Saturday , July 27 2024

Pabillo nagluksa sa pagpanaw ni ‘Dirty Harry’

NAGLULUKSA sa pag­panaw ni dating Senador at Manila Mayor Alfredo S. Lim ang Apostolic administrator ng Archdiocese of Manila na si Bishop Broderick Pabillo.

Ayon kay Pabillo, napa­ka­raming nagawa ni Lim sa kanyang pagsisilbi sa bansa at sa Lungsod ng Maynila kaya maaalala niya bilang opisyal na nagbigay ng libreng edukasyon at ser­bisyo medikal sa mahihirap na mamamayan sa lungsod.

“I condole with the family of Mayor Lim. May God give him eternal rest,” ang pahayag ni Pabillo, kasabay ng pahayag na lahat ng simbahan sa Intramuros ay nakikidalamhati sa pagpanaw ni Lim.

Ayon kay Pabillo, “As the father of the city, Mayor Lim frequented the Manila Cathedral during special events and maintained a good relationship with the Church.”

Ang  Archdiocesan Shrine of  Sto. Niño sa Tondo, ay nakidalamhati sa mga naulilang pamilya ni Lim.

Mababasa sa Facebook post ng simbahan, “We want to convey our heartfelt condolences to those left behind by former Mayor Alfredo S. Lim.”

Tiniyak ni Pabillo, sabay-sabay na ipapanalangin ang kaluluwa ni Lim sa lahat ng kanilang misa sa lungsod.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *