Saturday , July 27 2024

Deportation ng 106 Pinoy illegal workers mula Iraq

IPINAGMALAKI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang napaulat na pitong tourist workers ang naharang umano ng kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) bago makaalis patu­ngong Malaysia, kama­kailan.

Ayon kay Morente, lima sa kanila ay peke ang mga dokumento at mula sa Malaysia magtutungo sana sa Australia para magtrabaho.

Napag-alaman pa umano ng mga BI personnel sa NAIA na kasama ng grupo ang isang babae na may mga nakabinbing kaso ng estafa at illegal recruitment.

Umamin daw na nagsipagbayad sila ng halagang mula P125,000 hanggang P175,000 sa recruiters na nagproseso ng kanilang mga papeles upang makaalis at makapagtrabaho sa nasabing bansa.

Ang ipinagtataka natin, kung sa bansang Australia ang tungo nila ay bakit kailangan pa nilang dumaan sa Malaysia?

Sakali ba na nakaalis sila at hindi naharang halimbawa, pagdating ba nila sa Malaysia ay magic, biglang magiging tunay ang gamit nilang dokumento para makapasok sa Australia?

Hindi kaya pinaglololoko kung ‘di man pinaiikot na parang turumpo ng kanyang mga tauhan sa NAIA si Morente?

Sa pagkakaalam natin, isa ang Australia sa mga bansa na kilalang mahigpit ang Immigration kaya’t imposibleng mapalusutan ng mga nagbabalak pumasok sa kanila na peke ang gamit na dokumento.

Ibig sabihin, saan man airport o paliparan sa Australia sila lumapag, tiyak na sa Immigration pa lang ay sasalto na ang sinomang magtatangkang pumasok na peke ang dokumento.

Nunca. Wala pang maunlad na bansang gaya ng Australia na napabalitang nakipagsabwatan ang kanilang Immigration personnel sa sindikato ng human trafficking at illegal recruiters – dito lang sa atin.

Duda tayo na gawa-gawang kuwento lang ito ng mga tauhan ni Morente.

Posible, kung totoo man, hindi sa Australia ang destinasyon ng mga sinasabing tourist workers na naharang sa NAIA kung ‘di sa ban­sang Iraq na kasalukuyang ban ang deployment o pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs).

Nitong Sabado, 106 distressed overseas Filipino workers ang dumating sa NAIA Terminal 2 mula sa Dubai, UAE na sinasabing biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Hindi pa maliwanag kung paano sila sabay-sabay na pinabalik sa bansa mula sa Iraq.

Isang emergency meeting ang ipinatawag ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa mga kasaping ahensiya ng gobyerno na ginanap sa DFA noong Biyernes ng umaga.

Nagsimula ang lahat noong October 4, inalarma ng DFA ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) base sa report ng ating Embahada tungkol sa 30 Filipino workers na may approved visa na makapagtrabaho sa Al Karam Restaurant sa Baghdad.

Sa liham ng DFA sa IACAT, ang 30 OFWs na pawang ni-recruit sa pamamagitan ng social media (Facebook) at nakatakdang umalis kung ‘di man sa NAIA ay sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) sa Clark patungong Dubai na tourist visa ang gamit bago dumeretso sa Baghdad.

Bago makarating sa Baghdad, ang Pinoy illegal workers ay nagpapanggap munang mga turista patungong Dubai, Bangkok at Kuala Lumpur.

Paano sila nakaalis ng bansa gayong may umiiral na deployment ban ng OFW sa Iraq?

Pakibusisi nga ang mga departure stamp na nakatatak sa passport ng mga pinauwing tourist workers upang malaman kung sino sa mga tauhan ng BI ang sangkot sa human smuggling na kasabwat ng illegal recuiters na travel agency.

Oras na para umeksena ang Senado at mag-imbestiga sa talamak na human trafficking ng illegal workers sa Iraq.

Abangan kung may cover-up!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *