Saturday , January 11 2025

News

Appointment ni Honasan sa DICT ikinatuwa ni Albano

IKINAGALAK ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III ang desisyon ni Pangulong Duterte na i-appoint si Sen. Gregoria Honasan bilang Secretary of the Department of Information and Communications Technology (DICT). Si Albano, na nagsilbi bilang lider ng pangkat ng Kamara sa Commission on Appointments, nani­niwala na si Honasan ay kalipikado sa trabaho dahil sa kanyang military background. Ani Albano, bilang military …

Read More »

54 distressed OFWs mula Saudi Arabia nasa PH na

Saudi Arabia

NAKABALIK na sa Fili­pi­nas ang 54 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Saudi Arabia, nitong Linggo. Ayon kay Labor Secretary Silvestro Bello III, ang OFWs ay em­pleyado ng Azmeel Contracting Corporation sa Alkhobar na matatan­daang nagkaroon pro­blema noong Agosto dahil umano sa hindi pagbibigay ng tamang sahod sa mga trabahador. Sinabi ni Bello, haha­napan ang mga OFW ng trabaho sa …

Read More »

Ex-PBA coach inasunto sa pamamaril

Dante Silverio

SINAMPAHAN ng kaso sa Makati Prose­cutor’s Office ang da­ting coach ng Philippine Basketball Association (PBA) at sports car enthusiast na si Dante Silverio, makaraan ma­maril sa kanilang lugar. Inaresto si Silverio ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa kasong alarm scan­dal. Base sa ulat ng puli­s-ya, si Silverio, 81, ay hinuli ng pulisya noong 9 Nobyembre, bandang 10:23 am sa loob …

Read More »

Duterte dadalo sa Asean Summit sa Singapore

NAKATUON sa pagpa­palawak ng kaunlaran at seguridad ang 33rd ASEAN at Related Sum­mits sa Singapore na da­dalohan ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang world leaders nga­yon. Aalis ngayong 4:30 ng hapon sa Davao City si Pangulong Duterte upang dumalo at isulong ang mahahalagang usapin sa Filipinas sa ASEAN, na ang tema ngayong taon ay “A Resilient and Innovative ASEAN.” …

Read More »

Aquino, DOH off’ls target sa Senate reinvestigation

dengue vaccine Dengvaxia money

Si dating Pangulong Benigno Aquino III at isang mataas ng opisyal ny Department of Health ang balak panagutin ng Kamara sa muling pag­bu­­­­bukas ng pagsisiyasat sa isyu ng Dengvaxia. Ayon sa pinuno ng House Committee on Good Government kulang ang isinumiteng com­mittee report ng naka­raang pamunuan ng komite kaya bubuksan niya itong muli. Ayon kay Rep. Xjay Romualdo, wala sa …

Read More »

Anarkiya umiiral sa Customs — Digong

Bureau of Customs BOC Duterte Rey Leonardo Guerrero

UMIIRAL ang anarkiya sa Bureau of Customs na dapat masawata ng militar, ayon kay Pangu­long Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Palawan kamakalawa, kaya niya itinalaga si dating AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero bilang Customs chief, at nagpakalat ng mga sundalo sa Aduana, ay upang panatilihin ang kapayapaan. “They are there to keep peace because …

Read More »

Beteranong reporter patay sa ‘saksak’ ng 15-pulgadang itak (Sa Albay)

PATAY ang isang beteranong mama­mahayag makaraan pagsasaksakin sa bayan ng Daraga, Albay, nitong Linggo. Ayon sa isang testigo, nakita niyang papalabas ng basketball court ang biktimang si Celso Amo na may saksak sa likod. Ngunit hinabol ng suspek at muling inun­da­­yan ng saksak ang biktima. Mabilis na nagres­pon­de ang mga pulis na ilang metro lang ang layo ng istasyon sa …

Read More »

Pinoys hilahod sa Train Law (Solons desmayado)

MALAPIT nang matapos ang 2018 pero patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Pinoy, ayon sa opisisyon sa kabila ng pahayag ng Philippine Statistics Authority na ang inflation noong naka­raang Oktubre ay nana­tiling 6.7 porsiyento. Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, ha­bang minamaliit ng administrasyong Duterte ang datos mula sa PSA, ang katotohanan ay na­pa­­kataas ng presyo ng mga bilihin …

Read More »

Responsable sa Dengvaxia scandal mananagot (Tiniyak ng Palasyo)

dengue vaccine Dengvaxia money

TINIYAK ng Palasyo na ka­ka­suhan ang mga res­ponsableng personalidad  sa palpak na  anti-dengue vaccine program bago matapos ang kasalukuyang buwan. “Appropriate charges will be lodged and pursued against government officials and private individuals found responsible by the DOJ for this failed health program for children,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Tinututukan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng …

Read More »

‘Bangky’ ng Forevermore natagpuang patay  sa beach resort

PUMANAW na ang bete­ranong character actor na si Nonong de Andres, mas kilala sa showbiz bilang si “Bangkay.” Siya ay binawian ng buhay nitong Martes ng umaga, 6 Noyembre. Siya ay 71-anyos. Kinompirma ng pa­mangkin ni De Andres na si Paolo Capino ang pag­panaw ng aktor. Ayon kay Capino, namatay ang kanyang tiyuhin sa bahay ng kai­bigan niyang mayor ng …

Read More »

Produksiyon ng magsasaka, mangingisda, tataas (Sa climate smart training) — Villar

BUO ang paniniwala ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Com­mittee on Agriculture, na tataas ang produksiyon sa agrikultura sa bansa at ma­gagawang makasabay ng mga mangingisda at magsa­saka sa hamon ng moderi­sasyon at climate change matapos ang dinaanang training at pag-aaral sa isang climate smart training business school. Inihayag ito ni Villar sa kanyang pagdalo sa gra­duation ceremony ng …

Read More »

‘Stairway to heaven’ footbridge idinepensa ng MMDA (Sa Kamuning)

stairway to heaven footbridge Mount EDSA biyaheng langit footbridge

HINDI para sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens at mga buntis ang napakataas na footbridge sa EDSA-Kamuning sa Que­zon City kundi sa mga able-bodied pedestrians, ayon sa  Metropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA). Inihayag ito ni MMDA General Manager Jose Arturo “Jojo” Garcia Jr., makaraan mag-viral sa social media ang retrato ng footbridge at binira ng ilang netizens ang sobrang taas na …

Read More »

P55 Bilyones koleksiyon kada buwan (Utos ni Dominguez sa BoC)

BUKOD sa linisin sa korupsiyon ang Bureau of Customs (BoC), iniutos ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Customs chief Rey Leonardo Guerrero na kumolekta ng P55 bilyones kada buwan. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokes­person Salvador Panelo, ang direktiba kay Guer­rero ni Dominguez ay iniutos ng Kalihim nang sila’y magpulong noong nakaraang Miyerkoles. Samantala, no com­ment muna …

Read More »

6 laborer arestado sa pagbatak ng bato sa construction site

construction

ANIM kalalakihan na pawang construction worker ang nadakip makaraan mahuli sa aktong bumabatak ng shabu sa kanilang barracks sa construction site sa Valenzuela City, kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Jerick Roy, 29, welder; Anselmo Cabatingan, 52, machine operator; Jessie Ballecer, 45; John Oliver Reyes, 28, helper; Jomar Yandoc, 28, crane operator, at Mark Anthony Dumalay, 39, crane rigger. Batay sa …

Read More »

Flight schedules iniabiso ng CebuPac (Sa pagsasara ng NAIA runway)

INIANUNSIYO  ng Cebu Pacific ang pagbabago sa schedule ng kanilang flights dahil sa pagsasara ng Ninoy Aquino International Airport runway mula 12:00 am hanggang 6:00 am sa 12-17 at 19-22 Nobyembre 2018. Bibigyang-daan ang pagsasara sa runway ang mahalagang maintenance work na pangungunahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA). Ang sumusunod na …

Read More »

Katiwalian sa PNP mababawasan — Lacson (Sa taas-sahod sa pulis)

UMAASA si Senador Pan­filo Lacson na mababa­wasan ang katiwalian sa Philippine National Police (PNP) o mawawala na ang kotong cops kapag ipina­tupad sa Enero 2019 ang pagtataas ng sahod sa mga pulis. Naniniwala rin ang Se­na­dor na magiging epektibo ang pagtataas sa sahod at mga benepisyo sa mga pulis dahil sa “political will” ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisakaruparan ito …

Read More »

‘Di makatarungan — ALU-TUCP (P25 wage hike)

25 pesos wage hike

NGUNIT para sa taga­pagsalita ng ALU-TUCP, na humirit ng kabuuang P334 umento, hindi makatarungan ang P25 umento para sa mga sumasahod ng minimum sa Metro Manila. “This is a great injustice for workers who helped build the business. This is injustice for workers who helped our economy grow,” pahayag ni ALU-TUCP spokes­person Alan Tanjusay. Ayon kay Tanjusay, nais nilang maka-dialogo …

Read More »

12 tripulante nasagip sa lumubog na barko (Patungong Boracay)

NASAGIP ang lahat ng 12 tripulante mula sa lumubog na barko na patungong Boracay, sa Caticlan coast sa Malay, Aklan nitong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard. Sinabi ni Capt. Armand Balilo, Coast Guard spokesperson, ang LCT Bato Twin vessel ay nakitang nakalubog na ang kalahating bahagi dakong 10:25 am. Ayon kay Balilo, ang barko na …

Read More »

Aplikante sa Kuwait Airways dumagsa (P56,000 sahod kada buwan)

OFW kuwait

BAGAMA’T Linggo, dinagsa ng mga aplikante ang unang araw ng pasahan ng aplikasyon para sa higit 400 traba­hong iniaalok sa mga Filipino ng Kuwait Airways, ang flag carrier ng bansang Kuwait. Nasa 100 aplikante ang nagtungo nitong Linggo sa Yaazeemir International Manpower Agency sa Ermita, May­nila, tanggapan na maaaring mag-aplay para sa Kuwait Airways. Ayon sa mga aplikante, hangad nilang …

Read More »

‘Bakasyonista’ bumuhos sa Metro (Pagkaraan ng Undas)

cemetery

DUMAGSA ang umu­wing mga pasahero sa Metro Manila nitong Linggo pagkaraan ng mahabang bakasyon sa mga lalawigan dahil sa paggunita sa Undas. Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, at sa bus terminal sa Pasay City, maraming mga pasahero ang bumaba mula sa mga bus nitong Linggo. Karamihan sa kanila ay sumakay ng taxi ha­bang ang ilan ay …

Read More »

18-anyos dalagita dinonselya ng kapitbahay (Naghanap ng signal)

rape

HINDI inakala ng isang 18-anyos dalaga na ang hangarin niyang maka­sagap ng signal para sa kanyang cellphone ang magiging dahilan ng pagkalugso ng kanyang puri sa Sto. Cristo, Angat, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat kay S/Supt. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PPO, nangyari ang insidente nang lumabas ng bahay ang 18-anyos biktima dakong 10:00 pm para magpunta …

Read More »

Regional Engineering Brigades isulong — solon

IMINUNGKAHI ng isang kongresista sa Isabela na magkaroon ng engineering brigades ng Armed Forces of the Philippines sa bawat rehiyon ng bansa upang agarang makaresponde ang gobyerno sa mga sakuna. Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano ang mga engineer ng Armed Forces ang dapat ma­ngunang magres­ponde sa mga sakuna kagaya nitong nakaraang pa­nanalanta ng bagyong Rosita na nagdulot ng malaking …

Read More »

Mas ligtas, maayos na evacuation centers (Para sa calamity victims) — Bong Go

MAS ligtas at maayos na evacuation centers para sa mga biktima ng kala­midad. Ito ang isa sa naka­paloob sa legislative agenda ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go kapag pinalad sa kan­yang pagsabak sa 2019 senatorial polls. “Panahon na po para magpatayo ng safe na evacuation centers na may kompletong pasilidad — may CR, may higaan, para …

Read More »