KABUUANG 1,265 local government units (LGUs) sa bansa ang umabot sa itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong 10 Mayo 2020 sa pamamahagi ng unang batch ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. Pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año ang LGUs dahil nakaabot sa mga mamamayan ang tulong. …
Read More »183 barangay officials vs iregularidad sa SAP iniimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ang 183 barangay officials sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa mga reklamong iregularidad sa pamamahagi ng cash aid, sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. “Sa rami ng ating reklamong natanggap, 183 ang iniimbestigahan ng pulisya dahil may probable cause dito,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo …
Read More »GCQ sa Maynila — Mayor Isko (Kabuhayan nakataya sa paglawig ng ECQ)
IPINALIWANAG ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kung bakit siya bumoto na maisailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Maynila kahit karamihan sa Metro mayors ay nais ma-extend ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila. Aniya, kahit ilagay sa GCQ ang Maynila, susundin pa rin ang health standard tulad ng pagsusuot ng face masks, proper hygiene, at …
Read More »Religious activities para payagan… Simbahan hinimok manawagan sa lokal na pamahalaan
HINIMOK ng Malacañang ang mga lider ng mga Simbahan sa mga lokal na pamahalaan na manawagan para payagan makabalik ang religious activities habang umiiral ang enhanced at general community quarantine bilang pag-iingat laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang tumanggi sa pagbabalik ng religious activities dahil imposibleng …
Read More »Sec. Andanar nag-memo: PCOO social media pages cross posting bawal na
IPINAGBAWAL na sa official social media pages ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang cross posting ng ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa hindi awtorisadong paskil ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC) sa kanilang social media pages kaugnay sa isyu ng pagpapasara sa ABS-CBN noong Sabado. Sa inilabas na Department …
Read More »Senadora nagbabala: Second wave ng COVID-19 mula sa hospital & lab waste
NAGBABALA ngayon si Senador Imee Marcos na posibleng magkaroon ng second wave ng COVID-19 kung hindi magiging maayos ang disposal ng mga basura na magmumula sa mga ospital at laboratoryo na ginamit sa pagtukoy at paggamot sa mga nahawaan nito. “Kahit bumababa na ang mga kaso ng impeksiyon, hindi imposibleng manalasang muli ang COVID-19 kung hindi pagtutuunan ng pansin …
Read More »QCPD HQ sa Camp Karingal isinailalim sa lockdown (14 tauhan positibo sa COVID-19)
INILAGAY sa loob ng tatlong araw na lockdown ang Quezon City Police District (QCPD) headquarters sa Camp Karingal, Quezon City nang matuklasan na 14 tauhan nila ang positibo sa coronavirus (COVID-19) sa isinagawang group testing noong 25-29 Abril 2020. Ito ang kinompirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon. Mula sa 1,563 populasyon sa loob ng Camp …
Read More »Ayuda sa mahihirap ‘wag kanain — Palasyo (‘Scam’ sa SAP)
HUWAG ‘kanain’ ang ayuda para sa mahihirap. Nagbabala kahapon si Presidential Spokesman Harry Roque na aarestohin ng mga pulis at ikukulong sa quarantine facilities ang mga opisyal ng barangay na magnanakaw sa mga ayuda ng pamahalaan para sa mga maralita. “Kinakailangang ikulong sila nang maturuan ng leksiyon na huwag pong ‘kanain’ ang ayuda na nakalaan para sa pinakamahihirap sa ating …
Read More »Reklamong natanggap ng DILG, 3,000 na
UMABOT na sa 3000 ang reklamong natatanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ilan sa reklamo ng mga residente ay inaaresto at ikinukulong sila dahil sa pagpapaskil ng kanilang mga concern o hinaing sa social media hinggil sa Social Amelioration Program (SAP) distribution. Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, batay sa reklamong …
Read More »Barangay officials bigyan na ng suweldo — DILG
PABOR ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyan na ng suweldo at i-professionalize o taasan pa ang kalipikasyon para sa mga posisyon ng barangay officials. Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ginagampanan na rin ng barangay officials ang tatlong pangunahing governmental functions gaya ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatira, kaya’t dapat na …
Read More »ECQ nais palawigin ng metro mayors (Duterte papayag?)
MALAKI ang paniwala ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Chairman Metro Manila Council na papabor ang pamahalaan sa panawagan ng mayorya sa Metro Mayors na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang 30 Mayo. Sampu sa 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) ang mas gusto ng extension sa umiiral na ECQ. Kamakalawa, nagpulong ang MMC at …
Read More »Buwanang pension sa indigent PWDs isinulong ni Lapid
ISINULONG ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang pagbibigay ng buwanang pensiyon sa persons with disability (PWDs) na walang permanenteng kita at sinusuportahan ng mga kamag-anak para kanilang mga pangangailangan. Ito ang nakapaloob sa Senate Bill 1506 na inihain ni Lapid na layong bigyang prayoridad at karampatang tulong ang PWDs para sa kanilang mga pangangailangan. “Sa panahon na matindi …
Read More »Tradisyonal na pagtuturo suhestiyon sa balik-eskuwela
SUPORTADO ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng tradisyonal na sistema sa pagtuturo sa nakatakdang pagbabalik-eskuwela sa 24 Agosto 2020. Ilan sa tradisyonal na nakikita ng senador, ang pagbabalik sa paggamit ng radyo at telebisyon sa pag-aaral ng mga bata. Aminado si Gatchalian na hindi lahat o 40 porsiyento ng ating mga mag- aaral ay walang mga modernong …
Read More »Kapag inalis ang ECQ… Mass testing kailangan
NAIS ni Senate President Vicente Sotto III na magkaroon ng agarang mass testing sa bansa kapag tinanggal na ang enhanced community quarantine (ECQ) nang sa ganoon ay agarang matukoy ang positibo sa coronavirus (COVID-19). Tinukoy ni Sotto, sa pagbalik nila sa sesyon noong 4 Mayo at sa iilang pumasok na kawani ng senado ay nagpositibo ang 20. Ayon …
Read More »PAG-IBIG Fund huwag maningil nang buo ngayong ECQ – Solon
HINIMOK ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Home Development Mutual Fund, na kilala sa pangalang Pag-IBIG Fund, na huwag munang maningil ng kabuoang bayad sa mga utang ng miyembro ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at sa mga lugar kung saan ito tatanggalin. Ayon kay House Deputy Majority Leader Herrera, ‘unfair’ ang ganyang asta at labag sa …
Read More »Sonny Parsons, inatake, patay (Bumibiyahe sakay ng BMW R1200GS)
ni Ed de Leon NAMATAY si Sonny Parsons sa isang klinika kung saan tinangkang ikabit siya sa oxygen matapos atakehin sa puso, habang sakay ng kanyang motorsiklong BMW R1200GS, papuntang Quezon, kahapon. Naganap ang hindi inaasahang insidente dakong 1:00 pm, Linggo, Mayo 10, sa Lemery, Batangas. Sinasabing mga limang oras na siyang bumibiyahe nang atakehin. May suspetsa ang marami na …
Read More »Usec Badoy, doble-laglag sa Palasyo
INILAGLAG nang dalawang beses ng Palasyo si Communications Undersecretary at self-proclaimed National Task Force to End Local Communist Conflict (NTFELCAC) Lorraine Badoy nang ikawing sa anti-communist propaganda ang isyu ng pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN. Muling dumistansiya si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga inilathala ni Badoy sa Facebook page ng NTFELCAC na nagbabala sa publiko sa paggamit ng Communist …
Read More »Kamara ‘binigwasan’ ng NTC, speaker ‘napipi’
HINDI pa rin makahuma ang maraming television viewers, matapos ‘bigwasan’ ng National Telecommunications Commission (NTC) ang House of Representatives, na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano, nang umabuso ang regulatory body sa pagpapatigil ng operasyon ng broadcasting network matapos mag-expire ang prankisa nito. Sa kabila nito, iginiit ng ABS-CBN na naniniwala silang nanatili ang kanilang karapatan na maghain ng petisyon …
Read More »Dennis Uy-owned Phoenix P30-B utang sa 11 banko (Dapat bayaran sa loob ng 6 na buwan)
MAHIGIT sa P30 bilyon ang utang ng Phoenix Petroleum na pag-aari ni businessman Dennis Uy sa 11 banko na dapat niyang bayaran sa loob ng unang anim na buwan ng 2020. Ayon sa local website na bilyonaryo.com.ph, ang P30.167 bilyong utang ng Phoenix ay mas mataas ng 40 percent sa P21.479 bilyong short-term loans ng kompanya noong 2019. Bago matapos …
Read More »Sa Parañaque… Imbes hard lockdown random rapid testing sa 20,000 residente — Mayor Olivarez
HINDI ipatutupad ang hard lockdown sa barangay na ikatlo sa may pinakamataas na kompirmadong kaso ng coronavirus (COVID-19) sa National Capital Region (NCR) ayon sa inihayag ng Department of Health (DOH), siniguro ito ng pamahalaang lungsod ng Parañaque. Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez, ang paglalagay sa hard lockdown sa isang barangay ay hindi tamang solusyon sa pandemia kung ang …
Read More »Gat Andres muling binuksan sa publiko
MULING binuksan sa publiko ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABBMC) matapos i-disinfect nang magpositibo sa coronavirus COVID-19 ang ilang health workers. Kinompirma ito ni Dr. Teodoro Martin, Director ng GABMMC, at sinabing ilang wards sa pagamutan ang binuksan sa mga pasyente. “Nahihirapan na kasi ‘yung ibang city hospital sa rami ng pasyente kaya binuksan na namin,” ayon …
Read More »46 ‘kupitan’ ng barangay target ni Isko
MAHAHARAP sa masusing imbestigasyon ang 46 barangay chairpersons dahil pagpapaliwanagin ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga isyung ‘kupitan’ ngayong panahon ng pandemyang COVID-19. Ang 46 barangay chairpersons ay inireklamo dahil ‘kinukupitan’ ang bilang ng ayuda gaya ng nawawalang sauce ng spaghetti, hindi naibigay na financial assistance, pang-uumit ng grocery items at iniimbak sa barangay hall na ginawang bodega. Kaugnay …
Read More »25 Pinoy crew ng Costa Atlantica nakauwi na
NANDITO na sa bansa ang panibagong 125 Filipino crew members ng Costa Atlantica cruise ship na nakadaong sa Nagasaki, Japan. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang naturang overseas Filipino workers (OFWs) matapos makompleto ang kanilang 14-day quarantine sa loob ng barko. Ang mga repatriated …
Read More »Prankisa ng ABS-CBN aaprobahan ng senado
TINIYAK ni Senate President Vicente Sotto III, agad aaprobahan ng Senado ang prankisa ng ABS CBN. Pahayag ito ni Sotto matapos itigil ng ABS-CBN ang pagsasahimpapawid bilang pagtalima sa cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos mapaso ang kanilang prankisa. ‘“ABS franchise, bring it to the Senate, we will approve it!” pahayag ni Sotto sa kanyang official …
Read More »NTC ‘wag gamiting sangkalan ng Kamara
BINATIKOS ni Albay Rep. Edcel Lagman ang administrasyon sa pagsisi sa National Telecommunication Commission (NTC) sa ipinataw na cease-and-desist order laban sa ABS-CBN. Ayon kay Lagman bigo ang liderato ng Kamara sa pag-aproba ng prankisa na inihain noon pang 2016. “There is no other solution to the dilemma of ABS-CBN than the immediate renewal of its franchise now that …
Read More »