Wednesday , June 29 2022
SIMBOLIKONG isinara ng UP community ang gate ng makasaysayang Palma Hall upang tutulan ang pagpasok ng puwersang militar at pulis sa loob ng pamantasan. (Retrato at teksto mula sa ANAKBAYAN UP Diliman)

Campus ‘militarization’ mahigpit na kinondena sa UP system-wide protest

MULA sa University of the Philippines (UP) Diliman Campus na simbolikong isinara ng mga estu­dyan­teng nagpoprotesta ang makasaysayang Palma Hall upang ipaabot sa pama­halaan na tutol sila sa mung­­kahing magtalaga ng mga pulis at sundalo sa loob ng UP campuses, suma­bay ang iba pang mag-aaral sa UP Visayas.

Hindi bababa sa 100 mag-aaral mula sa UP Visayas ang lumahok sa walkout kahapon, Martes, 20 Agosto, bilang protesta sa nakaambang pagtatalaga ng mga pulis at mga sundalo sa kanilang campus.

Nag-walkout ang mga estudyante, karamihan ay nakasuot ng itim dakong 11:30 am mula sa mga campus ng UP Visayas sa lungsod ng Iloilo at sa bayan ng Miag-ao bilang bahagi ng UP system-wide protest kontra militarisasyon sa loob ng kanilang paaralan.

Sa lungsod ng Iloilo, nag-ipon ang mga mag-aaral sa lobby ng College of Manage­ment building bago sama-samang nag­martsa patungong UP Oblation para roon ganapin ang programa.

Dala ng mga estudyante ang mga plakard na naka­sulat ang mga katagang, “Activists are not terrorists.”

Samantala sa Miag-ao campus, nag-ipon ang mga estudyante sa College Union Building at nagsagawa ng protesta sa harap ng Col­lege of Arts and Sciences building.

Mariing kinondena ng mga mag-aaral ang pahayag nina dating Philippine National Police chief at ngayon ay Senador Ronald dela Rosa at ng ilang opisyal ng pulisya na nagtutulak na magtalaga ng mga pulis at sundalo sa loob ng mga paaralan upang pigilan ang pangangalap ng mga ba­gong kasapi sa New People’s Army.

Ayon sa nagpo­pro­testa, pagmumulan ito ng paglabag sa mga kara­patang pantao ng mga mag-aaral at ng mga guro, at paglabag din sa kanilang academic freedom.

Tinututulan ng mga mag-aaral ang pagrerepaso ng kasunduan ng Department of National Defense at ng University of the Philippines na nagbabawal sa mga operasyon ng mga pulis at mga sundalo sa loob ng kahit anong UP campus nang walang pagsang-ayon mula sa mga opisyal ng pamantasan.

Inendoso ng mga opisyal ng UP Visayas ang students’ walk-out.

Samantala, hindi rin bababa sa 100 estudyante ang nakibahagi sa walkout protest sa UP-Tacloban.

Ayon kay Sheena Esplago, fourth-year bio­logy student, hindi dapat ituring na pagsusulong ng komunismo ang aktibismo na laganap sa mga campus ng pambansang paman­tasan.

Nagsimula dakong 2:30 pm ang indignation rally sa pamamagitan ng martsa sa loob ng campus.

Nagtuloy ang protesta sa downtown area ng lung­sod at nagsalita ang mga lider ng iba’t ibang orga­nisasyon mula sa iba pang mga paaralan.

Nagtapos ang protesta dakong 4:30 pm.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Nueva Ecija
MOST WANTED RAPIST NASAKOTE

SA PINATINDING Manhunt Charlie operation, nadakip ng mga awtoridad ang top most wanted person (MWP) …

Bulacan Police PNP

Sa pitong araw na SACLEO sa Bulacan
P1.1-M DROGA NASABAT, 413 PASAWAY TIMBOG

NASAMSAM ang mahigit sa P1.1-milyong halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 413 law …

sea dagat

Bangka tumaob sa dagat
4 MANGINGISDA NALUNOD, PATAY ISA NAWAWALA

APAT mangingisda ang nalunod at namatay habang hindi pa nahahanap ang isa, matapos tumaob sa …

Sa San Pablo Laguna, 2 MOST WANTED SA ARESTADO

Sa San Pablo Laguna,
2 MOST WANTED SA ARESTADO

NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang nakatalang most wanted person ng lalawigan ng Laguna sa …

nakaw burglar thief

Mag-utol timbog sa panloloob sa e-bikes shop

BULILYASO ang dalawang lalaking mag-utol nang mahuli ng mga awtoridad habang nagnanakaw sa isang e-bikes …

Leave a Reply