Monday , November 29 2021

Electrician arestado (OFW hinataw ng helmet sa ulo)

BASAG ang ulo ng isang OFW (overseas Filipino worker) makaraang paghahatawin ng helmet ng isang electrician sa kanilang pagtatalo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Fatima University Medical Center (FUMC) sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang kinilalang si Mark Daryl Mohal, 33 anyos, residente sa Block 1 Lot 21 Phase 6, Ilang-ilang St., Sta. Lucia Village, Barangay Punturin ng nasabing lungsod.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na kinilalang si Joey Cabantugan, 33 anyos, residente rin sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 5:00 pm, umalis ang biktima sa inuman at mga kaibigan na nagdiriwang ng ka­arawan sa Meycauyan City at umuwi sa kanilang bahay sa Valenzuela sakay ng kanyang Honda Jazz car.

Makalipas ang 30 minuto, bumalik ang biktima sa Meycauayan City sakay ng kanyang motorsiklo at ipinaalam sa kanyang mga kaibigan na habang pauwi siya sakay ng kotse ay nakatalo niya ang suspek sa P. Faustino St.

Matapos ito, umalis si Mohal ngunit nakatunog ang saksing si Jeffrey Pineda, 38 anyos, na maaaring matrobol ang biktima kaya’t sinundan kasama ang dalawang kaanak sakay ng kanilang motorsiklo.

Pagsapit sa P. Faustino St., nakita ng saksi ang suspek na hawak ang helmet ni Mohal at pinagpapalo sa ulo hanggang bumagsak sa kalsada.

Tinangkang awatin ng saksi at kanyang kaanak ang suspek ngunit nabaling sa kanila ang galit nito hanggang maawat ng mga concern citizen si Cabantugan na inaresto ng nag­respon­deng mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP-7).

Isinugod ng nag­respondeng barangay tanod ang biktima sa Valenzuela City Emergency Hospital at kalaunan ay inilipat sa Meycauyan Doctor’s Hospital saka inilipat muli sa FUMC. (R.SAles)

About Rommel Sales

Check Also

Joy Belmonte Bike Lane

Ligtas at makabagong bike lanes handog ni Belmonte sa mga siklista

IKINATUWA ng maraming siklista ang ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na pagandahin at gawing …

112921 Hataw Frontpage

Presidentiables taob kay ping sa WPS issue

HATAW News Team NAPUKAW ang atensiyon ng higit na nakararaming Pinoy sa problemang bumabalot sa …

112921 Hataw Frontpage

Babala sa Omicron
14 BANSA INILAGAY SA RED LIST

ni ROSE NOVENARIO LABING-APAT na bansa ang nasa red list mula 28 Nobyembre hanggang 15 …

Most wanted rapist sa Tarlac nakalawit

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa lalawigan …

2 nang-abuso, inihoyo 3 huli sa pot session, 3 pugante arestado

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaking may kasong pang-aabuso gayondin ang tatlong hinihinalang drug …

Leave a Reply