Monday , May 20 2024

Metropolitan theatre magbubukas sa 2020

INAASAHANG sa susunod na taon, muli nang mabubuksan sa publiko ang makasaysayang Manila Metropolitan Theatre.

Ito ang inianunsiyo ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) matapos mag-inspeksiyon kasama si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Kasama rin sa mga nag-inspeksiyon ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Komisyons a Wikang Filipino chair, National Artist for Literature Virgilio Almario.

Sa 2020 planong buksan ang magkabilang wing ng naturang teatro  habang bubuksan sa publiko ang buong  makabagong Metropolitan  Theatre Complex  sa 2021.

Ayon kay NHCP Chairman Rene Escalante, sa Pebrero ang target dahil Arts month habang Heritage month naman sa Mayo, na may malalaking okasyong idaraos.

Paliwanag ni Escalante, natagalan ang restoration sa teatro dahil nagkaroon ng problema sa sinunod na conservation plan ng naturang gusali.

Aniya, mayroong artwork sa loob na kailangan pag-aralan mula sa naging restorasyon nito noong 1978 matapos masira sa ikalawang digmaan noong 1945.

Dahil dito susundin ang orihinal na disenyo ng naturang teatro nang buksan ito taong 1931.

Plano rin ng NCCA na maibalik ang ‘Sarsuwela’ na una uma­nong ipapalabas sa sandaling magbukas ang teatro upang mamulat ang mga kabataan sa sining at  kultura noong unang panahon.

Matatandaan na isinara ang nasabing teatro upang sumailalim sa rehabilitasyon sa panga­ngalaga ng NCAA noong 2015 matapos mabili sa GSIS sa halagang P270 milyon.

About hataw tabloid

Check Also

FTSFI 8th Kasalan sa SM 1

SM Group unites 16 couples in mass wedding

On May 15, 2024, 16 couples exchanged vows at the 8th Kasalan sa SM, an …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kabag sa alimuom ng ulan tanggal sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

DOST Collaborates with Vintar to Establish Bamboo Textile Hub

DOST Collaborates with Vintar to Establish Bamboo Textile Hub

THE Department of Science and Technology Region 1 (DOST 1), through the Provincial Science and …

DOST brings Starbooks to Region 2

DOST brings ‘Starbooks’ to Region 2

THE Department of Science and Technology Region 2 and the Office of the 4th Legislative …

DOST PAGASA to launch Mindanao’s first planetarium

DOST PAGASA to launch Mindanao’s first planetarium

The Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *