Thursday , January 27 2022

Sen. Bong Revilla positibo sa CoVid-19

NAGPOSITIBO na rin sa CoVid-19 si Senador Ramon Revilla, Jr., matapos lumabas ang resulta ng kanyang test.

Ngunit agad tiniyak ni Revilla na negatibo ang kanyang maybahay na si Cavite Mayor Lani Mercado Revilla at kanilang mga anak.

Tiniyak ni Revilla na nagka-quarantine na siya at ang kanyang pamilya.

Sa ngayon ay wala namang nararamdamag sintomas.

Isa sa kasambahay at empleyado ni Revilla ang nagpositibo sa COVID 19 kung kaya’t agad silang nagpa-test at dito ay nakompirma nga.

Si Revilla ay pumasok sa senado noong Lunes at huling lumabas noong Martes para sa 40th-day death celebration ng kanyang ama.

Sa ngayon ay sinunod ni Revilla ang payo ng doktor na mag-quarantine muna.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Leave a Reply