Saturday , July 27 2024
rape

Bebot ‘pinulutan’ nang malasing

ISANG 26-anyos dala­ga ang naghain ng rekla­mong panghahalay la­ban sa isang 41-anyos lalaking kasamahan sa trabaho na sinamantala ang kanyang kalasingan habang natutulog.

Itinago sa pangalang Elisa ang biktima, part time bookeeper sa Generals Lechon sa Sun Valley, Parañaque City.

Ayon kina P/Cpl. Julius Arabudo at P/Cpl. Elena Amlos ng PCP-7, nagtungo sa kanilang presinto da­kong 8:00 pm ang bikti­mang si Elisa upang ireklamo ang kanyang kasamahan sa trabaho na si Niño Rey Ayag ng Guillermo St., Cul­desac, Bgy. Sun Valley, Paranaque City.

Agad nagresponde sina Arabudo at Amlos sa naturang lugar kung saan nahuli ang suspek na si Ayag.

Bago nangyari ang panghahalay, nagkaya­yaan umano ng inuman ang suspek kasama ang biktima at dalawa pa nilang kasamahan sa bahay ng suspek.

Sa gitna ng inuman agad nakaramdam ng pagkahilo dahil sa alak ang biktima at inalok ng suspek na magpahinga muna sa kuwarto nito.

Nakaidlip ang bikti­ma at dito sinaman­tala ng suspek ang pagkakataon.

Naramdaman ng bik­tima na may nakapatong sa at nang idilat ang mata’y nakita ang naka­hu­bad na lalaki habang hinihimas ang kanyang dibdib hanggang tulu­yang maisakatuparan ang maitim na pagna­nasa sa dalaga.

Sinikap umanong manlaban ng biktima ngunit hindi niya naga­wa dahil sa labis na pagkahilo at muling nakatulog.

Pagkagising, nakita niya ang suspek at binati pa siya ng “Kumusta ka na?”

Agad nagbihis ang dalaga at nagtungo sa himpilan ng PCP-7  at ikinuwento ang gina­wang panghahalay sa kanya ng suspek na agad namang naaresto nina Arabudo at Amlos.

Nakakulong sa detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong panghahalay.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *