Saturday , January 11 2025

News

Bahay ng pulis sa Camp Bagong Diwa pinasok ng kawatan

nakaw burglar thief

NABIKTIMA ang isang pulis ng hindi pa kilalang kawatan matapos pasukin ang kanyang tirahan sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si PO3 Roy Guiyab, 32, miyem­bro ng Philippine National Police (PNP) at nakatalaga sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng South­ern Police District (SPD). Ayon sa ulat ng SPD, …

Read More »

2 bebot, 2 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan

shabu drug arrest

APAT katao kabilang ang dalawang babae ang naaresto ng mga awtoridad sa isinaga­wang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit head PCI Rengie Deimos, dakong 11:30 pm nang ikasa ng pinag-samang operatiba ng SDEU at PCP-7 sa pangunguna ni PSI Geraldson Rivera ang buy-bust operation kontra sa umano’y tulak ng droga na …

Read More »

Villafuerte gustong patalsikin si Andaya

NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte (NP) ng agarang pagpapatalsik sa puwesto kay House majority leader Rolando Andaya, Jr., sa ginawang lantarang pag-atake kay Budget Secre­tary Benjamin Diokno na maitu­turing umanong direktang pag-atake kay Pangulong Rodrigo  Duterte.  Ngayong Lunes, muling magbu­bukas ang sesyon ng dalawang kapulu­ngan ng kongreso at sinabing hu­husga­han ang kapalaran ni Andaya na umano’y dumarami …

Read More »

Angara humingi ng tulong para sa magsasaka (Sa nabulok na gulay at iba pang ani)

Department of Agriculture

NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa administrasyon na agad aksiyonan ang peligrong kinakaharap ngayon ng mga magsasakang nalugi dahil sa sumobrang ani.  Ayon sa senador, sa mga ganitong suliranin, nararapat na may nakahandang ayuda ang pamahalaan na makatutulong sa mga magsasaka sa mahabang panahon. “Hindi lang pagpapautang ang dapat na naitutulong ng gobyerno sa mga apektado nating magsasaka. Hindi ito …

Read More »

P.3-M nadale ng salisi gang

money thief

TINATAYANG aabot sa P300,000 ang nakulimbat ng isang babaeng miyem­bro ng umano’y Salisi Gang, mga tseke, mama­haling gamit, cash, gadget at iba pa sa isang nego­syante sa loob ng clinic sa Muntinlupa City, Sabado ng hapon. Halos manlumo nang dumulog sa himpi­lan ng Muntinlupa City Police ang biktima na kinilalang si Suzette Lavin, 44, upang irekla­mo ang nangyaring pag­nanakaw. Patuloy …

Read More »

Tiniyak ni Arroyo: 2019 Budget ipapasa ng Kamara

DBM budget money

NANGAKO si House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo na maipa­pasa ng Kamara ang pa­nukalang pambansang budget sa lalong mada­ling panahon sa pagbu­bukas ng sesyon ngayong araw. Ayon kay Arroyo nakikipagkonsulta ang liderato ng Kamara sa Senado at maghihintay na lamang sila sa pagpasa ng 2019 P3.757-trilyones na budget. “We do (talk with senators), but we just let them do their own time­table. …

Read More »

Marathon hearing tiniyak ni Legarda para sa 2019 budget

TINIYAK ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda na prayoridad ng senado sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw Lunes, 14 Enero, ang pagpasa sa lalong madaling panahon ng 2019 proposed nation­al budget na nabigong maiapasa noong Disyem­bre dahil sa umano’y kakapusan ng panahon kaya re-enacted ang budget ngayong buwan ng Enero. Ayon kay Legarda, hindi niya sasayangin ang pagsasagawa …

Read More »

Kamara bantay-sarado sa proyekto ng gobyeno

PAGKATAPOS tuparin ang legislative agenda ni Pangulong Duterte, pagtutuunan ng pansin ngayon ng Kamara ang mga batas na dapat ipa­tupad at ang mga proyektong nakabinbin. “We already finished the legislative agenda that President Duterte asked for in his SONA (State of the Nation Address last July 23). So now we will spend more time on oversight, because there are laws …

Read More »

77-anyos stroke-patient na lola ginahasa ng hayok na kapitbahay

rape

KATARUNGAN ang hinihingi ng pamilya ng isang matandang babae matapos gahasain ng kapitbahay sa Brgy. Pritil, Guiguinto, Bulacan. Batay sa ulat ng Guiguinto police, ang sus­pek na kanilang inaresto ay kinilalang si Roque Maxie dela Cruz alyas Ogie, 44-anyos, na inire­klamo ng pangga­gahasa sa isang 77-anyos na lola. Ayon sa pahayag ng biktima, naalimpungatan siya sa pagtulog nang maramdamang umangat …

Read More »

Bacolod COP sinibak ni Duterte (Sangkot sa ilegal na droga)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng pulisya sa Baco­lod City dahil sa pagkaka­sangkot sa illegal drugs. “I’d like to know if the chief of police is here. If you are here kindly stand up because you are fired as of this moment,” anang Pangulo sa kanyang ta­lum­pati sa L’Fisher Hotel sa Bacolod City kama­kalawa. “In your involvement in …

Read More »

Deguito ng RCBC 7-taon kulong sa money laundering

APAT hanggang pitong taong pagka­kakulong ang inihatol ng Makati City Regional Trial Court (RTC) sa dating RCBC Jupiter branch manager sa kasong money laundering kahapon ng umaga sa lungsod. Sa 26-pahinang desi­syon ni Makati RTC Judge Cesar Untalan ng Branch 149, si Maia Santos-Deguito, nasa hustong, dating RCBC manager ay may sapat na basehan para idiin sa kaso sa walong …

Read More »

Pekeng enforcer kalaboso sa Pasay

arrest posas

INIREKLAMO ng pangongotong ang 57-anyos lalaki na nagpanggap na traffic enforcer ng isang rider na hinihingan ng lagay kapalit ng hindi umano pag-iisyu ng tiket sa ginawang vilotation ng biktima sa Pasay City kahapon ng umaga. Sa report na natanggap ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, ang hinuling suspek ay kinilalang si Marcelo Frias, taga-Pilapil St., Bangkusay, Tondo Maynila. …

Read More »

‘Red flags’ sa flood control scam ‘kumaway’ na sa Ombudsman

ombudsman

PUMASOK na ang Ombudsman sa isyu ng flood control scam at sa kasalukuyan ay kuma­kalap na ng mga doku­mento patungkol dito. Ayon kay Majority leader Rolando Andaya, ang field investigators ng Ombudsman ay humingi na ng kopya ng mga dokumento at testi­monya  ng mga re­source persons sa pagdinig noong 3 Enero sa Naga City. Aniya mukhang na­ka­halata na ang Office …

Read More »

‘Kidnap-torture joke’ ni Digong vs COA nagpahina sa laban vs korupsiyon — Solon

duterte gun

ANG mga biro ni Pangu­long Rodrigo Duterte laban sa Commission on Audit (COA) ay senyales ng kanyang pang-aaba sa pananagutan gayondin sa checks and balances. Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin mistulang ibina­sura ng pangulo ang kanyang kam­panya laban sa korupsiyon dahil sa mga kagayang patut­sada. “The joke will be on all of us Filipinos if we don’t call …

Read More »

Kidnap-torture sa COA officials biro lang — Palasyo

NAUNA rito inilinawng Palasyo na ‘biro’ lang ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaki-kidnap niya at ipato-torture ang mga taga-Commission on Audit (COA). Binanggit ito ng Pa­ngu­lo sa harap ng libo-libong punong barangays, kaga­wad, mga alkalde at iba pang bisita sa gina­wang Bara­ngay Summit for Peace and Order sa Pasay city, na sinundan ng malakas na tawanan ng audience.  Sinabi ni …

Read More »

3 nag-away, 1 arestado sa abutan ng shabu (Dahil sa droga)

shabu drug arrest

IKINAPAHAMAK ng tatlong sanggano ang pagwawala sa kalsada habang isa ang naaktohang nag-aabutan ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 commander C/Insp. Merben Bryan Lago, dakong 8:45 ng gabi nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang tawag hinggil sa isang grupo na nag-aamok at sa L. Lupa St. ,Brgy. 32. Pagdating …

Read More »

HIV/AIDS law nilagdaan ng Pangulo

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philip­pine HIV and AIDS Policy Act of 2018. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglagda ng Pangulo ay  maituturing na napapa­nahon at mahalaga sa harap ng report ng Department of Health (DOH) na nagsa­sabing ang Filipinas ang may pinakamataas na porsiyento ng pagtaas ng mga bagong kaso ng HIV sa Asia Pacific …

Read More »

Sen. Bam pasok na sa “winning circle”

PASOK na sa winning circle si Senador Bam Aquino kasunod ng pagtatag ng rating niya sa 9 to 16 possible contenders sa 2019 elections. Bagama’t kompiyansa si Sen. Bam na mapapabilang siya sa Magic 12, kailangan pa rin niyang kumayod nang husto dahil lumitaw sa pinakahuling Pulse Asia survey na makakadikit niya ang limang kandidato mula 9 hanggang 16. “Natutuwa …

Read More »

Poe nangunguna pa rin sa surveys

SA pangunguna sa mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong 12-18 Nobyembre 2018, Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong 7-17 Nobyembre 2018 at halos dikit kay Sen. Cynthia Villar sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong 16-19 Disyembre 2018, nakatitiyak si Sen. Grace Poe na magiging topnotcher sa nalalapit na midterm elections sa Mayo. Isa si political …

Read More »

Killer ng mag-lola sa Plaridel timbog

arrest prison

MAKARAAN ang ilang oras matapos maganap ang krimen ay naaresto ng pulisya ang lalaki na pumatay sa isang lola at apo sa Plaridel, Bulacan. Kinilala ni Bulacan PNP provincial director S/Supt. Chito Bersaluna ang suspek na si Jhay Vincent Roco Marmeto na itinuturong pumatay sa mag-lolang sina Sylvia Castillo, 64, at Cyrene San Pedro, 14, at ikina­sugat ni James Cyrus …

Read More »

DILG officer ‘kalaboso’ sa bomb joke

ISANG babaeng opera­tion officer 7 ng Depart­ment of Interior and Local Government (DILG) ang  nasa balag na alanganin matapos magbiro na may dala siyang bomba sa loob ng Cuneta Astrodome sa Pasay City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Pasay City Police chief S/Supt. Noel Flores, ang inarestong DILG operation Officer 7 na si Elsie Castillo, 57,  taga-Santan Road, Almar Subdivision, …

Read More »

2 paslit, pulis, 3 pa patay sa apoy, 1 sa stampede, 1 sa atake sa puso (Sa tatlong sunog sa Metro Manila)

fire sunog bombero

WALO katao ang nama­tay sa magkakahiwalay na sunog na naganap sa Marikina, Valenzuela at Parañaque cities. Sa sunog sa Marikina, patay ang isang pulis, asawa at dalawang paslit na anak makaraang ma­da­may ang kanilang ba­hay sa nasusunog na burger stall sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City, kahapon ng madaling araw. Nabatid sa ulat ni F/Supt. Randolf Vides, Marikina City Fire …

Read More »

Tindahan sa palengke natupok: Negosyante inatake sa puso

fire dead

SA VALENZUEA, patay ang 53-anyos negosyante matapos atakehin ng sakit sa puso nang tupukin ng apoy ang kanyang tindahan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital (VGH) ang biktimang kinilalang si Lorenzo Primavera, residente sa Virginio St., Coloong II dahil sa cardiac arrest. Ayon kay Valenzuela police chief S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 3:38 am, …

Read More »

Basura ‘umapaw’ sa Traslacion ‘zero-waste’ campaign wa-epek sa deboto

SA kabila ng kampanya ng ilang grupong maging ‘zero-waste’ ang Tras­lacion ngayong taon, nag-iwan pa rin ang libo-libong deboto ng Itim na Poong Nazareno ng mga basura sa rutang dinaanan ng prusisyon. Ayon kay Daniel Alejandre ng Ecowaste Coalition, tila bingi ang publiko sa kanilang pakiusap na magkaroon ng trash-less at zero-waste na Traslacion dahil sa walang habas na pag­tatapon …

Read More »

1,000 deboto, nasaktan 3 itinakbo sa ospital

Bago mag-6:00 pm, umabot sa 1,070 katao ang nangailangan ng atensiyong medikal sa gitna ng Traslacion 2019 nitong Miyerkoles, 9 Enero. Sa ulat ng Philippine Red Cross, 10:00 am pa lang ay 578 deboto ang nilapatan nila ng pang-unang lunas. Ayon sa Red Cross, 25 ang klasipikadong ‘major case’ na tatlo ang dinala sa ospital kabilang ang isang senior citizen …

Read More »