Wednesday , January 19 2022

Call center analyst lumipad sa 27/F ng Park Hotel sa QC

TUMALON o nahulog?

Ito ang patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad matapos bu­magsak at magka­lasog-lasog ang kata­wan ng 33-anyos call center analyst mula sa ika-27 palapag ng kan­yang inookupahang hotel sa Quezon City, nitong Linggo ng uma­ga.

Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktima na si Jordan Joseph Yamsuan, 33 anyos, binata, call center analyst, at residente sa Unit 27, 27th floor Eastwood Park Hotel at Residential Suites sa No. 17 Orchard Road, East­wood City, Cyber Park, Brgy. Bagumbayan, QC.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Julius Raz ng CIDU-QCPD, ang insidente ay nangyari dakong 5:00 am kahapon, 13 Oktubre, sa Eastwood Park Hotel sa nasabing barangay.

Sa pahayag sa pulisya ni Michael Resoco, security guard, nasa outpost  siya sa lobby ng hotel nang makarinig ng malakas na lagapak mula sa drop off point main entrance at nang usisain ay bumungad sa kanya ang lasog-lasog at duguang katawan ng biktima.

Ayon sa mga nag­respondeng SOCO team na pinamumunuan ni P/Major Joseph Infante sa crime scene, namatay ang biktima dahil sa multiple fractured injuries at pagkabasag ng bungo.

Tumangging paim­bestigahan ni John Michael Guanzon ang insidente dahil kom­binsido siyang  nagpa­tiwakal ang kanyang kapatid na si Jordan.

Gayonman, masu­sing nagsasagawa ng imbestigasyon ang pu­lisya kung may ‘foul play’ sa sinasabing pag­papatiwakal ng call center analyst. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Covid-19 Kamara Congress Money

Sesyon suspendido dahil sa pagtaas ng covid-19 cases

SINUSPENDE ni House speaker Lord Allan Velasco ang sesyon ng Kamara dahil sa dumaraming kaso …

Senate Philippines

Total lockdown sa Senate Bldg. pinalawig pa

PINALAWIG pa ang naunang pagsasara o total lockdown ng mismong gusali ng senado na nasgimula …

Menardo Guevarra DOJ BuCor

Nagsumbong sa Malacañang
GUEVARRA DESMAYADO SA KARAHASAN SA BUCOR

MATAGAL nang desmayado si Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga karahasang nagaganap sa Bureau of …

011922 Hataw Frontpage

Obrero lusot sa ‘no vax, no ride policy’

ni ROSE NOVENARIO MATAPOS maperhuwisyo ang daan-daang manggagawa na hindi pinayagan sumakay ng mga awtoridad …

marijuana

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
P.3-M ‘OMADS’ NASAMSAM

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P300,000 halaga ng hinihinalang marijuana sa ikinasang anti-illegal drug …

Leave a Reply