Sunday , May 19 2024

Sa unang 100 araw ni Mayor Tiangco… 7K nabigyan ng trabaho, tulong pangkabuhayan

ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Toby Tiangco, ay nakapagbigay ng trabaho at iba’t ibang tulong pangkabuhayan sa higit 7,000 Navoteño.

Mula Hulyo hanggang Set­yem­bre 2019, 4,379 residente ang nagkaroon ng hanapbuhay mula sa pamahalaang lungsod.

Kabilang ang 3,000 bene­pisaryo ng cash for work; 1,237 Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), 40 govern­ment interns, at 102 aplikante sa job fair.

Nagsagawa rin ang lungsod ng mga seminar para magkaroon ang mga Navoteño ng kaalaman kung paano magsimula ng negosyo.

Kasama rito ang limang NegoSerye, apat na Hanapbuhay Caravan, tatlong barangay skills training, apat na Department of Trade and Industry-Negosyo Center seminar, at ang taunang Youth Entrepreneurship Summit.

Umabot sa 1,759 residente ang lumahok sa nasabing mga pagsasanay.

Nagkaroon din ang Navotas ng karagdagang skilled workers sa pagtatapos ng 305 estu­dyante ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Bukod sa mga trabaho at pagsasanay, naghandog din ang Navotas ng iba-ibang tulong pangkabuhayan.

Isandaang benepisaryo ng NavoBangka-buhayan program ang nabigyan ng lungsod ng 50 fiberglass bangka na may kasamang 18hp makina at kom­pletong mga lambat at iba pang kagamitan.

Dagdag dito, 414 rehistra­dong mangingisda ang nakatang­gap ng iba-ibang klase ng lambat.

Umabot sa P595,000 ang ipinamahagi ng lungsod sa 18 bago at 44 lumang aplikante sa Tulong Puhunan program, kasama ang mga tricycle drivers at may-ari ng sari-sari store.

Kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno, namigay ang Navo­tas ng tulong pangkabuhayan sa mga kalipikadong benepisaryo.

Animnapu ang nakatanggap ng P10,000 halaga ng groceries para sa sari-sari store mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamamagitan ng OWWA Balik-Pinas, Balik Hanapbuhay Program. Labindalawa naman ang nakatanggap ng kapital para sa sari-sari store mula sa Department of Labor and Employ­ment. Tatlo ang nagkaroon ng tulong pangkabuhayan na nagkakahalagang P5,000 mula sa pondo ng Department of Social Welfare and Development–National Capital Region.

“Nagsisikap ang pamaha­laang lungsod na makapagbigay ng disenteng trabaho at oportunidad pangkabuhayan sa mga Navoteño. Hangad namin na makagawa pa ng mga programa at serbisyong tutulong sa aming mamamayan para magkaroon sila ng makabuluhang trabaho at sustenableng pagkakakitaan,” ani Tiangco.  (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

SM Trabaho para sa Bayan JOBS 1

SM leads job creation with ‘Trabaho para sa Bayan: Job Opportunities Building Skills (J.O.B.S.)’

The quest for an empowered Filipino workforce accelerated as SM Supermalls, the Private Sector Advisory …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng …

Kultura Feat Filipino Design Studio

The Filipino Design Studio: Proudly Made in the Philippines

Back and bigger than ever! Returning this May 2 to 9 at Mega Fashion Hall, …

Krystall Herbal Oil

Bitak-bitak na sakong dulot ng diabetes pinaghilom ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *