Sunday , November 24 2024

News

Mag-asawa pinugutan sa Basilan

Stab saksak dead

PINUGUTAN ang mag-asawang hinihinalang miyembro  ng Abu Sayyaf Group sa liblib na barangay ng Sumisip, Basilan, nitong Huwebes. Sinabi ni Senior Inspector Ian Sanchez, hepe ng Sumisip Police, ang mga bangkay ay natagpuan ni Ibrahim Wahab, miyembro ng Special Civilian Active Auxiliary (SCAA), nitong Huwebes ng hapon. Aniya, nakarinig siya ng limang putok ng baril mula sa northwest na bahagi …

Read More »

Tiyuhin tiklo sa rape-slay sa Valenzuela

arrest posas

ARESTADO ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 11-anyos dalagitang pamangkin na natagpuang patay sa Valenzuela, nitong Huwebes. Sinabi ni Senior Insp. Jose Hizon, hepe ng Valenzuela City Police, dakong 8:00 pm nang arestohin ang suspek na si Ricky Castillano, 47, tiyuhin ng biktimang si Ednielyn Grace Oliveros, sa kanyang pinagtatrabahuan sa Danding Building sa C.J. Santos St., …

Read More »

School field trips pinayagan na ng DepEd (Moratorium inalis)

NAGLABAS ang Department of Education (DepEd) ng memorandum na nag-aalis sa ban sa field trips, na ipinatupad simula 9 Marso 2017 alinsunod sa DepEd Memorandum No. 47 kasunod ng bus accident sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng mahigit isang dosenang estudyante. Inilabas nitong 27 Disyembre 2017 ni Education Secretary Leonor Briones ang Department Order 66 o “Implementing Guidelines on the …

Read More »

Senior citizens sa PH darami ngayong 2018

Helping Hand senior citizen

UMABOT sa 105.3 milyon ang populasyon ng Filipinas noong 2017, at tinatayang aabot ng 107.1 milyon ngayong 2018, ayon sa pinakahuling datos ng Commission on Population (POPCOM). Bagama’t pinakamalaking porsiyento ng populasyon ay mga 14-anyos pababa, kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng senior citizens sa bansa. Noong 2017 ay higit 7.8 milyon ang senior citizen sa bansa, sinasabing madaragdagan ito …

Read More »

Koreano nagbigti sa casino-hotel sa Parañaque

NATAGPUANG naka­bigti ang isang Korean national sa loob ng tinutuluyang kuwarto sa isang casino-hotel sa Parañaque City, kahapon ng hapon. Base sa sketchy report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Lee Chang Yong, nasa hustong gulang. Sa ulat, natagpuan ang nakabigting biktima dakong 1:45 pm sa loob ng Room 933, Okada Casino Hotel Manila sa Seaside Drive, Entertainment City, Brgy. …

Read More »

Code White saManila hospitals (Para sa Traslacion 2018)

NAKATAKDANG itaas ng Department of Health (DoH) simula 8 Enero ang code white alert sa lahat ng ospital sa Maynila para sa paggunita ng pista ng Itim na Nazareno sa lungsod. Sinabi ni Patrick Co ng DoH-National Capital Regional, paiigtingin ng ahensiya ang paghahanda ng bawat ospital sa Maynila para sa mga debotong makikiisa sa Traslacion na mangangailangan ng serbisyong …

Read More »

Deboto dagsa na sa “pahalik” sa Quiapo Church

PATULOY sa pagdagsa ang mga deboto sa Quiapo Church sa Maynila nitong Biyernes, bilang paghahanda sa “Traslacion” ng Itim na Nazareno, habang ang “pahalik” sa replika ng imahe ay isasagawa hanggang 8 Enero, Lunes. Makaraan dumalo sa misa para sa unang Biyernes ngayong taon, ang mga deboto ay pumila sa gilid ng simbahan upang humalik sa replika. UNANG Biyernes ng …

Read More »

Snipers ipoposte sa hi-rise buildings (Sa Black Nazarene procession)

INIHAYAG ni National Capital Region Police Office chief, Director Oscar Albayalde nitong Biyernes, na magtatalaga sila ng mga sniper sa matataas na gusali sa mga lugar na daraanan ng Black Nazarene procession, at magpapalipad ng drones upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto. “This year we will be deploying snipers doon sa mga high-rise building and we will also be …

Read More »

Totoy dedbol sa bundol ng SUV

road accident

BINAWIAN ng buhay ang isang 12-anyos bata nang mabasag ang bungo makaraan mabundol ng isang SUV sa Roxas Boulevard, Pasay City, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa testigong si Mark Ordano, tumatakbong naglalaro ang biktima kasama ang apat iba pang mga bata bago maganap ang insidente. Nabundol ang bata ng isang itim na SUV nang tumawid siya mula sa northbound …

Read More »

1 patay, 2 sugatan sa motor vs truck

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa ni-yang kasama nang sumal­pok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang delivery truck sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling-araw. Bumulagta sa intersection ng Quezon Ave. at D. Tuazon St., ang tatlong lalaki makaraan tumilapon mula sa sinasakyang motorsiklo. Salaysay ng truck driver na si Lauro Padilla Jr., naka-green light sa …

Read More »

Sanggol patay sa sunog (Sa Pangasinan)

dead baby

NAMATAY ang isang sanggol sa naganap na sunog sa District 1, Pozorrubio, Pangasinan, nitong Huwebes ng u-maga. Sinabi ng isang residente, naglalaro ng posporo ang mga bata sa apartment naging dahilan ng pagsiklab ng sunog dakong 10:00 ng umaga. “Gumapang doon sa durabox. Binuhusan pa nga namin,” salaysay ni Jomalin Dangcogan. Napag-alaman, huli na ng malaman ng mga bombero na …

Read More »

Janitor nanakawan ng P16,000 cash (Sa Pag-IBIG card)

thief card

NAGREKLAMO sa pulisya ang isang janitor nitong Huwebes, makaraan manakawan nang mahigit P16,000 cash loan mula sa kaniyang Pag-IBIG Fund card. Salaysay ng biktimang si Joseph Vega, 45, nitong Disyembre inaprobahan ang kaniyang P39,400 loan na natanggap niya sa cash card. At nitong 22 Disyembre, tatlong beses siyang nag-withdraw gamit ang card sa dalawang mall sa Quezon City. Ginamit din …

Read More »

Gun, liquor ban ipatutupad ng MPD (Sa Traslacion 2018)

MAGPAPATUPAD ang Manila Police District ng 48-hour gun ban sa lungsod ng Maynila sa 8-10 Enero para sa paggunita sa pista ng Itim na Nazareno sa susunod na linggo. Sa nasabing gun ban, pansamantalang sususpendehin ang permits to carry firearms, maliban sa uniformed personnel, mula hatinggabi ng 8 Enero hanggang hatinggabi ng 10 Enero, ayon kay  Manila Police District head, …

Read More »

Bitcoin very risky — BSP

DELIKADO mag-invest sa bitcoin dahil sa malaking price fluctuations at maaaring magresulta sa malaking pagkalugi, babala ng Bangko Sentral ng Filipinas. Ang bitcoin ay mabilis ang pagtaas nitong nakaraang taon, kaya marami ang nahikayat na mag-invest sa digital currencies nagresulta para umaksiyon ang mga awtoridad sa mundo katulad ng BSP, hinggil sa kanilang kapangyarihan sa nasabing instrumento. “The price of …

Read More »

Gun ban sa Navotas epektibo na

gun ban

NAGSIMULA nang i-patupad ang gun ban at liquor ban sa Navotas City para sa gaganaping plebisito sa tatlong barangay sa lungsod na planong hatiin sa pitong barangay. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Navotas election officer, Atty. Edison Teodoro, ipinatutupad ang mga pangunahing regulasyon tulad ng gun at liquor ban sa tuwing may halalan kabilang ang plebisito. Mula sa 14 …

Read More »

Public Sector group umalma

NANGANGAMBA ang ilang public sector organization sa seguridad at integridad ng kani-kanilang asosasyon dahil sa madalas na paggamit ng ‘sindikato’ sa letterhead ng mga unyon ng kawani sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para gamitin sa target nilang posisyon sa pamahalaan. Una, ang naganap sa DDB at nitong huli ay sa Marina na kapwa ikinasibak nina ret. Gen. Dionisio Santiago …

Read More »

Duterte ‘nakoryente’

SA isang resolusyon, itinanggi ng Alliance of Marina Employees (AME) na ang kanilang grupo ang nagpadala ng liham kay Pangulong Duterte na nagreklamo laban kay Amaro. Tinawag na “fake news” ng AME ang lumabas na mga pahayag sa media na naghain sila ng reklamo laban kay Amaro sa Palasyo. “The AME Executive Officers and Board of Directors collectively agreed to …

Read More »

Marina chief sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang ika-pitong junketeer na opisyal ng kanyang administrasyon alinsu­nod sa isinusulong na kampanya kontra korupsiyon. Inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagtanggal sa puwesto kay Maritime  Industry Authority (Marina) Administrator Marcial “Al” Amaro III. “The President has tasked me to announce that he has terminated the services of Mr. Marcial QC Amaro, administrator of …

Read More »

TRAIN ‘pasakit’ sa bayan (Palasyo aminado)

AMINADO ang Palasyo na kaila­ngang pasanin ng taong bayan ang ipapataw na dagdag buwis para pondohan ang mga proyektong pang-impraestraktura sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ulat na 80 milyong Filipino ang makararanas ng negatibong epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kahit iabsuwelto …

Read More »

Joma’s wish (Peace talks ituloy) tablado sa Palasyo

TABLADO sa Palasyo ang New Year’s wish ni Communist Party of the Philip­pines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na ituloy ang peace talks sa administrasyong Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa kasalukuyang sitwasyon, malabong umu­sad muli ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF. Ani Roque, kailangan patunayan ng rebeldeng komunista ang sinseridad sa pagsusulong ng kapayapaan. “As of now, …

Read More »

Pakiusap ni Mayor Tiangco: Magpaputok sa tamang lugar

PINAALALAHANAN ni Ma-yor John Rey Tiangco ang mga Navoteño na gamitin ang mga itinalagang lugar para sa fireworks display upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. “Nais kong ipaalala sa lahat na sundin ang mga batas at alituntunin sa paggamit ng mga paputok at pailaw. Magtulungan tayo sa pangangalaga sa mga miyembro ng ating komunidad at si-guruhin natin na ang bawat pamilyang …

Read More »

OVP pasado sa ISO standards (Matapos ang matagumpay na taon)

SA pagtatapos ng isang matagumpay na taon, aprobado sa global standards ang Office of the Vice President, na nakapasa sa International Organization for Standardization (ISO) kamakailan. Sa pangunguna ni Vice President Leni Robredo, nakuha ng OVP ang ISO 9001:2015 certification, ang pinakabagong pamantayan para sa Quality Management System, na nagpapanatili ng kalidad ng serbisyo o produkto ng isang organisasyon. Isa …

Read More »

Paalala ng Palasyo: Masaya, ligtas na Bagong Taon (vs illegal fire crackers)

IPINAALALA kahapon ng Palasyo sa publiko ang mga pinapayagan at ipinagbabawal na mga paputok batay sa umiiral na Republic Act 7138. Base sa kalatas na inilabas ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ipinabatid sa mga Filipino na nagbebenta at bumibili ng mga paputok para sa pag-iingay sa pagsalubong ng 2018. Ayon sa Palasyo, bawal ang mga firecracker at pyrotechnic …

Read More »

Digong dumistansiya sa pagbitiw ni Polong

DUMISTANSIYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitiw ng kanyang anak na si Paolo Duterte bilang bise-alkalde ng Davao City. Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa Southern Philippines Medical Center, ipinauubaya niya sa anak ang pagpapasya kung itutuloy ang resignation. “Well, sa kanya ‘yun. You… Hindi kita masagot. Hindi ako ‘yung nag-resign e. But nagtanong siya kagabi. Doon kami, nagkita-kita …

Read More »