday party ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City, kamakalawa ng gabi. “I’m just warning …

Read More »

Bato nakipag-jam sa Bilibid inmates

BAGO ang kanyang pag­ka­katalaga sa Bureau of Corrections (BuCor), ang magreretirong si Philippine National Police chief, Director General Ronald dela Rosa ay nakipag-jam sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Biyernes. Ayon sa ulat, umawit si Dela Rosa sa harap ng daan-daang mga preso sa NBP. Napag-alaman, habang umaawit si Dela Rosa ay sinasabayan ito …

Read More »