Saturday , December 6 2025

News

Mga testigo ihaharap sa Kamara — solon… Ebidensiya vs Primewater matibay

TINIYAK ng Makabayan bloc na mayroon silang matitibay na ebidensiya at mga testigong handang humarap sa House of Representatives sa oras na gumulong ang imbestigasyon sa sinabing maanomalyang takeover ng Villar-owned Primewater Infrastucture Corporation sa ilang local water districts sa bansa. Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, ang mga resource person at mga testigong kanilang ihaharap ay kinabibilangan ng …

Read More »

Palace reporters, Defense, FOCAP kontra paninikil sa press freedom

media press killing

UMALMA ang Mala­cañang Press Corps sa anomang uri ng paraan na sisikil sa kalayaan sa pamahahayag. Ang pahayag ay ginawa ng MPC kasunod ng paghahain ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa ABS-CBN. “In light of the recent developments, par­ticularly to ABS-CBN’s franchise issue, the MPC deplores any attempt to curtail these freedoms, …

Read More »

ABS-CBN franchise ma-expired man… Operasyon ng Lopez TV network tuloy pa rin

ABS-CBN congress kamara

PINAWI ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangamba ng mga empleyado ng ABS-CBN matapos sabihin na maa­ari pa rin mag-operate ang naturang television network kahit paso na ang prankisa nito. Ayon kay Go sa 5 May 2020, mapapaso ang prankisa ng ABS-CBN, 45 araw matapos ang expiration date sa 30 March 2020. Ipinaliwanag ni Go, sakaling hindi mai-renew ang prankisa …

Read More »

OWWA makikipag-usap sa Taiwanese employers

NAKATAKDANG ma­ki­pag-ugnayan ang Over­seas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga employer ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan na kabilang sa mga “stranded” dahil sa ipina­tutupad na travel ban ng pamahalaan kaugnay ng banta ng corona virus disease o COVID-19. Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, tutulong ang Labor office na makipag-ugnayan sa mga employer ng Pinoy workers …

Read More »

Travel ban vs Taiwan iginiit ng Malacañang

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang pasya na isama ang Taiwan sa mga bansang ipinatutupad ang temporary travel ban. “The temporary travel ban to and from Taiwan and the Philippines was the decision of the majority members of the Task Force. The health of the Filipino people is our outmost concern,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea. Nais aniya ng pama­halaan na …

Read More »

Kargo ng importers deretsong ihatid sa may-ari — BoC

customs BOC

IMINUNGKAHI ni dating Customs Commissioner Titus Villanueva sa isang media forum na baguhin ang sistema ng “processing of imports” sa Customs upang tuluyang maalis o mabawasan ang graft and corruption sa ahensiyang ito. Ipinaliwanag ni Villanueva na ang kasalu­kuyang patakaran na pagbababa ng mga kargo bago i-release ay bukas sa ‘kotongan’ dahil ito ay pwedeng hanapan ng violations kahit malinis …

Read More »

VFA tinapos ni Duterte (PH susuyuin ng Kano — Palasyo)

TINULDUKAN na ng administrasyong Duterte ang Visiting Forces Agree­ment (VFA) nang ipadala sa US government ang notice of termination kahapon. Inianunsiyo ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kaha­pon. Magiging epektibo aniya ang pagpapa­walang bisa sa VFA matapos ang 180 araw. Matatandaan, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA matapos kanselahin ng US ang …

Read More »

“No to kotong” sa panahon ni Yorme Isko (400% increase sa koleksiyon ibinida ng MTPB)

TUMATAGINTING na 400% ang itinaas ng koleksiyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kompara noong nakalipas na taon. Ito ang ipinagmalaki ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga empleyado ng Manila City Hall, sa kanyang talumpati kamakalawa. Base sa pahayag ni Mayor Isko, iniulat ni MPTB chief Dennis Viaje na ang anim na buwang kinolekta ng nakaraang administrasyon ay katumbas lamang …

Read More »

Montero nagwala sa Raon… Babae patay sa freak accident (6 pedestrians sugatan)

PATAY agad ang isang babaeng pedestrian habang anim ang isinugod sa dalawang pagamutan nang mapitpit at masoro ng isang Montero SUV na umuugong ang makina at mabilis na umatras sa kinaroroonan ng mga biktima sa Quiapo, Maynila. Patingkayad at tila nabali ang likod ng babaeng biktima nang mapitpit ang katawan ng Mitsubishi Montero, may plakang RKM-602 nang tila magwala ang …

Read More »

Flight Manila-Xiamen-Manila… 124 pasahero ng PAL Special Flight maayos na nakabalik sa bansa

LUMAPAG sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ang Philippine Airlines (PAL) special flight mula Manila-Xiamen-Manila, Airbus 321 na may 199 seating capacity dakong 1:16 pm nitong Lunes, 10 Pebrero na may lulang 124 pasahero kabilang ang 51 Chinese national na may hawak na permanent visa. Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, lulan ng special flight PR 335 …

Read More »

Quo warranto ni Calida babala sa kongresista

AYAW suportahan ng mga kongresista ang quo warranto case na isinam­pa ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN. Ani House Deputy Speaker Johnny Pimentel, isang uri ng pananakot ito sa mga kongresistang sumusuporta sa renewal ng prankisa ng dambu­halang media company. Sa panig ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodri­guez, ang quo warranto sa ABS-CBN ay labag sa Saligang …

Read More »

Nabuking ng COA… Anomalya sa Kaliwa dam deal

NASILIP ng Commission on Audit (COA) ang ilang iregularidad sa paggagawad ng kontrata para sa konstruksiyon ng P12.2-bilyong proyekto para sa Kaliwa Dam project sa Infanta, Quezon sa isang Chinese firm. Sa walong-pahinang audit observation memo­randum na may petsang 10 Hunyo 2019, sinabi ng COA na nabigo ang technical working group (TWG) ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na …

Read More »

Utos ni Digong kay Panelo dada lang, ‘di dokumentado

DOKUMENTO at hindi dada ang puwedeng maging basehan sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ito ang inamin ng Palasyo kasunod nang pag-alma nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inutusan ni Pangulong Duterte si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na simulan ang pagpoproseso sa pagbasura ng VFA. Sinabi …

Read More »

Chinese na nanagasa, nandura, ‘ipinatatapon ni Manila Mayor Isko

NAIS ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso na ideklarang undesirable alien o ipatapon sa labas ng bansa ang Chinese national na nanagasa at nandura sa pulis nang sitahin dahil sa paglabag sa number coding. Sa kanyang capital report, inatasan ng alkalde ang MPD Special Mayors Reaction Team (SMaRT) na makipag-ugnayan sa Bureau of Immigration (BI) para sa tamang proseso patawan ng …

Read More »

‘Komisyoner’ sa maralita… Nanghihingi ng ‘picture’ isumbong kay Isko

HUMIHINGI ng tulong si Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga Manileño upang tuluyan nang matuldukan ang mga ‘enterprising individuals’ na nagpapahirap sa maralitang taga-lungsod. Kaugnay nito, hinikayat ni Mayor Isko ang mga residente ng lungsod na agad ipaalam sa kanya ang mga tinaguriang ‘Eddie’ at ‘Patty’ na tila mga ‘komisyoner’ na nanghihingi ng komisyon o ‘picture’ sa mga  pinagkakalooban ng  …

Read More »

Kelot nasakote sa P.1-M shabu

shabu drug arrest

NASABAT ng mga awtoridad ang halos P100,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw. Sasailalim sa inquest proceedings para sa ka-song Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 sa Las Piñas Pro­secutor’s Office ang suspek na si Antonio Chua, alyas Ponga, 50 anyos, residente sa Love Street, Saint …

Read More »

Koreano galing sa casino hinoldap saka pinagbabaril

dead gun police

ISA sa sinisilip na moti­bo ng Pasay City Police ang pang­hoholdap sa nangyaring pamamaril sa isang driver na may sakay na dalawang Korean national mula sa casino nang harangin ng mga hindi kilalang suspek ang sinasakyang Starex Van ng mga biktima sa Pasay City, nitong Sabado. Patuloy na inoob­serbahan sa San Juan de Dios Hospital ang driver na si Resty …

Read More »

Duterte nababahala sa ekonomiya dahil sa nCoV

NABABAHALA si Pangu­long Rodrigo Duter­te sa epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa 2019 novel coronavirus outbreak. Ayon kay Pre­siden­tial Spokesman Salvador Panelo, ginaga­wan na ng paraan ng adminis­trasyon para matugunan ang naturang problema. Nauna nang iniha­yag ni Socio Economic Planning Secretary Ernes­to Pernia na aabot sa P133 bilyon ang mawa­wala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa nCov hanggang Disyembre. Ayon …

Read More »

PH handa sa community transmission ng nCoV — DOH

NAKAHANDA ang Department of Health sakaling magkaroon ng community transmission ng 2019 novel coronavirus sa bansa, ayon sa Pala­syo. Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may sagot na ang pamahalaan sakaling magkaroon ng kaso ng community transmission. Sa pinakahuling tala­an ng DOH, umabot na sa 267 katao ang imino-monitor ng kanilang hanay na posibleng tina­maan ng coronavirus. Ayon kay …

Read More »

Pinoys sa quarantine ipagdasal — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na ipagdasal na makauwi nang walang aberya sa kani-kanilang pamilya ang 30 Pinoy mula sa China at ang repatriation ream matapos ang 14-day quarantine period. “Let us pray for our fellow countrymen, as well as of the members of the repatriation team for their well being and that they do not show any symptom of …

Read More »

Chinese at Romanian national… Bangkay ng 2 ‘alien’ iimbestigahan sa nCoV

dead

DALAWANG dayuhan ang namatay sa karaga­tan ng Filipinas ang isinasailalim ngayon sa imbestogasyn kaugnay ng 2019 novel coronavirus (nCoV). Ang isang bangkay ay natagpuang walang buhay at palutang-lutang sa tubig, isang Chinese national na may sukbit pang backpack sa tapat ng MJ Cafe sa Manila Bay sidewalk, Malate, May­nila kahapon ng umaga. Base sa ulat ng Manila Police District (MDP) …

Read More »

Mula sa PSALM pantugon sa nCoV crisis… Power firm ni Ramon Ang dapat singilin sa P19-B utang

SA HARAP ng ginagawang pag­busisi sa mga onerous contract na pin­asok ng gobyerno sa mga nakaraang adminis­trasyon, hinamon ng Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na habulin at pagbayarin ang mga negosyanteng malapit sa kanya na may malaking pagkakautang sa pamahalaan. Ayon kina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate, makikita ang sinseridad ng adminis­trasyon …

Read More »

BABALA: Ian Darcy bistadong hindi rehistrado

NABERIPIKA ng Center for Cosmetics Regulation and Research ng Food and Drug Administration (FDA), alinsunod sa ginawang monitoring at sample purchase ng pabango na hindi rehistrado ang pabangong Ian Darcy Eau de Parfum. Sa ilalim ng batas, kinakailangang mag­ notify o magrehistro sa FDA ang lahat ng produktong cosmetics, kabilang ang mga paba­ngong ibebenta sa publiko. Ito ay upang masigu­rado …

Read More »

Traffic enforcer tinakasan… Tsekwang alien nasakote droga nakuha sa SUV umarestong parak sinumpit ng laway

NASAKOTE ng Manila Police District (MPD) ang  isang 50-anyos Chinese national na nahaharap sa patong-patong na kaso makaraang takasan ang dalawang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa isang traffic violation kahapon ng umaga sa Binondo na nagtapos sa panulukan ng Tayuman at Abad Santos Avenue Tondo sa lungsod ng Maynila. Sa ulat, kinilala ang suspek na si …

Read More »

Amo namatay sa nCoV… Ikalawang Pinay DH sa HK isinailalim sa 14-araw quarantine

INIHAYAG ng Konsula­do ng Filipinas sa Hong Kong (HK) ang ikalawang Pinay domestic helper (DH) na isinailalim ngayon sa 14-araw na quarantine bilang protocol ng HK government. Ang ikalawang Pinay ay nalantad sa kanyang employer nang mag­positibo sa 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD) at namatay. Ayon sa Konsulado, katulad rin ng unang kaso ng Pinay worker na nalantad sa …

Read More »