Saturday , January 11 2025

News

3 high ranking CPP-NPA off’ls tutugisin — Palasyo

NATURAL lang na tugisin ng mga awtoridad ang tatlong matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) makaraan maglabas ng warrant of arrest ang hukuman laban sa kanila. Noong 11 Enero ay naglabas ng desisyon ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 na nag-uutos na dakpin sina Benito at Wilma Tiamzon ng CPP, at National …

Read More »

Frigate project done deal sa Aquino admin (Giit ng Palasyo)

PANAHON pa ng administrasyong Aquino, done deal na ang frigate project ng Philippine Navy, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nanlilinlang ang online news site Rappler nang ilathala na nakialam si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa frigate project. Tiniyak ni Go na magbibitiw siya kapag napatunayan ang akusasyon ng Rappler sa kanya. “I …

Read More »

14-anyos tinurbo, erpat arestado

ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 34-anyos lalaki makaraan ireklamo ng kanyang 14-anyos dalagitang anak na dalawang beses niyang ginahasa, iniulat ng pulisya kahapon. Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, dumulog sa kanilang himpilan ang biktimang si alyas Marie, Grade 8 student, residente sa San Sebastian St., Tondo, kasama ng kanyang nanay …

Read More »

‘Love’ sa 1987 Constitution aalisin

TILA walang puwang sa mga mambabatas ang “love” sa organic law. Ito ay dahil sa panukala ng isang mambabatas sa Kamara na burahin ang salitang “love” sa 1987 Constitution sa gitna ng diskusyon hinggil sa pag-ami-yenda sa salitang batas, idiniing  ang salita ay “has no place in a Constitution.” Ang panukala ay naglalayong amiyendahan ang preamble, ang opening statement ng …

Read More »

BBL prayoridad ng Senado — Migz

TINIYAK ni Senador Juan Miguel Zubiri na prayoridad ng Senado ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Zubiri, itinakda niya sa susunod na linggo ang sunod-sunod na pagdinig upang matalakay ang naturang panukala. Tinukoy ng senador na gagawin  ang pagdinig sa ilang bahagi ng Marawi, South Cotobato, Basilan at iba pang lugar na bahagi at apektado ng …

Read More »

Pagdinig sa PCSO ‘party’ kinansela ng Senado

KINANSELA ang pagdinig ng Senado hinggil sa bonggang Christmas Party ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na itinakda ngayong Miyerkoles, 17 Enero. Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, pinuno ng Senate Committee on Games and Amusement, sasabay ito sa nakatakdang muling pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado hinggil sa pag-amiyenda ng Saligang Batas sa pa-mamagitan ng Constituent Assembly. Nitong Lunes pormal …

Read More »

Bus itatalaga ng LTFRB (Sa Oplan Tanggal Bulok Tanggal Usok)

ltfrb

MAGKAKALOOB ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus na papayagang mamasada sa mga rutang lubhang naaapektohan dahil sa operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic laban sa mga bulok at mausok na pampublikong sasakyan. Inihayag ni LTFRB spokesperson Aileen Lizada, maraming mga pasahero ang naii-stranded sa mga ruta na maraming nahuhuling mga jeep. Ito …

Read More »

Con-ass lusot sa Kamara

congress kamara

PUMASA na ang House Resolution para mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly na babalangkas sa Federal Charter. Nabigo ang Makabayan Bloc na harangin ang botohan sa pamamagitan ng panibagong interpelasyon ngunit hindi na sila pinagbigyan. Tinangka ni Caloocan Rep. Edgar Erice na kuwestyonin ang quorum ngunit sa huli ay idineklarang mayorya ng mga kongresista ay nasa plenaryo. Sa unang roll …

Read More »

Bong Go walang paki sa DND-SAP bidding

WALANG pakialam si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa anomang bidding para bumili ng mga kagamitan ang Department of National Defense (DND). Reaksiyon ito ni Go sa ulat na isinulong umano niya ang pag-aproba sa isang Korean company para sa computer system para sa barko ng Philippine Navy, habang may ibang pinaborang kompanya ang dati nitong Flag …

Read More »

Palasyo umalma sa bintang ng Rappler

UMALMA si Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon ni Rappler chief executive officer Maria Ressa na pagkitil sa malayang pamamahayag ang desisyon ng Securites and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang kanilang license to operate. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kauna-unahang pag­ka­kataon, tinawagan siya sa telepono kamakalawa ng gabi ng Pangulo para ipaabot sa publiko na wala siyang kinalaman sa …

Read More »

Rappler hinamon ni Digong

PINALIGUAN ng sermon at hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang online news site Rappler na maglabas ng ebidensiya sa akusasyon laban kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na nakialam sa bidding ng mga bagong kagamitan para sa mga barko ng Philippine Navy. Iwinagayway ni Duterte sa harap ng Rappler reporter sa CAAP event kagabi ang inilimbag na …

Read More »

Dalagita na-rape slay (Dumaan sa shortcut)

rape

INARESTO ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Digos City, Davao del Sur. Ayon sa ulat ng pulisya, nitong Sabado inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Alfonso Ignacio makaraan ituro ng kaniyang mga kaibigan na responsable sa pagkamatay ng 14-anyos biktima. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan nitong Sabado ng umaga nang balikan …

Read More »

Nakaburol na bangkay natupok sa sunog (Sa Baguio City)

NATUPOK ang 10 bahay gayondin ang ibinuburol na isang bangkay sa naganap na sunog sa Baguio City, nitong Lunes. Salaysay ng nasunugan na si Faye Carreon, sa Huwebes nakatakdang ilibing ng kanilang pamilya ang namayapa niyang asawa. Hinihintay lang aniya nilang makauwi ang anak na galing Japan, ngunit wala nang aabutang lamay makaraan matupok ang labi ng kanilang padre de …

Read More »

3 sugatan sa sunog sa Mandaluyong

SUGATAN ang tatlo katao habang 30 bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagmula sa isang junk shop na puno ng “highly-combustible materials” o materyal na madaling masunog tulad ng plastik at diyaryo. Ayon sa Bureau of Fire …

Read More »

12,000 residente inilikas (Alboroto ng Mayon patuloy)

LUMIKAS ang umaa­bot sa 3,061 pamilya o 12,044 katao dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council  nitong Lunes. Kabilang sa sa mga inilikas ang mga residente mula sa bayan ng Camalig, Guinobatan at Malilipot, na nasa paanan ng Mayon, ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan. Magkakaroon din aniya ng forced …

Read More »

CHEd chair nagbitiw (Resignation tinanggap ng Palasyo)

NAGBITIW sa puwesto si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan nitong Lunes, sinabing panahon na para umalis maka­raan makatanggap ng tawag mula sa Malacañang. Sinabi ni Licuanan, tinawagan siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong weekend at inutusan siyang bumaba sa puwesto bago matapos ang kanyang termino sa Hulyo 2018. “I have decided it is time to go. It …

Read More »

Press freedom hindi isyu — Palasyo

WALANG kinalaman ang isyu ng press freedom sa pasya ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang certificate of registration ng online news site Rappler. Binigyan-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang punto ng SEC decision ay paglabag ng Rappler sa probisyon ng Saligang Batas na dapat ay 100% Filipino ang may-ari at namamahala ng kompanya ng mass media …

Read More »

Rappler’s registration kinansela ng SEC

IGINAGALANG ng Palasyo ang de-sisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang certificate of registration ng online news site Rappler dahil hindi mga Fi-lipino ang mayorya ng may-ari nito. “We respect the SEC decision that Rappler, the strict requirements of the law, that the ownership and the management of mass media entities must be wholly-owned by Filipinos,” sabi …

Read More »

Duterte dadalhin ng digital PTV sa kanayunan

MAAARI nang makasalamuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga nakatira sa liblib na bahagi ng bansa sa pamamagitan ng Digital Terrestial Television Broadcasting System ng People’s Television (PTV). Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, sa inilunsad na digital PTV kamakailan ay libre at mas malinaw na mapapanood ng mga nakatira sa kanayunan ang mga programa ng pamahalaan gayondin ang babala …

Read More »

3 mahistrado haharap sa impeachment vs CJ Sereno

INAASAHANG tatlong  mahistrado ang dadalo sa pagdinig ng House Committee on Justice ngayong umaga (Lunes) sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Kinompirma ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite, dadalo sa pagdinig sina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Samuel Martirez. Sinabi ni Umali, tetestigohan ni Martirez ang desisyon niya ukol sa benepisyado …

Read More »

Kelot tiklo sa P.6-M shabu sa CamSur

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng P600,000 halaga ng shabu sa Naga, Camarines Sur, nitong Linggo ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng pu-lisya, bumili ang mga pulis ng P28,000 halaga ng shabu sa suspek na si Rodel Camaro, 36, naka-tira sa nasabing lugar. Nang tanggapin ni Camaro ang marked mo-ney, agad siyang hinuli at nakompiskahan ng 60 gramo ng …

Read More »

Kampanya vs bulok at mausok na sasakyan pinalagan ng Piston

jeepney

INALMAHAN ng jeepney group na PISTON ang kampanya ng gobyerno laban sa bulok at mausok na mga sasak-yan. Magugunitang sinimulang hulihin ng Inter-agency Council on Traffic nitong nakaraang linggo ang mga hindi ‘roadworthy’ na pribado at pampublikong sasakyan. Sinabi ni PISTON president George San Mateo, hindi makatao ang panghuhuli ng mga lumang jeepney dahil mahihirap ang mga driver at operator nito. …

Read More »

Koop ni Bro. Mike, kabahayan ng 36 pamilya nasunog sa P’que

NATUPOK ang isang commercial building na pagmamay-ari ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, nitong Sabado ng madaling-araw. Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog dakong 1:00 am at nagsimula umano sa isang grocery, ayon kay Supt. Robert Pasis ng Bureau of Fire Protection. Umabot mang mahigit apat na oras bago naapula ang sunog. Tinatayang …

Read More »

25 bahay sa Kyusi natupok

NAWALAN ng tirahan ang  25 pamilya makar­aan matupok ang 25 bahay sa Brgy. Kaligayahan sa Quezon City, nitong Sabado. Sinabi ni FO3 Leo-nathan Tumbaga, arson investigator ng Quezon City Fire Department, dakong 5:05 pm nang magsimula ang apoy at agad itinaas sa unang alarma. Dahil dikit-dikit ang mga bahay at karamihan ay gawa sa kahoy at yero, agad nilamon ng …

Read More »