INILUNSAD ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kauna-unahang libreng drive-thru testing sa mga motorista upang magbigay kapanatagan at mawala ang pagkabahala at agam-agam ng mga residente patungkol sa COVID-19. Nabatid kay Mayor Isko, aabot sa 16,000 motorista ang kayang silbihan ng makina sa loob ng isang linggo at ang resulta ay mas konklusibo at sigurado kompara sa …
Read More »DOH, umayos kayo – solon
“UMAYOS kayo!” Ito ang panawagan ni ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran sa Department of Health (DOH) sa harap ng magulo at nakaaalarmang datos kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 sa bansa. Nanawagan din ang House assistant majority leader na maging tapat at eksakto ang datos na inihaharap ng DOH sa publiko. “Last Sunday, DOH wasn’t able to release updated …
Read More »‘House-to-house search’ ng COVID-19 positive labag sa human rights
BINIGYANG-DIIN ni Senate Minority Leader Frank Drilon na malalabag ang karapatang pantao kapag ikinasa ng gobyerno ang ‘door-to-door search’ ng mga positibo sa COVID-19. “No warrant, no entry,” ayon kay Drilon, na hinikayat ang gobyerno na suriin muna ang bagong estratehiya. Mali rin aniya na mga alagad ng batas ang maghahanap sa mga may sakit sa katuwiran na …
Read More »Mega web of corruption: DepEd project ‘niluto’ over cups of coffee (Ikatlong Bahagi)
PIPING saksi ang apat na sulok ng isang restawran sa five-star hotel sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa ‘pagluluto’ ng mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ehekutibo ng isang state-run television network sa panukalang proyekto sa Department of Education (DepEd) na magsilbing Educational Broadcast Network ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na tinatayang aabot sa halagang …
Read More »Kompanya ni Dennis Uy sapol sa baklas-pondo
DALAWANG magkasunod na pagbawi o pag-atras ng pondo sa kompanya na magpapatakbo sa third telco player sa bansa ang naganap sa loob lamang ng dalawang linggo. Kamakalawa, napag-alaman na ang buong 30 porsiyentong sosyo ng Singapore management fund sa Dito CME Holdings Corp., ng negosyanteng si Dennis Uy ay ibinenta na. “Singapore fund Accion divests from Uy’s Dito …
Read More »Rep. Abu binatikos sa pagbasura ng ABS-CBN franchise (Batangueños umangal)
MATAPOS ang huling pagdinig ng kongreso ukol sa prankisa ng ABS-CBN, marami sa mga mga residente at mga tagasuporta ng ABS-CBN na tinaguriang largest broadcast network sa bansa, ang binatikos si Batangas 2nd District Representative Raneo Abu ng mga residente ng lalawigan dahil sa umano’y hindi makatarungang pagboto sa pagsasara ng ABS na isinaalang-alang na lang sana sa kanyang mga …
Read More »Jerry Gracio, sariling resignasyon iginiit sa KWF
NAPUNO na ang salop. Hindi na kinaya ng isang opisyal ng gobyerno na magsilbi sa isang administrasyon na aniya’y walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at sa malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag ng fasismo ng estado. “Bilang manunulat, hindi ko na kinakaya na magsilbi sa isang administrasyon na walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag …
Read More »‘Super Sho’ que sera, sera sa pag-epal na ‘Pambansang Laway’
GUSTONG bumida nang husto ang isang mataas na opisyal ng Palasyo at papelan ang lahat ng sektor ng sangay ng ehekutibo. Bulongan ito sa sirkulo ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos umugong sa kanilang hanay na tatlong task force na ang nais kontrolin ng naturang top Palace official. Si top Palace official ay tila hindi napapagod sa …
Read More »Mega web of corruption: Bloated salary scheme ng TV execs bistado (Ikalawang Bahagi)
NAKAKITA ng oportunidad ang ilang ehekutibo ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) hindi para ibangon ang naghihingalong state-run TV network kundi para ‘patabain’ ang kanilang sariling bulsa. Isasakatuparan umano ito sa pamamagitan ng pinalobong suweldo ng mga kukunin nilang mga empleyado sa implementasyon ng panukalang proyekto ng Department of Education (DepEd) na magsilbing Educational Broadcast Network ang IBC-13 na tinatayang …
Read More »Tulak na Tsinay inginuso ng kabayan timbog
NADAKIP ang babaeng Chinese national na kabilang sa high value target (HVT) nang ibuko ng kababayang nakakulong o person under police custody (PUPC) na nagsuplay sa kaniya ng droga, nitong Sabado ng hapon sa Pasay City. Kinilala ang suspek na si Xueming Chen, 22 anyos, walang trabaho, ng Room 557, 5th floor Tower D, Shell Residences, Barangay 76, Zone 10, …
Read More »78,000 OFWs nakabalik na sa bansa
NAKAUWI na sa bansa ang mahigit 78,000 overseas Filipino (OFs) dahil sa epekto ng COVID-19 Sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), may panibagong 10,369 OFs mula sa iba’t ibang bansa ang natulungan ng pamahalaan para makabalik sa Filipinas. Pumalo na sa 78,809 Pinoy overseas ang nakabalik sa bansa nang magsimula ang pamahalaan sa ginagawang COVID-19 repatriation simula …
Read More »Face mask epektibong panlaban vs COVID-19
BINIGYANG DIIN ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask bilang epektibong panlaban sa impeksiyon ng COVID-19. Ayon kay Health Undersecreatry Maria Rosario Vergeire, ilang pag-aaral na ang nagsabing may 85 percent tsansang mabawasan ang risk o posibilidad na mahawaan ng COVID-19 ang isang indibidwal na nakasuot ng face mask. Kung susundin naman daw ang physical …
Read More »Amyenda sa Centenarian Act dapat unahin ng Kamara
IGINIIT ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos sa Kamara na dapat unahin ang amyenda sa Centenarian Act na nagbibigay ng pinansiyal na insentibo sa mga senior citizens lalo ngayong panahon ng pandemya. Ani Delos Santos dapat palawakin ang benepisyo para sa mga seniors. “The amendment to the Centenarian Act would allow more of our senior citizens to benefit …
Read More »Palasyo ‘kabado’ sa People’s Initiative(Sa ABS-CBN franchise)
MAAARING pagkalooban ng bagong prankisa ang ABS-CBN sa pamamagitan ng people’s initiative o ang kapangyarihan ng mga mamamayan na magpanukala at magpasa ng batas, mag-aproba o magbasura ng isang batas na naipasa ng Kongreso. Lumutang ang nasabing isyu matapos ibasura ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara sa botong 70-11 ang hirit na prankisa ng ABS-CBN. “We also take note …
Read More »Pamunuan ng Meralco, ipinatawag ng Kongreso
IPINATAWAG ngayong araw ng Lunes, 13 Hulyo, sa Kongreso ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) para magpaliwanag kung bakit sobrang taas ang singil nila sa koryente nitong nakalipas na ilang buwan. Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, Vice Chairman ng Committee on Good Goverment and Accountability, karamihan sa mga kostumer ng Meralco ay nagrereklamo sa sobrang laki ng kanilang …
Read More »Expropriation ng assets legal (Apela ng PECO ibinasura ng korte)
SA KAWALAN ng sapat na merito, ibinasura ng Iloilo Regional Trial Court Branch 23 ang motion for reconsideration na inihain ng Panay Electric Company (PECO) na humihiling na baliktarin ang nauna nang desisyon na nag-uutos ng expropriation ng mga assets nito pabor sa bagong Distribution Utility na More Power and Electric Corp (More Power). Sa dalawang pahinang desisyon ng RTC, …
Read More »Mega web of corruption: State-run TV station ‘pitaka’ ng execs (Unang Bahagi)
PAANO nakatutulog nang mahimbing sa gabi ang isang opisyal ng gobyerno ng isang ‘naghihingalong’ state-run TV station na sumasahod ng P200,784.58 kada buwan habang may mga kawaning sumusuweldo lamang ng mahigit P6,000 hanggang P8,000 isang buwan? Tanong ito matapos mabatid na ang president and chief executive officer ng Intercontinental Broadcasting Network (IBC-13), isang government-owned and controlled corporation (GOCC), ay tumatanggap …
Read More »327 laborer sa BGC construction site positibo sa COVID-19
UMAKYAT sa 1,420 ang kaso ng COVID-19 sa Taguig City, matapos makapagtala ng tatlong kompirmadong kaso ang lungsod. Umabot sa 73 ang panibagong suspected cases mula sa hanay ng construction workers na unang isinailalim sa localized quarantine ang kanilang construction site sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig mula noong 23 Hunyo. Ang total cases sa nasabing construction site ay umabot sa …
Read More »Doktor sa JJASGH, nasawi sa COVID-19 (Bayani sa panahon ng pandemya)
KINOMPIRMA ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang na malungkot na balita kaugnay sa pagpanaw ng isang frontliner na medical doctor na nakatalaga sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) dahil sa COVID-19. Ayon kay Mayor Isko, pumanaw dahil sa COVID-19 si Dr. Reino “Nong” Palacpac, isang pediatrician na naging frontliner ng JJASGH mula nang magsimula ang …
Read More »COVID-19 patients sa PGH at San Lazaro halos puno na, Maynila tutulong
HANDANG tumulong ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga “referral hospital” na matatagpuan sa lungsod makaraang magpahayag na halos magamit na ang buong kapasidad nito dahil sa mga pasyenteng may sakit na COVID-19. Kabilang sa mga referral hospital ang Philippine General Hospital (PGH) at San Lazaro Hospital na parehong pinapatakbo ng gobyerno na umabot na sa 80% hanggang …
Read More »Isko nakiusap ‘wag magbigay ng pera sa palaboy, (“Iaayos natin sila.”)
“STOP giving money to the so-called ‘streetdwellers’ because it does not yield good results in the long run.” Ito ang seryosong panawagan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga motorista at publiko matapos ipahayag na nasa 700 palaboy ang nasagip ng mga tauhan ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Rolando Miranda at kawani ng Manila …
Read More »COVID-19 positive sa Montalban umakyat sa 71
LOMOBO sa 71 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa anim na barangay sa bayan ng Montalban, sa lalawigan ng Rizal. Ayon sa datos ng local health office, 32 sa Barangay San Jose, 20 sa Barangay San Isidro, lima sa Barangay San Rafael, siyam sa Barangay Burgos, tatlo sa Barangay Manggahan, at dalawa sa Barangay Balite ang positibo sa naturang …
Read More »12 bagong COVID-19 dagdag sa 120 kaso (Sa CSJDM Bulacan)
NADAGDAGAN ng 12 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, na karamihan ay pawang mga persons deprived of liberty (PDLs) at mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ani Dr. Betzaida Banaag, city health officer, kabilang sa mga aktibong kaso ang isang residente na nagtatrabaho sa …
Read More »3 doktor, 3 kadete ng PMA pinadampot ng Baguio court (Sa pagkamatay ni Dormitorio sa hazing)
IPINAG-UTOS ng korte sa lungsod ng Baguio ang pagpapadakip sa tatlong doktor at tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) kaugnay ng pagpanaw ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing noong taon 2019. Ayon kay P/Col. Allen Raw Co, direktor ng Baguio City police director, noong Miyerkoles, 8 Hulyo, pinatawan ng P200,000 piyansa sina Captain Flor Apple …
Read More »PPA sa LSIs: Huwag dumagsa sa Pier
NANAWAGAN ang Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko na huwag dumagsa sa mga pier, gaya sa Manila North Port Passenger Terminal. Ang panawagan ng PPA ay kaugnay ng umiiral na moratorium sa repatriation o pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs) na aprobado ng Inter-Agency Task Force (IATF). Sa ngayon, pansamantalang suspendido ang biyahe ng mga pampasaherong sasakyang …
Read More »