Duterte nagbabala sa pasaway na foreign vessels

NAGBABALA si Pangu­long Rodrigo Duterte na hindi magugustuhan ang magiging trato ng go­byerno ng Filipinas kapag hindi kumuha ng permiso ang foreign vessels kung maglalayag sa Philippine waters.

“To avoid misunder­standing in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government autho­rity well in advance of the actual passage,” ani Presidential Spokes­man Salvador Panelo sa isang kalatas kahapon.

“Either we get a compliance in a friendly manner or we enforce it in an unfriendly manner,” dagdag niya.

Hindi aniya mangi­ngimi ang gobyerno na gumamit ng puwersang militar kapag hiningi ng sitwasyon.

Nauna rito nagpa­ha­yag nang pagkairita ang Malacañang sa paulit-ulit na paglalayag ng Chinese warships sa Sibutu Strait sa Tawi-tawi nang walang pahin­tulot.

(ROSE NOVENARIO)