Sunday , July 13 2025
philippines Corona Virus Covid-19

Ekonomiyang bagsak hindi lang PH – Palasyo

AMINADO ang Palasyo na nakababahala ang pagbulusok ng GDP noong 2nd quarter dahil ito’y ‘di hamak na mababa sa inaasahan ng economic managers ng gobyerno kahit ito ay resulta ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) o modified enhanced community quarantine (MECQ).

“The Philippines, we underscore, is not the only nation facing this economic situation. COVID-19 has had an adverse economic impact on countries like Singapore, Indonesia, the United States, France, Spain, Mexico,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang kalatas.

Batid aniya ng Palasyo ang kalbaryo’t pagdurusa ng mga mamamayan kaya’t nagpatupad ng emergency subsidy program na itinuturing na “largest single relief program” sa kasaysayan ng bansa.

Ngunit nananatili aniyang matatag ang determinasyon ng pamahalaan na ibangon ang ekonomiya sa pamamagitan ng “adaptive economic recovery program, PH-Progreso (Philippine Program for Recovery with Equity and Solidarity) upang labanan ang epekto ng pandemya sa negosyo at kabuhayan.

“We have likewise recalibrated our budget for next year and restarted our Build, Build, Build programs, subject to health and safety protocols, to create jobs,” ani Roque.

Base aniya sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ay matinding epekto ng lockdown sa manufacturing, construction, and transportation, and storage.”

Muling nananawagan aniya ang Pangulo sa Kongreso na madaliin ang pagpasa sa Bayanihan II, o ang Bayanihan to Recover As One, na magsisilbing second-semester offensive laban sa COVID-19; at ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act upang matulungan ang mga negosyo na makabangon at makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan.

“We assure everyone that the government will continue working round the clock to strengthen our resilience and bring us back to the path of inclusive growth,” dagdag ni Roque. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *