Monday , November 29 2021

Bangayan ng CBCP vs Palasyo sa Anti-Terror Law, umusok

KAHALINTULAD ng lagim ng warrantless arrests at detention sa batas militar na ipinairal ng diktadurang Marcos noong 1972 na pumatay sa demokrasya sa loob ng 14 taon ang Anti-Terror Law ng administrasyong Duterte.

Inihayag ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa inilabas na pastoral letter at nilagdaan ni CBCP acting president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Ayon sa pastoral letter, ginawang legal ng Anti-Terror Law ang warrantless arrest tulad noong 1972 sa ilalim ng “ASSOs” (arrest, search and seizure orders) na ipinatupad ng rehimeng Marcos.

“We are still in disbelief about the manner in which the contentious Anti-Terror Bill was fast-tracked and approved in both Houses of Congress while the whole country’s attention was focused on the COVID-19 pandemic,” saad sa pastoral letter.

Binalewala anila ang malakas na pagtutol sa kontrobersiyal na batas at tila naging mas matim­bang sa mga mambabatas ang “political pressure from above” kaysa tinig ng mga ordinaryong mamamayan.

Anang CBCP, kahit parang maayos pa na­man ang lagay ng  demo­krasya at ang mga institusyon ng demo­krasya ay patuloy pa namang gumagana, “para na tayong palaka na lumalangoy sa isang palayok na tubig na unti-unting pinakukuluan.”

Sa gitna anila ng malungkot na sitwasyong polItikal dulot ng pagpa­pasara sa ABS-CBN, pag­sasampa ng mga kasong kriminal sa ilang mama­mahayag, pagpatay sa libo-libong Filipino sa police operations dahil sa dudang sangkot sila sa operasyon ng ilegal na droga, paghahain ng kasong sedisyon sa ilang obispo at pari at mga aktibistang binansagang komunista ng mga opisyal ng pamahalaan, nakakukuha ng lakas ang mga mamamayan mula sa mga grupong naghain ng petisyon sa Korte Suprema.

“Will the highest level of our Judiciary assert its independence, or will they, too, succumb to political pressure?” tanong ng CBCP.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply