Saturday , January 11 2025

News

Gov’t officials pinagbawalang pumunta sa Canada

ANG pagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na magpunta sa Canada ay bahagi ng patakaran ng administrasyong Duterte na dumistansiya sa Otta­wa dahil sa pagkaantala nang pagbabalik ng basu­ra ng Canada mula sa Filipinas, ayon sa Palasyo. Kamakailan ay inutu­san ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan na itigil ang pagbibigay ng mga travel authority para sa official …

Read More »

Alejano sa PMA Mabalasik Class: Huwag tularan upper classmen na naging corrupt

PINAALALAHANAN ni Magdalo Rep. Gary Ale­jano ang Mabalasik Class ng Philippine Military Academy na nagtapos ngayon na laging alala­hanin ang idealismo na natutuhan sa Academy. “Laging isapuso ang pagmamahal sa bayan, at ang pagiging tapat sa tung­kulin sa lahat ng panahon. Kayo ay sun­dalo ng bayan at hindi ng iilan. Samot-sari ang tukso sa serbisyo kaya da­­pat maging matatag. Alalahaning …

Read More »

Payo kay ex-SAP Bong Go: Politika, karahasan iwasan — Duterte

HUWAG magpadala sa politika at iwasan ang paggamit ng karahasan. Ito ang payo ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte kay incoming senator Christopher “Bong” Go sa ginananp na thanksgiving party para sa kanyang longtime aide kama­kalawa sa Davao City. Anang Pangulo, maa­aring tumagal nang hang­gang 12 taon sa Senado si Go kapag ginampanan nang mabuti ang tung­kulin at bigyan pra­yori­dad ang mga …

Read More »

Mag-ina tumilapon sa bangga ng jeepney, Baby utas ina kritikal

PATAY ang isang-buwang gulang na sanggol habang kritikal ang kala­gayan sa pagamutan ng kanyang ina matapos mabangga ng humaharurot na pampasaherong jeep habang naglalakad sa gutter ng kalsada sa Navotas City, kahapon ng umaga. Isinugod ng nagres­pondeng JRY ambulance si Kaehll Ejija Mariano sa Navotas City Hospital na hindi na umabot nang buhay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. …

Read More »

Proyekto ng Manila Water para sa ‘cross-border water sharing’, patuloy na isinasagawa

Nakapaglatag na ang Manila Water ng 300 mm na pipeline sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Nagbigay-daan ito upang maibahagi ang hanggang 2.5 million liter per day (MLD) na tubig mula sa West Zone concession area ng Maynilad papuntang East Zone ng Manila Water sa pamamagitan ng “cross-border sharing”. Nangako ang Maynilad na magbabahagi ito nang hanggang …

Read More »

Sa Shangrila BGC… Negosyante arestado sa P8.5-M party drugs

NAARESTO ng mga operatiba ng Taguig police at Philippine Drugs Enforcement  Agency (PDEA) ang isang lalaking negosyante na hinihi­nalang miyembro ng sindikato. Nakompiska ang aabot sa P8.5 milyong halaga ng party drugs sa isang five-star hotel sa naturang lungsod kama­kalawa. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Domi­ngo Tanyao Uy Jr., 44, Filipino Chinese, nego­syante, may address na 2803 Balete …

Read More »

5-taon basura ng Canada ‘itatapon’ pabalik ni Duterte

NAPIKON na si Pangulong Rodrigo Duterte kaya gagastusan na ang pagbabalik sa Canada ng mga basura nilang limang taon nang nakatambak sa bansa. “President Rodrigo Roa Duterte is upset about the inordinate delay of Canada in shipping back its containers of garbage. We are extremely disappointed with Canada’s neither here nor there pronouncement on the matter,” ayon kay Presidential Spokesman …

Read More »

PhilSA aprub

PASADO sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na layong buuin ang Philip­pine Space Agency (PhilSA). Ipinanukala ni Sen. Benigno “Bam” Aquino IV, ang Senate Bill No. 1983 o ang “Act Esta­blishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency.” Ayon kay Aquino, ang paglulunsad sa isang space program ay maka­pagbibigay sa …

Read More »

Gastos pag-uwi ng labi ni Dayag mula Kuwait kinargo ng DFA

SASAGUTIN ng Depart­­ment of Foreign Affairs (DFA) ang gastusin sa pagpapauwi ng labi ng overseas Filipino works (OFWs) na napatay ng kanyang employer sa Kuwait kamakailan. Nagpaabot ng pakiki­ramay ang ahensiya sa pangunguna ni Secretary Teodoro  “Teddy” Locsin sa pamilya ng OFW na namatay nang dalhin sa Al-Sabah Hospital, Ku­wait nitong 14 Mayo na idineklarang dead on arrival. Kinilala ang …

Read More »

‘Pabayang’ Comelec execs kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng ka­song administratibo ng Mata Sa Balota Movement at ng ilang non-govern­ment organizations (NGOs) ang mga ‘non impeachable’ officials ng Commission on Election (Comelec) sa Office of the Ombudsman  bunsod sa hindi pagpapatupad ng pinakamahalagang baha­gi ng Automated Election System (AES) law na nagdulot ng kali­wa’t kanang ulat ng ka­pal­pakan ng mga makina at proseso sa katatapos na 13 …

Read More »

Cannabis (MJ) oil sa vape cartridge nasabat sa CMEC

HINULI ng mga tauhan ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Filipino American national nang kunin sa Central Mail Exchange Center ang 30 vape cartridge na nagla­laman ng cannabis oil sa Domestic Road, Pasay City kahapon. Dakong 12:30 pm nang hulihin ang suspek na si Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Wisconsin USA  na nag­mamay-ari ng shipment mula China, kasalu­kuyang …

Read More »

Flexible time sa trabaho aprobado sa Senado

INAPROBAHAN ng Senado ang panukalang batas na layong gawing “flexible” ang araw at oras ng trabaho ng mga manggagawang Filipino. Sa botong 17-0, ina­probahan ang bill na inihain ni Sen. Joel Villa­nueva. Isa ito sa mga panukalang batas na tinalakay ng Senado sa unang araw ng sesyon nitong Lunes matapos ang eleksiyong 13 Mayo. Sa ilalim ng bill, puwe­de huwag …

Read More »

Kiko nagbitiw sa LP (Drilon nalungkot, Pangilinan pinuri ng Palasyo)

kiko pangilinan

NAGBITIW na si Senador Francis Kiko Pangilinan sa puwesto bilang pangu­lo ng Partido Liberal sa kanyang isinumiteng liham kay LP Chair­person, Vice President Leni Robredo. Nakasaad sa liham ni Pangilinan, nagbitiw siya bilang pangulo ng LP matapos ang pagkatalo ng lahat ng kandidato ng Otso Diretso. Bilang siya ang tumatayong cam­paign manager, ay tina­tanggap ang lahat ng full responsibility sa …

Read More »

Federalismo at con-ass nararapat nang harangin

PINAALALAHANAN ni Albay Rep. Edcel Lag­man ang mga miyembro ng papasok na Kongre­so na harangin ang pagpasa ng federalismo at pagpapalit ng Kongreso sa Constituent Assembly. Ani Lagman, ang pag-iisa ng Kamara at ng Senado bilang Constituent Assembly, na maraming alyado ng pangulo, ay magmimistulang ‘rubberstamp’ ng Malacañang. “The subservience to the administration which is now happening in the House …

Read More »

Sa pananatili sa NYC… Cardema ipinasisiyasat ng Palasyo

PINAIIMBESTIGAHAN ng Palasyo sa Department of Justice (DOJ) ang ulat na nag-preside pa rin sa pulong sa National Youth Commission (NYC) si Ronald Cardema bilang chairman kahit naghain na siya ng petition upang maging substitute nominee ng Duterte Youth party-list group. “We refer the case of Cardema to the DOJ because we have received reports that despite his filing of …

Read More »

Bakasyon naunsiyami… Ex-Omb Morales ‘di pinayagan makapasok sa HK

PINASAKLOLOHAN ng Palasyo si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hinarang ng Immigration authorities sa Hong Kong. Batay sa ulat, hindi pinayagan makapasok ng Hong Kong si Morales para magbakasyon kasa­ma ang kanyang pamilya bilang ‘paghihiganti’ uma­no ng China sa isinampang reklamong crimes against humanity ng dating Ombudsman laban kay Chinese Pre­sident Xi Jin Ping sa International Criminal Court (ICC). “I …

Read More »

5-anyos nene isinilid sa bag na sako matapos saksakin at tusukin ng icepick (Sa Laguna)

SINAMPAHAN ng pulisya ng kasong murder ang suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 5-anyos batang babae sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Maj. Jojo Sabeniano, tagapagsalita ng Laguna police, ang suspek na si Glenn Ford Manzanero, 30 anyos. Kinasuhan si Manzanero dahil sa pagpatay sa nasabing bata na noong Linggo pa naiulat na nawawala sa …

Read More »

Milktea shop sa Glorietta 2 aksidenteng nasunog — BFP

HINDI arson kundi aksidente ang nangyaring sunog sa Coco Milktea Shop nitong Linggo ng gabi sa Glorietta 2 Ayala Center sa nasabing lungsod. Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Makati City Bureau Fire Protection na aksidente ang nangyaring sunog sa Coco Milktea Shop nitong Linggo ng gabi at hindi sinadya. Sinabi ni F02 Lester Batalla, arson investigator ng …

Read More »

Brigada Eskwela umarangkada na

Students school

BILANG paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo, naki­bahagi ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa programa ng Department of Education (DepEd) na paglilinis ng mga silid-aralan at iba pang pasi­lidad sa ilang pampu­blikong eskuwelahan sa Metro Manila. Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, 400 tauhan ng Metro Parkways Clearing Group (MPCG) ang itinalaga ngayong araw sa 20 …

Read More »

Petisyon vs pag-upo ni Cardema sa Duterte Youth inihain sa Comelec

GRUPO ng mga kaba­taan ang naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) laban sa pag-upo ng hepe ng National Youth Com­mission (NYC) na si Ronald Cardema kapalit ang asawa bilang unang nominee sa Duterte Youth party-list. Sinabi ng grupong National Union of Stu­dents of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), at University of the Philippines …

Read More »

Duterte Youth iniwan… Cardema inaaral kung may pananagutang legal

INAALAM ng Palasyo ang posibilidad na may pananagutang legal si dating National Youth Commission chairperson Ronald Cardema nang iwanan ang kanyang posi­syon sa ahensiya na hindi nagpaalam kay Pangu­long Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, lumalabas na dumiskarte si Cardema na mag-substitute sa kanyang asawa bilang first nominee sa Duterte Youth party-list. Inamin ni Panelo, sa diyaryo lamang …

Read More »

Sotto tiwalang ‘di ‘mapatatalsik’ sa 18th Congress

Tito Sotto

KOMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na siya pa rin ang mau­upo at mamumuno sa senado sa pagbubukas ng 18th Congress. Ayon kay Sotto nag­pa­hayag na ng suporta sa kanya ang mga senador na kasama niya sa mayorya. Bukod dito, nagpaha­yag din umanio ng supor­ta sa kanya ang tatlo pang bagong mahahalal na senador. Kabilang dito sina Bato dela Rosa, …

Read More »

8 arestado sa buy bust

shabu drug arrest

ARESTADO ang walong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa mag­kahiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Ayon kay Malabon police SDEU investigator P/MSgt. Jun Belbes, da­kong 12:30 am nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Zoilo Arquillo sa buy bust operation si Fredie Payad, 48, at Mario …

Read More »

Presyo ng petrolyo muling nagtaas

PABAGO-BAGO ang presyo ng produktong petrolyo. Nagpatupad na naman ng pagtaas sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 21 Mayo 2019. Pinangunahan ng Pilipinas Shell, PTT Philip­pines at Petro Gazz ang pagtaas ng presyo na P0.90 kada litro ng gaso­lina, P0.80 kada litro ng diesel habang nasa P0.75 kada litro ng kerosene na epektibo …

Read More »

PH-Kuwait MOU rerepasohin ng DOLE — Bello

OFW kuwait

SUPORTADO ng Pala­syo ang pagrepaso ng Department of Labor sa Philippine-Kuwait Memo­randum of Under­standing (MOU) na nala­bag sa pagkamatay ng isang Filipina overseas worker dahil sa umano’y pambubugbog ng amo. “I think we should, because according to Secretary Bello there has been a breach in the agreement signed by the two countries,” tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa hakbang …

Read More »