Saturday , July 27 2024

Kung walang Traffic Master Plan… Walang emergency powers

HINDI sang-ayon si Senadora Mary Grace Poe-Llamanzares sa panukalang bigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng emergency power para resolbahin ang problema sa trapiko nang walang master plan para masolusyonan ang traffic congestion sa Epifanio Delos Santos Avenue  (EDSA).

Sinabi ng senadora, hindi ang kakulangan sa kapangyarihan ngunit kakulangan sa isang taffic master plan at agresibong aksiyon mula sa Depart­ment of Transportation (DOTr) ang nananatiling balakid sa paglutas ng problema.

Bilang chairman ng Senate Committee on Public Service, idiniin ni Poe, kung walang master plan, kahit gaano kalawak o karami ang ibibigay na kapangyaihan sa Pangu­lo, hahantong sa pagsa­sayang lang ng pondo ng DoTr.

Idinagdag ng sena­dora, isang boto lamang siya sa Senado at, tulad ng ibang mambabatas, kakailanganing makom­binsi siya sa pagbibigay ng emergency powers sa punong ehekutibo.

“For you to give something as immense as the emergency powers, you have to be sniper accurate, it cannot be a shotgun approach. It’s like giving a loaded gun to a child if they don’t have a plan,” kanyang pagli­linaw.

“If they come up with the traffic plan and deliver on the projects that they should have delivered years ago, traffic situation would have been better,” dagdag ni Poe.

Inihayag ng senadora, kahit walang emergency powers, mayroon nang mga batas na sumasak­law sa problema ng tapiko.

“Most importantly, coordination among transportation agencies, the MMDA (Metro Manila Development Authority), local government units and concerned stake­holders should be on a regular basis, so that one will know what the other is doing or plans to do to mitigate the situation on the road,” ani Poe.

Salungat sa panini­wala ni Poe, deklarado naman ang support ni Sen. Francis Tolentino sa plano ng DoTr para sa traffic management sa Kalakhang Maynila bu­kod sa transportation plan ng nasabing ahensiya  na ang layunin ay pagan­da­hin ang transport system at siguradohin na maayos ang mga pasili­dad ng transportasyon sa buong bansa.

“The secretary and his department can only do as much with whatever resources and authority they have at their dis­posal. Kaya nga po isinusulong natin ang emergency powers para sa Pangulo upang mas mapabilis ang pagpa­patupad ng infrastrure programs designed to help ease traffic (This is the reason why we are pushing for the emergency powers for the President in order to hasten the implementation of the infrastructure programs designed to help ease traffic,” paliwanag ng dating chairman ng MMDA.

(TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *