Friday , February 3 2023
fire sunog bombero

60 pamilya nawalan ng tahanan dahil sa napabayaang kandila

HALOS 60 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa napabayaang nakasinding kandila, sa naganap na sunog sa  Barangay San Martin de Porres, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Sa report ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay nagsimula dakong 12:23 am, 8 Oktubre at umabot sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula dakong 2:00 am.

Ayon sa BFP, pawang gawa sa kahoy at iba pang light materials ang mga dikit-dikit na tahanan kaya mabilis na nasunog ang nasa 20 bahay.

Sinasabing ilan sa mga residente sa lugar ang naputulan ng supply ng koryente kaya gumamit muna ng kandila na hinihinalang pinagmulan ng sunog.

Walang namatay o nasaktan sa insidente at hindi pa batid kung magkano ang ari-arian na naabo sa nasabing sunog.

Sa ngayon ay kinakalinga ni San Martin De Porres barangay chairman Mervin Viray, ang mga nasunugan na pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Naty Castro

Bansag na ‘terorista’ ng ATC kay Doc Naty pinalagan

KINONDENA ni House Deputy Minority leader Rep. France Castro ng ACT Teachers party-list ang pagbabansag …

Rex Gatchalian DSWD

Rex Gatchalian bagong DSWD secretary

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si  Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian (1st district) …

money thief

2 Australiana, ninakawan ng Nigerian sa QC condo

TINANGAY ng isang Nigerian ang US$39,000 ng dalawang Australiana na kaniyang katransaksiyon sa negosyo sa …

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng bagong konsehal ng pamahalaang bayan …

Bulacan Police PNP

8 tulak, 5 wanted inihoyo ng pulisya

MAGKAKASUNOD na naaresto ang walong hinihinalang mga notoryus na tulak ng ilegal na droga at …

Leave a Reply